Chapter 30

296 17 7
                                    

Tulad ng mga nagdaang araw sabay naghapunan sina Hanamichi at Nami. Tuwing dinner time laging kinakamusta ni Hanamichi ang anak nya, laging naglalaan ng oras si Hanamichi para kay Nami. Pagkatapos kumain nagpaalam na si Nami na aakyat na sa kanyang kwarto.

"Papa akyat na po ako sa room ko, matutulog na po ako. I love you Papa." paalam ni Nami kay Hanamichi at yumakap sa Papa nya

Niyakap din ito ni Hanamichi "Sige Princess, matulog ka na. maaga pa ang klase mo bukas. Hihintayin ko muna si Mama mo.I love you too Prinsesa ko." Sabi ni Hanamichi

Tumango naman si Nami at umakyat sa kanyang kwarto para matulog. Kumuha si Hanamichi ng beer at lumabas para hintayin si Kumi. Maya maya pa ay dumating na si Kumi galing sa kanyang hospital duty.

"Boss" bati ni Hanamichi at niyakap ang asawa

"Love umiinom ka?" tanong ni Kumi at hinalikan si Hanamichi

"Isa lang Boss. Medyo stress lang." sagot ni Hanamichi

Hinawakan ni Kumi sa cheek nito si Hanamichi "Love I want to talk about that, kung anong dahilan ng stress mo. Pero sorry pagod na pagod na ako ngayon and stress din at the same time. I will talk to you bukas." Sabi ni Kumi

Ngumiti si Hanamichi "Oo Boss, kailangan talaga nateng mag usap about kay Nami. Sana may oras ka bukas para mapag usapan naten yun." Sabi ni Hanamichi

"Thank you Love sa laging pag intindi saken at sa career na meron ako. thank you sa pag gabay at pag aalaga mo sa ating anak sa tuwing wala ako. I love you." Sabi ni Kumi

"Duty ko yun as a father to Nami. At Duty ko yun as a husband to you. I love you too Boss. " Sabi ni Hanamichi at ngumiti

"Tara, tulog na tayo." Pag aaya ni Kumi

"Sige mauna ka na Boss. ubusin ko lang to then susunod na ako." sagot ni Hanamichi



MAKI'S RESIDENCE

Habang nakahiga si Bryn ang tanging tumatakbo sa isip nya ay ang pangalang Hanamichi Sakuragi. Bumangon sya at kinuha ulit ang laptop nya.

"Hanamichi Sakuragi sya nga kaya yung lalaking kapartner ni Mommy sa magazine? Gusto ko syang makilala. Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kanya." Sabi ni Bryn sa sarili

Nag open sya ng browser at nag-type HANAMICHI SAKURAGI. Naglabasan ang mga articles, pictures at mga information about kay Hanamichi Sakuragi. Hinanap ni Bryn ang latest article na nasulat tungkol kay Hanamichi.

"Gusto ko yung pinaka latest na article tungkol sa kanya and all about him. Ito siguro yun published a month ago. Nandito din siguro ang latest pictures nya." Sabi ni Bryn sa saril, binuksan nya yung article at nagsimulang magbasa



HANAMICHI SAKURAGI

Ang kinilalang Hari ng Rebound na may Pulang Buhok nung kabataan nya at maging hanggang sa ngayon. Nagsimula syang maglaro ng basketball nung first year high school sya sa Shohoku High School. Dahil sa pagiging baguhan sa larong basketball dumaan sya sa ibat ibang basic training sa larong ito. Dahil sa kagustuhan nyang mapaunlad ang sarili mabilis nyang natutunan ang mga bagay bagay tungkol sa basketball at unti unti syang naging kapakipakinabang sa Shohoku Team. Sa unang pagkakataon nakapasok ang Shohoku High School sa inter high championship. Sa pagsabak ng Shohoku basketball team sa inter high malaki ang parting ginampanan ni Sakuragi, hanggang sa makarap nila ang number 1 team sa Japan ang Sannoh. Walang sino man ang umaasa na magwawagi ang Shohoku laban sa numero unang team sa Japan. Pero sa pagsusumikap ng team naging maganda ang performance nila sa laro. Hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan, na injured si Sakuragi at alam ng lahat na malaking kawalan ito sa Shohoku. Pero sa kabila ng sakit ng likod na kanyang nararamdaman, ipinagpatuloy nya ang paglalaro hanggang manalo ang Shohoku laban sa Sannoh. Isang buzzer bitter jump shot na ginawa ni Hanamichi Sakuragi ang nagpapanalo sa kanilang team. . Sa larong ito ng Shohoku laban sa Sannoh pinatunayan ni Hanamichi Sakuragi na sya ay isang Henyo sa Basketball. Matapos magpagaling sa injury nya bumalik sa paglalaro si Hanamichi. Ipinagpatuloy nya ang college nya sa Montreal University sa Canda bilang isang athlete scholar. Dahil sa pagiging henyo sa basketball hindi na mabilang ang award na natanggap ni Sakuragi sa larangang ito

Sakasalukuyan naglalaro pa rin si Sakuragi sa Japan Basketball Association, power forward at pinaghaharian pa rin nya ang rebound. Isa rin syang sikat na sports analistt. Dahil sa ganda ng katawan nagmo-model din sya ng mga jersey at sportswear.

Ang kanyang may bahay ay si Kumi Edogawa Sakuragi isang matagumpay na surgeon at may ari ng Edogawa Medical Center. May nag iisa silang anak na babae si Nami Sakuguri na sa kasalukuyan ay freshman sa Shohoku High School.



"Ang galing nya, high school pala sya nagsimulang maglaro pero may pinatunayan na agad sya. Kinilala syang Hari ng Rebound at henyo sa basketball. Ibig sabihin isa syang magaling na power forward na tulad ko. At same school pala sila ni mama nung college.Nagmomodel din sya tulad ko. Lahat ba ng ito ay talagang magkakakonekta o nagkataon lang?" tanong ni Bryn sa sarili


Naisipan nyang tingnan ang mga pictures ni Hanamichi. Pinalaki nya ang isang picture ni Hanamichi at tiningnan itong mabuti. Mula sa pulang buhok nito, mga kilay na mala ispado at matatalim na brown na mga mata, matangos na ilong, ang magandang katawan at ang malakapreng tangkad nito.


"Nakakaramdam ako ng koneksyon sayo. Mula sa kulay ng buhok mo na kapareho ng saken, sa mga mata nateng parehong pareho. At sa talent ko sa basketball na natural na bumalabas at hindi ko inaral. I want to meet you Hanamichi Sakuragi. I want to know kung anong koneksyon mo saken, bakit ang dame nateng pagkakapareho." Sabi ni Bryn sa isip nya habang nakatitig sa picture ni Hanamichi


Sunod nyang tiningnan ang picture nina Kumi at Nami. Hindi nya masyadong pinagtuunan ng pansin ang picture ni Kumi. Pero tulad ng picture ni Hanamichi pinagmasdan nyang mabuti ang picture ni Nami. Sunod nyang nakita ay ang sweet picture nina Hanamichi at Nami.


"Nami Sakuragi, first year ka din tulad ko. Sino kaya ang mas matanda saten? Nung nakita ko kanina ang long red hair mo iba na talaga ang naramdaman ko. Sorry kung basta na lang kita yinakap pero may naramdaman lang talaga akong koneksyon sayo. Mukhang ang precious mo Nami, mukhang mahal na mahal ka nya. Bakit ganito may nararamdaman akong kirot sa puso ko. Sa ngayon tama na muna itong mga nalaman ko. Gusto ko na syang makaharap. Gusto ko ng makilala si Hanamichi Sakuragi"sabi ni Bryn sa sarili ng biglang kumatok si Maki

"Bryn still awake?" tanong ni Maki

Isinara ni Bryn ang laptop nya at saka sumagot "Yes Tito, what's up?" tanong nito

Pumasok si Maki sa kwarto at naupo sa kama ni Bryn "Matulog ka na, bukas first day mo sa Kainan high, at isasali na din kita sa basketball team para makasali ka sa elimination." Sabi ni Maki

"Anong first day na sinasabi mo Tito Maki? Hindi mo pa ba ako sasamahan bukas kay Hanamichi Sakuragi?" matapang na tanong ni Bryn

"Gung gong hindi basta bastang tao yun Bryn. Busy din yun sa mga laro nya at mga raket nya. At alam mo ba na sya ang nag aalaga sa nag iisa nyang anak na babae kaya hindi tayo basta basta pwedeng lumitaw na lang sa bahay nila." Paliwanag ni Maki

"What do you mean? Matatagalan pa bago ko sya makilala? Sabi mo I just need to fix yung mis understanding namen ni Dad then sasamahan mo na ako." tanong ni Bryn

Napahinga ng malalim si Maki "Bryn wag matigas ang ulo. Hindi lahat ng gusto mo pwedeng makuha mo ora mismo. Mayaman ka alam ko, milyonaryo ka na sa edad mong yan pero nandito ka sa bahay ko. Kaya matuto kang sumunod." Sabi ni Maki

"Kung hindi mo kong tulungan ako ang gagawa ng paraan Tito Maki." Nakangiting sabi ni Bryn

"Tigas talaga ng ulo mo, mukhang may pinagmanahan ka talaga. Pero wag kang mag alala dadating tayo dun, ipapakilala kita kay Hanamichi. Pero bukas ayusin mo muna ang dapat mong ayusin sa Kainan at sa basketball team." Sabi ni Maki at lumabas na ng kwarto ni Bryn

"Mukhang may pinagmanahan? What does he mean?" tanong ni Bryn sa sarili sabay higa sa kama

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon