Chapter 129

298 21 10
                                    

"Sa ganda ng ngiti kong to, bakit naman hindi mo pagkakatiwalaan?" tanong ni Sendoh at napakamot sa batok nya

Napahinga ng malalim si Hanamichi at napangiti "Sige mauna na ako Sendoh, mamaya na lang 4pm sana makarating ang lahat." Sabi nito

"Wag kang mag alala Sakuragi, dadating ang lahat at sinabi kong isama din nila ang mga binata nila. Sige mag iingat ka Sakuragi." Paalam ni Sendoh at sumakay na sa kotse nya

Sumakay din si Hanamichi sa kotse nya, napatingin ito sa relo nya at nakita nyang 12:00 noon na "Lunch time nap ala kaya pala nakakaramdam ako ng gutom. Puntahan ko kaya si Boss sa ospital para sabay kaming maglunch?" tanong ni Hanamichi sa sarili at saka nag-drive

Makalispas ang ilang minuto narrating ni Hanamichi ang Edogawa Medical Center kung saan naka-duty ang asawa. nag-stray muna ito ng pabango, nagsuot din ito ng baseball cap at saka kinuha pagpagkain at bulaklak na binili para sa asawa. Bumaba ito ng kotse at nagtungo sa loob ng ospital. Sa pagpasok nya nasalubong nya ang grupo ng mga bagong hired na doctor. Tatlo sa kanila ay mga babae at dalawa ang lalaki, sa pagdaan ni Hanamichi sa harap nila nakaramdam ng paghanga ang dalawa sa kanila. "Who is that guy?" tanong ni Liza isang pediatric doctor

"Ang lakas ng dating, ang gwapo, ang laki ng katawan at ang bango. " sabi naman ni Irish isang orthopedic doctor

"Nakita nyong may dala dala syang pagkain at bulaklak baka delivery boy? AHAHAHAH" sabi naman ni Ace pediatric doctor din tulad ni Liza

"I think his not a delivery boy, nakita mo naman kung paano sya maglakad. Pero kung sino man sya bakit hindi nya pinansin ang beauty ni Liza na halos mapanganga dahil sa paghanga sa kanya." Sabi naman ni Ariel kasalukuyang residence on duty sa ospital

"OMG, hindi nyo ba sya kilala? Sya si Hanamichi Sakuragi, sikat na basketball player at model. At the same time asawa sya ni Doc. Kumi ang may ari ng ospital na to." Sabi naman ni Lala

"What? Sya ang asawa ni Doc. Kumi? OMG akala ko single sya, ang papabol pa naman nya. Kaya pala nilampasan lang nya ang beauty ko." Malungkot na sabi ni Liza

"Why Liza, love at first sight ba? Pero ang romantic nya bibihira na sa mga lalaki ngayon ang ma-effort. Tyak dadalhan nya ng lunch si Doc. Kumi. Mukhang complete package na sya, gwapo at maalaga." Sabi naman ni Irish

" Hmmmm I think we need to eat na, tama na ang daldalan, baka malate pa tayo mamaya. Nakakahiya kabago bago naten dito sa ospital. Liza kung ako sayo ikain mo na lang yan." Sabi ni Lala

Nagtungo si Hanamichi sa office ni Kumi at kumatok. Binuksan ng secretary ang pinto "Good day Sir, what can I do for you?" tanong nito

"Nandyan ba si Kumi Sakuragi? Is she busy?" tanong ni Hanamichi

"Yes she's inside. Do you have an appointment to Doc. Kumi?" tanong ng secretary

Yumuko si hHanamichi at bumulong sa secretary "I don't have, but kindly tell her that the genius basketball man is here to have lunch with her." Sagot ni Hanamichi sabay wink sa secretary

Dahil sa ginawa ni Hanamichi nakaramdam ng kilig ang secretary dahilan para mamula ang mukha ng nito "Okay Sir I will tell that to Doc. Kumi." Sabi nito at saka pumasok sa loob ng office

Nagtungo ang secretary kay Kumi na sa kasalukuyan ay busy sa pagcheck sa mga documents ng ospital "Doc. Kumi someone is looking for you." Sabi nito

"Busy ako and walang naka appointment saken ng ganitong oras." Sagot ni Kumi

"Okay po Mam, I will tell it to him po. Pero may pinapasabi po pala sya Doc." sabi ng secretary

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon