Magkasamang nagtungo sina Bryn at Hanamichi sa bahay nina Fujima, si Bianca naman ay kasalukuyang nagda-drive na din para tagpuin ang dalawa. Sa kanto malapit sa bahay nina Fujima hinintay ni Bryn si Bianca para makasunod ito sa location na pupuntahan nila. Makalipas ang ilang minuto narrating nila ang bahay ni Fujima. Bumaba silang tatlo, dala dala ni Bianca ang mga documents na ipinahanda sa kanila.
"Bianca naihanda mo ba lahat ng documents?" tanong ni Hanamichi at kinuha ang dala ni Biancang envelop
"Yes, mabuti na lang dala kong lahat ng records ni Bryn from birth certificate hanggang sa mga certificate nya nung junior high. How about your documents dala mo ba?" tanong ni Bianca, tumango naman si Hanamichi
Nagdoorbell na si Bryn at lumabas si Fujima "Hanamichi Sakuragi, maligayang pagdating sa tahanan ng mga Fujima" mahinahong bati ni Fujima
"Mr. Substitute, kumusta. Mukhang walang pagbabago sayo, napakakalmado at hinahon mo pa rin. Paano ka naging magaling na lawyer nyan? Paano ka nakikipagsagutan sa korte. HEHHEH" tanong ni Hanamichi
Ngumiti si Fujima "Ikaw rin mukhang walang pagbabago sayo, napakabilis pa rin ng bibig mo. By the way pasok kayo, sa loob mo na ipakilala ang mag ina mo." Sabi ni Fujima at pinatuloy sina Hanamichi sa bahay nya
Sa living room naupo silang apat. "Welcome sa bahay ko, ang tagal na din nateng di nagka usap. Do you want anything? Coffee, juice, or tea?" Sabi ni Fujima
"At namiss mo naman ako Mr. Substitute? Hindi na kailangang itanong kung anong gusto namen, basta magpahanda ka ng kahit ano, hindi naman kami pihikan. Oo nga pala this is Bianca Smith Jin asawa sya ng Jin ng Kainan kung naalala mo pa? at ito naman si Bryn Jin, soon to be Bryn Sakuragi my first born at nag iisa kong anak na lalaki." Pagpapakilala ni Hanamichi
"Good evening po Sir I'm Bryn Jin soon to be Bryn Sakuragi." Bati ni Bryn at kinamayan si Fujima
"It's my pleasure to meet you Mr. Fujima. I'm Bianca Smith Jin." Sabi ni Bianca at kinamayan din ito
"Well nakita ko na din sa TV ang mag ina mo Sakuragi sina Kumi at Nami, at ngayon naman nasa harap ko ang anak mong lalaki. Sinong mag aakala na ang gung gong na si Hanamichi ay magkakaroon ng napaka gwapo at magandang anak. And kung hindi ako nagkakamali sikat na model din tong si Bryn. " Natatawang sabi ni Fujima
"Mr. Substitute wala ka bang tiwala sa lahi ng henyong ito. Ikaw may asawa at anak ka na din ba?" tanong ni Hanamichi
"Oo may asawa at anak na ako. Nasa Spain ang asawa ko ngayon, isa syang fashion model, baka nakawork mon a sya Bianca? At nasa school pa ang nag iisa kong anak, sa Shoyo High sya nag aaral." Nakangiting sabi ni Fujima
"Aba gabi na ah, mukhang pasaway ang anak mo. Nagpapa abot ng gabi sa labas." Tanong ni Hanamichi
"Sinabi mo pa Sakuragi, laging sumasakit ang ulo ko dahil sa kanya. Napaka ingay nya at kung ano ano ang gustong gawen sa buhay. Minsan hindi ko na sya maunawaan kaya pinababayaan ko na lang, siguro ganon talaga ang mga kabataan ngayon." sabi ni Fujima
"Oo ibang iba na ngayon ang mga kabataan, kaya si Princess bantay sarado ko. Oo nga pala, ito yung mga documents na ipinahanda mo sa akin. Ito ang kay Bryn at ito ang sa akin. Kung kailangan din ng DNA result nandyan na din para kumpleto na." sabi ni Hanamichi at iniabot kay Fujima ang dalawang envelop na naglalaman ng mga documents nila ni Bryn
Tinanggap ni Fujima ang mga envelop at sinuri ito "Bryn is only 15 oo akma sa gwapo mong mukha. Pero the way you talk and act akala ko nasa 20 ka na, ang mature mong kumilos." Sabi ni Fujima
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...