"Nami ang ganda ng mama mo, magkamukhang magkamukha kayo." Nakangiting sabi ni Ryco at saka nagpatuloy kumain
Ngumiti si Nami "Hmmm, oo ang ganda ni mama. Dream ko na maging isang tulad nya. Maganda, matalino, sporty at nakahanap sya ng true love sa katauhan ni papa." Sabi nito
"Opps teka teka, I think you have it all naman Nami. Maganda ka, matalino, sporty ka din. Natalo mo nga ako nung nagharap tayo sa basketball. And syempre you have me, and I promise to you na tulad ng papa mo magiging loyal ako at ikaw lang ang mamahalin ko." Seryosong sabi ni Ryco
Dahil sa sinabi ni Ryco nagsimulang mamula ang mukha ng dalaga at nakaramdam ng sobrang kilig, pinisil nito ang pisngi ng binate "Ikaw na lalaking bolero ka, siguraduhin mo lang yang sinasabi mo. Remember ikaw ang unang boyfriend ko and I want you to be the last." Nakangiting sabi ni Nami habang hawak hawak ang pisngi ng binate
Dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Nami sa kanya nagsimula na ding mamula ang mukha ng binata "Ngayon lang kami nagkalapit ng ganito, ang ganda ganda talaga ni Nami. Pero bakit natitigilan lang ako ng ganito? Kung ibang babae to natuka ko na to. Nami Sakuragi bakit natotorpe ako sayo." Sabi ni Ryco sa isip nya nakakaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso
"Bakit ka namumula dyan? Diba babaero ka, kinikilig ka ba Ryco? Ayyyy... ang cute ng boyfriend ko." Nakangiting sabi ni Nami
"Nami stop teasing me, it's just naninibago din ako sa sarili ko. Oo babaero ako but dati yun Nami, I hope pinagkakatiwalaan mo ako." sabi ni Ryco
"Yes I do trust you Ryco ay sana wag mong sisirain yun. You know ang cute mo, can I kiss you?" nakangiting tanong ni Nami at biglang hinalikan si Ryco sa lips nito habang nakahawak ang mga kamay nito sa pisngi ng binata
Nanlaki ang mga mata ni Ryco dahil sa ginawa ng dalaga, hindi ito nakagalaw at parang binuhusan ng malamig na tubig "Syete, totoo ba ito? Nami kiss me? Baka nananaginip nanaman ako at magising ako sa batok ni Ninong." Tanong ni Ryco sa isip nya at unti unting iniyakap ang mga kamay nya sa dalaga
Habang nakayakap kay Nami unti unting ipinikit ni Ryco ang mga mata nya at dinama ang labi ng dalaga na nakalapat sa labi nya. "Nami don't know how to kiss but this is the best kiss I ever had, ang halik ng babaeng mahal na mahal ko. ang sweet nya at ang lambot ng lips nya." Sabi ni Ryco sa isip nya
Unti unting inilayo ni Nami ang labi nya mula sa labi ng binata at muling pinisil ang pisngi nito "I love you Ryco Miyagi." Namumulang sabi nito
Sa pagbitaw ng dalaga agad syang niyakap ni Ryco "Nami I love you too. I love you so much. Thank you for being the one who taught me the true meaning of love." sabi nito
"wala akong itinuro sayo Ryco, ikaw na yan. Nakahanap ka lang ng katapat mo.AHAHHAHAH" tumatawang sabi ni Nami
"Nami ako ang first boyfriend mo?" tanong ni Ryco
"Oo, ikaw ang unang matapang na pangahas na humarap sa Papa ko." Sagot ni Nami
Nagning ning ang mga mata ni Ryco "Ako ang first kiss mo?" sunod na tanong nito
"Hoy ikaw lalaki, oo syempre ikaw. Hindi naman ako nagpapahalik sa hindi ko boyfriend." Nakangusong sagot ni Nami
"Ito last na, Nami gusto mo ba talaga ako? hindi ka ba napipilitan?" tanong ni Ryco
"I really like you Ryco at hindi ako yung tipo ng tao na makikipagrelasyon dahil napipilitan lang." nakataas ang kilay na sagot ni Nami
"Thank you Nami, thank you thank you, thank you. That means a lot to me." Sabi ni Ryco habang paulit ulit na hinahalikan ang noo ng dalaga
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...