Chapter 17

312 13 4
                                    

Walang nagawa si Dion kundi iwan si Nami na kasama ni Ryco. Hindi nya na kinulit si Nami kahit gusto nya talaga itong makasamang mananghalian. Naunawaan nya kung bakit ganon ang ikinilos ni Nami.

"I respect your decision Nami. Alam kong nakaka inis talaga ang ginawa ko." Sabi ni Dion sa sarili as he leave the canteen

Nakatanaw naman si Ryco kay Dion habang papalabas ito. "Gwapo ka nga at malakas ang dating mo, pero sa tingin ko hindi mo kayang maghandle ng feelings ng babae. Dun ako lamang sayo." Sabi nito sa isip nya at saka humarap kay Nami



"Psst! Okey ka lang?" tanong ni Ryco kay Nami

"Pwede ba Ryco may pangalan ako, kaya wag mo kong sinisit sitan dyan." Mataray na sagot ni Nami

"Ang taray naman nito, palibhasa inis ka kay Dion kaya ako pinagdidiskitahan mo." Nang aasar na sabi ni Ryco

"Excuse me, hindi kita pinagdidiskitahan at hindi ako inis kay Dion." Sagot ni Nami

Humarap si Ryco kay Nami "Oo nga pala, anong meron sa inyo? Bakit kayo sabay magla-lunch? Bakit hindi ang twin ace ang kasabay mo?" sunod sunod na tanong nito



"Ang tsimoso naman ng kumag na to, naiinis na nga ako. dame pang tanong." Sabi ni Nami sa isip nya



"Ano bang pake mo?" mataray na sagot ni Nami

"Nagtatanong lang ako, bakit ang taray mo? Palibhasa selos ka dun sa magagandang kausap ni Dion kaya ka mataray dyan." Inis na sabi ni Ryco



"Ang taray naman nito, kung hindi lang masama ang tama ko sayo kanina pa kitang iniwan dyan." Inis na sabi ni Ryco sa isip nya



"Oi hindi ako nagseselos sa mga babaeng yun, kasi saken may gusto si Dion at nililigawan nya kaya ako." pagyayabang ni Nami

"Nanliligaw sayo? Eh bakit ibang chikababes kasama nya at kausap nya. AHHAHAHHA Naman Nami." Pang aasar ni Ryco

"Malay ko?" Naiinis na sagot ni Nami

Ngumiti si Ryco "Nami alam mo naman nung una pa lang kitang nakita gusto na kita, pwede din ba akong manligaw sayo?" deretsong tanong nito

"Inaasar mo ko tapos manliligaw ka saken. Bwesit ka." inis na sagot ni Nami

Hinawakan ni Ryco ang mga kamay ni Nami at ngumiti dito "Nami gusto kitang laging nakikita, gusto ko lagi kitang kasama at kausap. Nami gusto kita, sana tulad ni Dion bIgyan mo ko ng chance na manligaw sayo." Sabi nito

Hinila ni Nami ang mga kamay nya "Maghanap ka ng ibang uutuin mo. Gutom na ko, ilibre mo na lang ako." sabi nito

"Oo ba, libre kita. Pero manliligaw na ako sayo sa ayaw mo at sa gusto." Nakangiting sabi ni Ryco

"Manligaw ka sa lelang mo." Nakangiting sagot ni Nami

Ngumiti si Ryco "Pagpayag na ba ang ibig sabhin ng mga ngiting yan?" tanong nito kay Nami

"Gutom na ko, yun ang ibig sabihin ng ngiting yan." Sagot ni Nami

"Sige simulan ko na panliligaw ko ha. Tara order tayo." Pag aaya ni Ryco sabay hawak sa kamay ni Nami at hinila ito

"Ryco oorder lang, walang hawakan ng kamay. Nakakarami ka na eh." Nakataas ang kilay na sabi ni Nami

Napatingin ng seryoso si Ryco kay Nami "Sa lahat ng babae ikaw pa lang ang pumalag saken." Sabi nito sa isip nya

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon