Chapter 98

425 25 20
                                    

"Nakaka inis pati bola nakikisama sa pang aasar nila. Bakit kasi dun ka tumalsik." Sabi ni Empress sa isip nya habang nakatingin sa bola ng sepak na hawak nya

"Empress game na, paghinintay mong maubos ang mga babaeng nakapila kay Bryn baka abutin tayo ng lunch break." Sigaw ni KC

"Kasi naman kung hindi mo sya binasted at sinagot mon a lang may K kang palayasin ang mga babaeng yan. Pero nasayo na pinakawalan mo pa." sabi ni Jocel

Naglakadpapalapit si Empress "Ano bang pinagsasasabi nyo? Wala akong paki alam kung pumila man sa kanya ang lahat ng babae dito sa campus or kahit lahat ng babae dito sa Japan, hindi ako affected sa kanya. Uulitin ko hindi ko sya gusto, si Ryan ang gusto ko." Sabi nito

"Ay sorry po, hindi ka nga pala affected kaya sa dereksyon nina Bryn mo naisipa ang bola. Let's go na girls." Sabi ni Rona

Bumalik si Empress sa court at nagsimula na silang magpractice. Si Bryn naman ay pinagbigyan ang mga fan girl nya sa mga autograph at pictures na request ng mga ito, makalipas ang ilang minuto unti unti ng na ubos ang mga babaeng nakapila. "Hay salamat naubos din, gusto ko ng mag-practice." Sabi ni Bryn sa isip nya at napatingin sa dereksyon ni Empress

"Binasted nya na ako, nakakalungkot pero sabi nga ni Papa dapat kung anong resullta ng aking panliligaw ay tanggapin ko ng buong puso at ipagpatuloy ang buhay." Sabi ni Bryn sa isip nya at naglakad pabalik sa court

"Empress nakatingin sayo si Pretty boy, mukhang ang lungkot lungkot nya. Wala na ba talaga syang pag asa sayo?" tanong ni KC

"Oo nga, mukhang sobra sya affected sa ginawa mo. Isipin mo pinilahan na sya ng lahat ng babae dito sa campus pero sa huli OMG sayo pa rin nakatingin." Kinikilig na sabi ni Rona

"Alam nyo girls I will admit na talaga namang boyfriend material sya pero ayokong i-saccrifies ang feelings ko. Baka saktan lang ako nyan, nakita nyo naman ang ginawa nyang paghalik kay Rona kanina, wala silang relasyon pero ang dali for him na gawin yun. Diba ang bastos nya." Sabi ni Empress

"Bastos ba yun? Para sa akin hindi, kinikilig ako, hanggang ngayon nararamdaman ko pa din ang malambot nyang lips at naamoy ko pa din ang napaka bango nyang katawa at hininga. Hayssssss pwede na talaga akong mamatay." Kinikilig na sabi ni Rona habang hawak ang mga pisngi nito

"You know Empress laking UK si Bryn and sure akong that kiss is normal sa culture nila. Maybe nagkakaganyan ka lang kahit hindi ikaw ang hinalikan nya." Nag aasar na sabi ni Jed

"And maidagdag ko pa girl halata naman sa mga mat among nagseselos ka. pero wala ka namang karapatang magselos dahil hindi ka nya GF. Pero malay mo pwede pa, hindi mo pa naman nasasagot si Ryan. Kaya mag isip kang mabuti." Payo ni Jocel

Napahinga ng malalim si Empress "Ano bang sinasabi nila? Totoo bang nagseselos ako, totoo bang affected ako sa mga kinikilos ni Bryn. Ayokong mag sinungaling sa sarili ko pero nung hinalikan nya si Rona may kung anong masakit pa parang tumutusok sa dibdib ko." Sabi ni Empress sa isip nya

Habang tahimik na nakatungo si Empress ay sumigaw si Ryan "Everyone come over here. May announcement si coach after his announcement lunch break na tayo." Anunsyo ni Ryan

Lumapit ang lahat kina Ryan na katabi si Coach Regie nila "Makinig kayong mabuti, bukas ang opening ng Sepak Takraw District Tournament. Bukas lahat tayo ay nasa playing area na para sasimula ng mga laro. Maaga tayong magkikita kita dito bukas." Sabi ng coach nila

"Yes Coach" sigaw ng lahat

"And mamayang after nateng mag-lunch ipamimigay na ang mga uniform nyo. That's all, see you all after lunch" sabi ni Ryan

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon