"Hoy Ryco Miyagi kakain ba tayo o bobolahin mo lang ako?" tanong ni Nami
"Syempre we will eat. stay put ka lang dyan, punta ako sa counter para mag order. Hintayin mo ako dito magandang binibini." Sabi ni Ryco at pinisil ang cheek ng girlfriend nya
Tumayo si Ryco at nagtungo sa counter, samantalang naiwan si Nami sa table nila. Sa paglalakad ni Ryco may lumapit sa kanyan delivery boy na may dalang dalawang paper bag "Sir kayo po ba si Ryco Miyagi?" tanong nito
Tiningnan ni Ryco ng seryoso ang delivery boy"Yes I'am." Sagot nito
"Dito ko lang pop ala kayo makikita, nalibot ko nap o ang buong Shohoku Campos. Sir delivery for you po, paki sign na lang po dito, katunayan na natanggap nyo ang mga ito." Paki usap ng delivery boy
"Wait a minute, yeah ako si Ryco Miyagi. Pero wala akong inorder na kahit ano. Kaya hindi ko matatanggap yan." Sabi ni Ryco
"Sir may nagpadala po sa inyo nito. Wala po kayong dapat bayaran dahil paid nap o sya. Kailangan nyo lang pong tanggapin ito, pero wala pong nakalagay kung sino ang nagpadala." Sabi ni delivery boy
"Walang nakalagay kung sinong sender? So lalong hindi ko matatanggap yan, baka bomba ang laman nyan." sabi ni Ryco
"No Sir, pagkain po ang laman nito. Special lunch po from our resto, wala po kayong dapat ikatakot. Kaya po Sir please tanggapin nyo nap o para po makabalik na ako sa resto." Paki usap nito
"Alam mo limited ang oras ng lunch time namen. Kaya nagmamadali ako, ibalik mon a lang yan kung saan man yan galing or if you want sayo na lang. hindi ko talaga matatanggap yan, pasensya ka na." sabi ni Ryco at saka naglakad papunta sa counter
"Ang suplado naman ni Sir, sarap sarap nito hindi man lang nya tiningnan. Ibalik ko daw, edi ibabalik." Sabi ng delivery boy sa sarili at saka lumabas ng canteen
"Abala, sino naman kaya ang baliw na magpapadala sa akin ng pagkain. At kung sino man sya wala akong paki alam. Girlfriend ko na ang nag iisang babaeng pinangarap ko kaya wala na akong mahihiling pa." sabi ni Ryco at saka umorder
Nag order si Ryco at agad na bumalik sa kinauupuan ni Nami "Ryco who is that guy? Yung kausap mo a while ago?" tanong ni Nami
"Delivery boy, someone send me food from their resto daw. Di naman ako interesado kaya ipinabalik ko na." sagot ni Ryco
"Food? Bakit mo ipinabalik sayang naman and sino nagpadala?" tanong ni Nami
"That's the point Nami, hindi nagpakilala yung nagpadala kaya hindi ko tinanggap. Ayokong tumanggap ng kahit ano sa di ko kilala." Paliwanag ni Ryco
"Hmmmmmm siguro may iba kang babae? O may mga babaeng nagkakagusto sayo kaya may mga ganyan. Naku Ryco sinasabi ko sayo mas masama akong magalit kay Papa." Banta ni Nami
Napatawa ng malakas si Ryco "Nami hindi ko nga tinanggap diba and who ever he or she is hindi ako interesado dahil kontento na ako sayo. Kaya wag kang selosa dyan lalo kitang nagugustuhan nyan." sabi ni Ryco at nagsimula ng ipag ayos ng pagkain ang dalaga
KAINAN HIGH
Nagtungo sina Nash at Bryn sa gym kung saan naruon si Maki. Dahil oras pa ng klase wala pang nagaganap na practice.Pumasok sa gym ang dalawa at nakita nila si Maki nan aka upo sa bench nagbabasa ng mga players info. "Coach" sabay na bati ng dalawa
Ibinaba ni Maki ang mga papeles na binabasa nito at hinarap ang dalawa "Mukhang alam ko na kung bakit kayo nandito." Mahinahong sabi ni Maki
"Coach magpapa alam nap o ako. ngayon po ang huling araw ko dito sa Kainan, babalik nap o kami sa Spain at dun na magpapatuloy ng pag aaral. Gusto ko din pong magpasalamat sa lahat ng naituro at naitulong nyo sa akin lalo na pagdating sa pagba-basketball." Sabi ni Nash sabay yuko
![](https://img.wattpad.com/cover/266513892-288-k579728.jpg)
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...