Chapter 118

289 22 7
                                    

Dahil naiwan sina Hanamichi at Fujima nagkaroon sila ng pagkakataong magka-kwentuhan "Ano ba tong pinaggagagawa naten Sakuragii? Bilang isang abugado hindi ko inaasahang sasang ayon ako sa kalokohan nyo. At sa anak ko pa talaga." Sabi ni Fujima

Inakbayan ni Hanamichi si Fujima "Alam mo Mr. Substitute pareho lang tayo ng nararamdaman ngayon. hindi ko alam na ganito ang mga magaganap, tinawagan lang ako ni Princess tungkol dito. " sabi ni Hanamichi

"Sa ugali mo dati hindi ko inaasahang magiging ganyan ka kasuportado sa mga anak mo. Hindi ko inaasahang magiging mabuti kang ama sa mga anak mo at magiging mabuti kang asawa kay Ms. Aiwa." Nakangiting sabi ni Fujima

"HEHEHE henyo ako diba? Ganon siguro paglumaking mag isa, gagawen mo ang lahat para magkaroon ng kumpletong pamilya. Kilala mo nga pala si Boss." tanong ni Hanamichi

"Oo naman, una ko pa syang nakilala sayo. Isa syang babaeng gagawen ang lahat makuha lang ang gusto nya. Akala ko nga si Hanagata ang mapapangasawa nya, pero sino ang mag aakala na mapapa ibig sya ng isang Hanamichi Sakuragi.HEHE" sabi ni Fujima

"Kahit naman ako Mr. Substitute hindi makapaniwala na minahal ako ng isang napaka gandang babae, matalino at napakayaman. Sino ba naman ako noon, isang balasubas, gung gong, walang pera at walang pamilya." Sabi ni Hanamichi

"Yun ang tinatawag na true love, nagawa nyang tanggapin ka sa kabila ng lahat ng kapintasan mo Sakuragi. At ngayon naman nakikita ko sayo na sinusuklian mo ang pagmamahal ni Ms. Aiwa sayo sa pagiging mabuting ama at asawa." Sabi ni Fujima

Natawa si Hanamichi "Sinong mag aakalang pupurihin ako ng isang tulad mo.EHEHEHE pero sana tulad namen ni Boss, maging maayos ang mga anak naten. Sina Bryn at Empress sana sa mga oras na to maayos ang naging resulta ng kalokohang prank nila." Sabi ni Hanamichi

"Pati ako nadali ng prank nyo. Sinisiguro ko na magiging ayos ang lahat. At sana malinawan na ang mga bata sa mga nararamdaman nila. Nkakasakit na din ng ulong magpayo kay Empress." Sabi ni Fujima

Naramdaman ni Hanamichi na nagba- vibrate ang cellphone nya, sa pagtingin nya sa cellphone nya nakita nyang tumatawag si Nami."Mr. Substitute sandal lang ha. Tumatawag sa Princess." Paalam ni Hanamichi, tumango naman si Fujima at saka lumakad papalayo si Hanamichi para sagutin ang tawag ng kanyang anak

"Princess" – Hanamichi

"Papa everything went fine po Papa."- Nami

"Ibig sabihin tapos na ang palabas nina Bryn? At naging maayos ang lahat. Asan sina Bryn at Empress?" – Hanamichi

"Opo Papa, maganda po ang naging resulta ng lahat. Kaaalis lang po nila, ihahatid po ni Kuya si Ate Empress sa bahay nila." – Nami

"Ganon ba Princess, mabuti naman at tinawagan mo ako para i-update. Uuwi na ba kayo?" - Hanamichi

"Yes po Papa, ihahatid na po ba ako ni Ryco sa bahay or babalikan ka po namen dyan sa ospital?" – Nami

"Princess kausapin ko ang sangganong gubat."-Hanamichi

"Okay po Papa, just a moment po." – Nami at ini abot kay Ryco ang phone nya "Papa want to talk to you." Sabi ni Nami

Tinanggap ni Ryco ang phone ni Nami at kinausap si Hanamichi "Ninong gusto nyo daw po ako maka usap." –Ryco

"Ihatid mo na si Princess sa bahay."- Hanamichi

"Sige po Ninong, pero paano po kayo? Ipina-drive nyo po ang kotse nyo sa akin papunta dito sa apartment ni Ryan." – Ryco

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon