"halika muna dito sa loob ng gym at dito naten pag usapan." pag aaya ni Maki at naupo sa bench
Sumunod naman si Coach Regie at naupo sa bench katabi ni Maki "Na-injured ang isa sa mga player ko, sa kasamaang palad wala kameng maaring ipalit sa kanya. Naawa ako sa mga players ko na hindi sila makakalaro sa district tournament dahil lang kulang kame sa player. Sayang ang lahat ng pagsasanay at paghihirap nila." Sabi nito habang nakatanaw sa mga varsity player's ng Kainan basketball team na nagpa-practice
"Ikinalulungkot ko ang nangyari, pero ano ang maiitulong ko sayo at sa team mo?" tanong ni Maki
"Isa sa mga varsity player's mo ang magaling sa laronng sepak. Ang mga players ko mismo ang nagsabi ng mahusay sya at kahit ang team captain nila ay napahanga nito. Hihingin ko sanang pabor na habang hindi pa nagsisinula ang basketball matches nyo ay kung maaari ay makapaglaro sya ng sepak para sa district naten." Sabi ni coach Regie
Napahawak si Maki sa baba nya "Sino sa mga player's ng Kainan ang marunong magsepak? Kung ako ang tatanungin ay okay lang sa akin dalawang buwan pa naman bago magstart ang basketball matches namen. Ang tanong kung papayag ba sya?" tanong ni Maki
"Hindi ko pa din sya nakikita, pero bilib na bilib sa kanya ang mga players ko. Kaya sigurado akong magaling sya. Ang pangalan nya ay Bryn Sakuragi." Sagot ni Coach Regie
Napahawak sa batok nya si Maki ng marinig ang sagot ni Coach Regie "Si Bryn marunong magsepak. Masyado talagang talented ang batang iyon. Mukha talagang namana nya ang talento at husay ng kanyang ama. Madaling matuto at turuan." Sabi ni Maki
"Nandito ba sya? Kung payag ka bilang coach nila maaari ko ba syang maka usap?" tanong ni Coach Regie
Tumango naman si Maki "Bryn halika dito!" sigaw ni Maki
Napalingon naman si Bryn na busy sa pagpa-practice ng shooting, huminto ito at lumapit kina Maki at Coach Regie na naka upo sa bench "Ano po yun?" magalang na tanong nito
Tiningnang mabuti ni Coach Regie si Bryn "Napakatangkad nya para maging magaling na sepak player pero hindi ko pa naman sya nakikitang maglaro. Pero malaki ang atawan nya, nagpapakita na malalakas ang muscles nya lalo na sa hita." Sabi nito sa isip nya
"Bryn sya si Coach Regie mula sa Shoyo High at may sadya sya sayo." Sabi ni Maki
"Magandang araw po Coach, ako po si Bryn Sakuragi. Ano pong maiipag lingcod ko sa into?" magalang na sabi ni Bryn
"Magandang araw din sayo Bryn, ikaw pala ang sikat na si Bryn. Ang model endorser ng Nanyang shoes. Ikinagagalak kitang makilala." Sabi ni Coach Regie
Ngumiti si Bryn "May sadya daw po po kayo sa ain? Ano po iyon?" tanong ng binata
"May hindi inaasang nangyari kanina sa practice ng sepak takraw team namensa Shoyo. Isa sa manlalaro namen ang na-injury at kailangang mag undergo ng ilang linggong gamutan. At ngayon may kinahaharap na malaking problema ang team namen. At ikaw lang ang makakatulong sa amin." Sagot ni Coach Regie
"I feel sorry po sa mangyari sa player nyo. Ano po ang aking maiitulong sa team nyo? Basta po kaya ko, I'm willing to help." Sagot ni Bryn
"Kulang kame ng isang player. At alam mong sa sepak game hindi maaaring maglaro ang team kung walo lamang sila. Kaya bilang coach ng Sepak Takraw ng Shoyo nakiki usap ako sayo na maglaro ka kasama ng mga players ko, maglaro ka ng sepak para sa district naten at maglaro ka para hindi masayang ang paghahanda ng team." Paki usap ng coach
Nagulat si Bryn sa paki usap ng coach ng Shoyo sa kanya at napatingin kay Maki "Gusto ko pong makatulong pero hihingin ko muna po ang opinion ng coach ko dito sa basketall team. Mahirap po kasi ang double event." Sagot ni Bryn
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...