Chapter 115

370 23 24
                                    

Ramdam ni Fujima ang lungkot at sakit na nararamdaman ng anak, nangangatal ang buong katawan nito isama pa ang lakas ng pag iyak nito. "Anak huminahon ka, gusto mo bang puntahan sya? Makakagaan bay un sa nararamdaman mo?" tanong ni Fujima

"Papa gusto ko pong makita si Bryn ngayon na, pero natatakot po ako sa pwedeng makita ko. Natatakot po ako na baka wala na sya, hindi ko man lang po naamin sa kanya na gusto ko sya, na mahal ko sya."sagot ni Empress

"Sige, halika na pupuntahan naten sya." Sabi ni Fujima at kinuha ang susi ng sasakyan nya

"Pero Papa hindi ko po alam kung nasaan sya. " umiiyak na sabi ni Empress

"Ako ang bahala, halika na." sabi ni Fujima at kasamang lumabas si Empress para sumakay sa sasakyan.

Nagda-drive si Fujima at habang daan ay nililingon nya ang anak na patuloy sa pag iyak. "Papa bilisan mo po, kailangan kong abutan si Bryn." Umiiyak na sabi ni Empress

Napahinga ng malalim si Fujima "Ngayon ko lang nakita na ganito ang anak ko. Pero paano kung huli na ang lahat para sa pag amin nya. Paano kung hindi nya na abutan ang lalaking minamahal nya. Nakaka awa naman ang anak ko." Sabi ni Fujima sa isip nya

Nagpatuloy si Fujima sa pagda-drive maya maya pa ay narrating nila ang Edogawa Medical Center "Papa nandito po ba si Bryn? Sigurado po ba kayo?" tanong ni Empress na hindi tumitigil sa pag iyak

"Tingin ko dito sya dadalhin dahil ang ospital na ito ay pagmamay ari nina Sakuragi. Halika na magtanong na tayo kung may dinala ditong Bryn Sakuragi." Sabi ni Fujima at inalalayan ang anak

Nagtungo sila sa loob at mula sa glass window natanaw nilang nagmamadali ang mga nurse at pabalik balik ang mga ito. "Mukhang may emergency case silang inaasikaso." Sabi ni Fujima

"Papa pumasok ka na po at magtanong kung nandito si Bryn. Gusto ko po syang makita Papa pls po." Pag mamaka awa ni Empress

"Okay anak papasok ako pero kumalma ka lang dyan at maupo, babalikan agad kita dito." Utos ni Fujima sa anak. Naupo si Empress at agad namang pumasok si Fujima sa ER para magtanong kung duon nga dinala si Bryn

Hinarang ng isang nurse si Fujima "Sir hindi po pwedeng basta basta pumasok dito. Except may patient po kayo dito." Sabi ng nurse

Natigilan si Fujima dahil bilang abogado dapat alam nya ang mga ganong policy ng ospital ng mapatingin sya sa isang dalagang may kulay pulang buhok, agad nyang naisip na ang dalagang iyon ay anak ni Hanamichi "Kaibigan ako ni Hanamichi Sakuragi, infact I'm their lawyer. Kukumustahin ko lang ang mga bata." Sabi ni Fujima

"Ganon po ba Sir? Pasensya na po, sige po lapitan nyo na po sila." Sabi ng Nurse at hinayaan na si Fujima na lumapit kina Nami

"Excuse me? Daughter ka ba ni Hanamichi Sakuragi?" tanong ni Fujima sa dalagang may pulang buhok na nakahiga sa isang hospital bed

"Opo, may I know sino po kayo and why are you here?" magaling na tanong ni Nami

"Ako si Kenji Fujima family lawyer nyo. Father ako ni Empress and we are looking for your brother, is it true na naaksidente kayo? And his in critical condition?" tanong ni Fujima

"Hindi po ako ang pwedeng sumagot ng tanong nyo Tito Fujima, pakihintay na lang po si Papa nasa OR po kasi sila." Sagot ni Nami

"Nasa OR sina Sakuragi? Mukhang kritikal talaga ang lagay ng anak nya," sabi ni Fujima sa isip nya ng dumating si Sakuragi

"Mr. Substitute anong ginagawa mo dito?" tanong ni Hanamichi

"Nabalitaan kong naaksedente daw si Bryn. How is your son? Nag aalala ang anak kong si Empress." Sagot ni Fujima

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon