Chapter 23

316 14 4
                                    

"Mga Pare kumusta, anong meron? Nagkasama samang muli ang mga heartthrob ng Kanagawa?" nakangiting bati ni Mito

"Oo nga anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito sa pamamahay ko? At kasama nyo pa ang mg anak nyo?" tanong ni Hanamichi

Bumaba si Ryota ng motor bike nya at nakangiting lumapit sa mga kaibigan nya "Susunduin ko sana ang anak ko, nandito sya para manligaw sa anak mo Hanamichi. Buhay pa ba sya o pinatay mo na?" tanong ni Ryota

"Yung anak mong mukhang sanggano, buhay pa naman. Nasa loob sya nanliligaw sa anak ko, lakas ng loob nyang pumunta dito, manang mana sayo Ryotang bansot." Nakangiting sabi ni Hanamichi

"Oi hindi pwede yan, nalalamangan ang anak ko. Mga Pare this is Dion, nag iisang anak namen ni Haruko, ang gwapo diba? Manang mana sa akin yan. Sige Dion pumasok ka na dun at magsimula ka na ding manligaw. At wag kang magpapalamang sa anak nyang si Miyaging yan." Utos ni Mitsui sa anak

"Sir Hanamichi pasok na po ako." nakangiting paalam ni Dion habang hawak ang malaking teddy bear

"Oi Mitchi akala mo bahay mo kung makapagpatuloy ka sa anak mo. Hoy uhugin? Ano yang dala dala mong yan?" tanong ni Hanamichi

"Gung gong ka talaga, nakikita mong teddy bear." Sabi ni Rukawa

"Oo alam ko at nakikita ko. Ibig kong sabihin para saan yan? Hindi yan kailangan ng Prinsesa ko." Sabi ni Hanamichi

"Wag mo nga syang pakialaman, hindi naman para sayo. Sige Dion anak pumasok ka na, itaas mo ang bandera ng mga Mitsui." Sabi ni Mitsui

"Bandera ng mga Mitsui, panis yang anak mo sa anak ko. Ang anak ko matapang at malakas ang loob, nakita mo yan Mitsui? Nakapunta sya dito ng di ako kasama. Naharap nya ang kapreng si Hanamichi Sakuragi ng mag isa." Pagmamalaki ni Ryota

"Pweh sapakin ko yang mga anak nyo. Ang babata pa umaalembong na, at kayo naman ay mga kunsintidor na ama." Inis na sabi ni Hanamichi

"Pare part yan ng pagiging teenager, palibhasa basted king ka nung kabataan mo." Nakangiting sabi ni Mito

"Usapang mga anak na. Nice to see you all. By the way this is Toby nag iisa naming anak ni Kaede." Pangpapakilala ni Ai sa anak nya

"Aba lakas ng dating ng anak mo Rukawa ha, siguro antukin din yan gaya mo." Nakangising sabi ni Mitsui at ngumiti lang si Toby

"Ito naman ang anak namen ni Sweet si Yuan. Tulad nyong lahat nagbabasketball din sya" Pagpapakilala ni Mito sa anak

"Nakita ko ng maglaro sina Toby at Yuan, hindi maiikalang napakahusay na nila sa bata nilang edad." Sabi ni Miyagi

"Mga Tol, this is Kezzia. Nag iisa namang anak ni Izza. Ang ganda nya diba, mang mana sa mom nyang Dyosa. " Pagpapakilala ni Sendoh sa anak

"Hello po mga Tito and Tita." Bati ni Kezzia

"Kezzia alam mo bang EX ng Dad mo yang si Ai? WAHHAAHHAHA" nakakalong sabi ni Hanamichi

"Magtigil ka gung gong." Inis na sabi ni Rukawa

"Hanamichi pass is pass na, may kanya kanya na tayong masayang pamilya kaya magtigil ka dyan." Nakangiting sabi ni Sendoh

"Walang hiya ka talaga Hanamichi, wala ka bang balak patuluyin kame?" sabi ni Miyagi

"Gung gong kasi yan. Walang alam kundi puro kagung gungan." sabi ni Rukawa

"HEHEHEHEH oo nga pala, sige tuloy kayo. Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ni Hanamichi

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon