Chapter 36

356 18 19
                                    

Masayang masaya si Bryn dahil maganda ang resulta ng pagpunta nya sa Japan. Nakita nya at nakilala ang taong hinahanap nya. Sobrang galak naman ang nararamdaman ni Hanamichi matapos makilala si Bryn. Bilang isang ama malaking karangalan para sa kanya ang magkaroon ng anak na lalaki, lalot kitang kita nya ang pagkakatulad nilang dalawa.

Iniikot ni Hanamichi ang braso nya sa leeg ni Bryn at ginulo ulit ang buhok nito "Mauna na muna ako. Baka hinahanap na ako ni Princess and kaka usapin ko pa si Boss. Dito ka muna kay Lolo habang hindi pa ayos ang lahat. Bukas magpapaDNA tayo." Nakangiting sabi ni Hanamichi kay Bryn

Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Bryn dahil sa sayang nararamdaman nya, ramdam din nya ang saya ni Hanamichi "Sige Pa, by the way po I bought something for Nami kanina. Kaya lang hindi ko po maibigay dahil masama na ang tingin saken ni Ryco, dahil lagi nya akong nakikitang naka titig kay Nami. " Sabi ni Bryn

"My binili ka para kay Princess?" gulat na tanong ni Hanamichi

Nakangiting tumango si Bryn at may inilabas na maliit na box "Ito po, this is a sister ring Pa. Binigyan ko din po ng ganito si Bell, yung younger sister ko sa UK. Pwede po bang kayo na ang magbigay sa kanya?" tanong ni Bryn

"Makakapaghintay naman siguro yang gift mo? Pwede mong ibigay yan pag nagkakilala na kayo." Nakangiting sabi ni Hanamichi

"Sige po I will keep this muna. I will give to Nami when everything is on it's place na. I can't wait na mangyari yun." Sabi ni Bryn

"At pag okay na ang lahat dito mo na itutuloy ang pag aaral at career mo. Kung ako ang masusunod dito ka na mamimirahan at hindi na sa UK. Madami pa tayong dapat pag usapan Bryn. Pero uuwi muna ako ngayon para ipaliwanag ang lahat ng ito kay Boss. ayoko ng may itinatago sa kanya." Sabi ni Hanamichi

"Sige po Papa. Mag iingat ka po. Payakap po ulit bago ka umalis." Masayang sabi ni Bryn at yumakap ng mahigpit kay Hanamichi

Niyakap ni Hanamichi si Bryn at nagpaalam na kay Maki "Lolo mauna na muna ako. sayo muna si Bryn enjoyin mo habang nandito sya. Ang sarap sa pakiramdam ng may anak na lalaki, kaya gumawa ka na din ng sayo. Habang kaya pa nyang mga tuhod mo. WAHAHHAHAHAH" tumatawang sabi ni Hanamchi

"Sige alis na. puro ka kalokohan. Nakita mo Bryn kung gaanon yan kabalasubas? Ako na ang bahala Kay Bryn. Galingan mong mag explain kay Kumi, sana maging maayos ang lahat." Nakangitinging sabi ni Maki

Ngumiti si Hanamichi "Oo naman Lolo, henyo ata to." Sabi to at sumakay na sa kotse nya at umalis

"So Bryn how do you feel right now?" tanong ni Maki

"I don't know Tito Maki, basta sobrang gaan ng pakiramdam ko at sobrang saya. Simula nung na-discover ko na may secret sina Mommy at Daddy saken, hindi na ako sumaya ng ganito. I just realize na hindi pera or pagiging sikat ang magpapasaya sa isang tao. Yun ay ang pagiging buo ng pagkatao mo and acceptance from your family." Nakangiting sabi ni Bryn

Tinapik ni Maki si Bryn at naglakad na papunta sa kanyang kwarto "Magpahinga ka na Bryn, gagawa lang kami ng baby boy ni Tita mo." Nakangising sabi ni Maki at pumsok sa kanyang kwarto

Masayang tumakbo si Bryn sa kwarto nya at pagpasok nito ay nagtatalon ito sa kama na parang batang 10 years old "Hindi ko maalala kung kalian ako huling sumaya ng ganito. Hindi ko ma-explain how happy I 'am." Sabi nito sa sarili

Masayang nagda-drive si Hanamichi "May anak akong lalaki, may makakasama na akong maglaro ng basketball. May mapapanood na ako at may masusurportahan tulad nina Yohei at Rukawa. Ganito pala ang pakiramdam, kahit hindi pa napapatunayan sa DNA na anak ko sya nararamdaman ko na yun. May anak akong lalaki, pero hindi kay Boss. oo nga pala si Boss, paano ko sasabihin sa kanya. Anong magiging reaction nya. Si Nami, sana maintindihan nya ang mga pwedeng mangyari." Sabi ni Hanamichi sa isip nya

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon