Chapter 161

186 16 12
                                    

Bumalik si Ryco kung nasaan ang iba pa, naupo ito sa tabi ni Nami at yumakap dito "Hoy Ryco, umalis lang ang Ninong naten bigla ka ng naging linta. Wag mo masyadong lingkisin si Bebe, nandito pa rin kaming mga utol nya." Sabi ni Yuan, Ngumiti lang si Ryco at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga

Kinabukasan maagang pinuntahan ni Ryco si Nami, pumasok na ito sa kwarto ng dalaga at nakita nyang natutulog pa ito. "Nami ang ganda ganda mo. Ang sweet mo sa akin at lagi mong ipinararamdam sa akin na mahalaga ako sayo. Hindi pa ako umaalis pero namimiss na kita. Para sa atin to, gusto kong paunlarin ang sarili ko para maipagmalaki mo ako." sabi ni Ryco habang nakatitig sa dalaga

Lingid sa kaalaman ni Ryco gising na si Nami at tahimik na nakikinig sa mga sinasabi nya. Matapos magsalita ng binata bumangon si Nami at ngumiti dito "Aalis ka Ryco?" tanong nito

"Nami hindi ko talaga alam how to tell you. Natatakot ako sa pwedeng maging reaction mo, ayokong magalit ka sa akin. Pero oo aalis ako, Nami natanggap ako bilang isang athlete scholar sa America. Dun ko ipagpapatuloy ang college ko, sa America maraming opportunities na naghihintay sa akin. Yun nga lang ang kapalit non ay ang mapahiwalay sayo at sa team." Kinakabahang sabi ni Ryco

"Ryco iiwan mo ako?" tanong ni Nami

"Nami I hope you understand pero mabilis lang ang 4 years, at uuwi ako tuwing vacation to be with you. Sana wag kang magalit at wag mo akong iiwan dahil sa decision ko. I know masyadong biglaan pero gusto kong makamit ang mga pangarap ko, gusto ko din maglaro sa NBA kung papalarin. Gusto kong ipagmalaki mo ako." nakatungong sabi ni Ryco

Yumakap si Nami kay Ryco "You know what last night kinausap ako ni Papa, na-kwento nya ang mga bagay na pinagdaanan nya. Na sa buhay dapat maging matibay tayo, tulad ni Papa na dinanas lahat ng hirap sa buhay bago nya nakuha ang mga bagay na meron sya ngayon. I think he talked to me last night to prepare me for this. Sabi ni Papa kailangan nateng suportahan ang kahit sino sa pag unlad nito. Maging masaya tayo sa magagandang opportunities na dumarating sa mga mahal naten." Kwento ni Nami

"Ginawa ni Ninong yun?" gulat na tanong ni Ryco

"Oo, alam kong lagi kang binubulyawan ni Papa. Pero gusto ka nya, gusto ka nya for me. Thankful ako to have him as my father, hindi sya nagkukulang sa aral at advice sa akin. Maybe kung hindi nya ako kinausap kagabi baka inaaway na kita ngayon, maybe nagwawala na ako ngayo, maybe iniisip ko na hindi mo ako mahal kaya ka aalis or baka nakipaghiwalay na ako sayo dahil iiwan mo ako." sabi ni Nami

"I talk to Ninong last night, dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo. Akala ko magiging madugo ang usapang ito, salamat kay Ninong." Sabi ni Ryco na nakahinga ng maluwag

Ngumiti si Nami at hinawakan ang mga pisngi ng binata "Mag aaral sa America ang boyfriend ko as scholar, may chance pa syang maglaro sa NBA kung magkataon. Ngayon pa lang proud na proud na ako sayo Ryco. As your girlfriend lagi kitang susuportahan at mamahalin. Pero iba ang culture sa bansang pupuntahan mo, kaya sana wag mong makakalimutan na may naghihintay sayo dito." Sabi ni Nami

"Nami no one can replace you, thank you so much sa pang unawa. Mahal na mahal kita." Sabi ni Ryco at niyakap ng mahigpit ang dalaga

"Mahal na mahal din kita at handa akong maghintay sa pagbalik mo. I hope that time pareho na tayong successful sa buhay. So kalian ang alis mo, paano ang team?" Sabi ni Nami

"Nami napakabuti mo talaga, sa sitwasyon ito ang team pa rin ang iniisip mo. Sad to say sa Sunday na ang alis ko, kaya I ask Ninong kumg pwede kitang makasama sa ilang araw ko pa dinto. About sa team aalis ako at iiwan ko kay Dion ang pagiging captain. Sa Sabado ang start ng elimination at makakapaglaro ako bago ako umalis." Sagot ni Ryco

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon