Modeling Agency
Nasa loob na ng conference room si Hanamichi at ibang board members para sa emergency meeting nila with the director at manager ng new project. Pumasok na ang director at secretary nito.
"Good morning Mr. Sakuragi, buti na lang available ka ngayon para sa biglaang meeting na ito." Sabi ng director
"Good morning din po. Ang totoo po may katatapos lang po akong appointment at nagmamadali din po ako. may kasama po kasi ako, ngayon." sagot ni Hanamichi
"Kasama mo ang anak mo? Bakit hindi mo pinapasok okay lang naman yun. By the way the meeting is all about having a young male model na makakasama mo sa endorsement. Nagma-mature na din kasi ang appearance mo kaya hindi ka na pwede sa teen jersey. The manager will discuss it more pagdating nya. And magpapatulong din kame sayo to look for that young male model. Baka may maii-recommend ka." paliwanag ng director
"Ah yun pala, Hindi na ako pwede nag endorse ng teen jersey. Sa bagay tumatanda na din ako at hindi na babagay saken ang ganon. Mukhang nalalapit na ang aking pagreretiro sa pagmo-model. Kailangan ko pang mag ipon dahil baka pati sa paglalaro sa JBA ay nalalapit na akong magretiro. Ayoko namang iasa kay Boss ang pag aaral ni Nami." Sabi ni Hanamichi sa sarili
Maya maya pa ay pumasok na ang manager ng agency, ang secretary nito at kasunod si Bryn. Nagulat ang lahat ng nasa conference room ng makita nila si Bryn Jin. Agad silang namangha sa tangkad at angking kagwapuhan ng binata.
"Si Bryn Jin ang sikat na young male model from UK at sya din ang pangalawa sa pinaka mayamang teenager sa mundo. Anong ginagawa nya dito sa Japan at baket kasama sya ng manager? Hindi kaya sya ang makakasama ni Mr. Sakuragi sa endorsement?" tanong ng director
Gulat namang napatingin si Hanamichi kay Bryn at hindi nya alam kung paano magre-react sa pangyayari. "Bakit kasama ni Manager si Bryn? " tanong ni Hanamichi sa sarili pero pinili nyang manahimik na lang
Naupo ang manager at pina upo si Bryn sunod kay Hanamichi. Dahil parehong professional pagdating sa trabaho hindi nag uusap sina Bryn at Hanamichi. Maya maya pa ay nagsalira na ang manager. "Good Morning sa lahat! Nagpatawag ako ng emergency meeting dahil kailangan naten ng new young male model para makasama ni Mr. Sakuragi para mag endorse ng teen jersey naten. "anunsyo ng manager
"New young male model? Hindi na ba kayang mag endorse ni Mr. Sakuragi ng teen jersey naten?" tanong ng isa sa board member
"Hindi naman sa ganon, kung sa talent sa pagmomodel walang kupas si Mr. Sakuragi sa usapang yun. Pero nagma-mature na ang mukha at katawa ni Mr. Sakuragi at hindi na ito aakma sa teen jersey naten. Kaya kailangan ng new young male model na papalit kay Mr. Sakuragi at si Mr. Sakuragi naman ay ang magmomodel ng adult jersey." Paliwanag ng manager
"Anong masasabi mo dun Mr. Sakuragi? Ayos lang ba sa iyo ang gustong mangyari ng manager?" tanong ng board member kay Hanamichi
"It's okay to me. Tama naman si Manager, I'm getting older na at dapat may makuha na kayong papalit sa akin bilang model ng teen jersey. And I'm still thankful dahil ako pa rin ang gusto nyong mag endorse ng adult jersey ng agensy." Sabi ni Hanamichi
"Thank you for being professional Mr. Sakuragi and for understanding the needs of society." Masayang sabi ng manager
"Mr. Sakuragi agreed with what the manager said. So now who will be the new model for teen jersey?" tanong ng board
Masayang tumayo ang manager "It's my honor to introduce to you our new young male model and endorser. He is popular when it comes to modeling, pinag aagawan ng ibat ibang modeling agency sa UK. Hindi ako makapaniwala na tinanggap nya ang aking offer to be our new endorser, all of you I would like you to meet Mr. Bryn Jin." Proud na pagpapakilala ng manager at nagpalakpakan ang lahat sa pagtayo ni Bryn
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanficLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...