Night out time ng mga dating basketball boys ng Kanagawa. Tulad ng laging venue sa Bar ni Rukawa ang tambay nila.
Rukawa's Bar
Papasok sina Miyagi at Sendoh sa bar, pagpasok nila narinig nila ang pamilyar na boses ng kumakanta. Nakita nila na si Mito nga ang nasa stage at kumakanta, sa table na hindi kalayuan ay naka upo sina Hanamichi at Rukawa, excited silang lumapit sa dalawa.
"Mga Pare it's been 15 years, ang bilis ng panahon." Nakangiting sabi ni Sendoh kina Hanamichi at Rukawa, Tumayo naman sina Hanamichi at Rukawa at niyakap sina Sendoh at Miyagi
"Pare kumusta ang Kanagawa, masaya kame at nakabalik na kaming tatlo dito. Ayun si Mito nasa stage, namiss ang pagkanta." Masayang sabi ni Hanamichi
"Ayos naman Hanamichi, hindi pa tayo nagkakaharap sa JBA. Im looking forward na makaharap ulit kita sa basketball." Ngiting sabi ni Srndoh
"Teka, tekasi Mitsui ba yun?" tanong ni Miyagi na nakatingin sa lalaking papalapit sa kanila
"Hanep Mitchi, nakasalamin ka na. Pero bagay sayo Tol, CEO talaga ang dating. Pautang naman." Nakangiting sabi ni Hanamichi at yumakap kay Mitsui
"Hanamichi puro ka talaga kagung gungan. Kumusta kayo, simula nung dumating kame dito sa Kanagawa gustong gusto ko na kayong makita." Masayang sabi ni Mitsui
"Ang gagwapo pa rin naten, parang walang pagbabago simula nung huli tayong nagkita kita. Mukha pa rin tayong mga binata." Nakangiting sabi ni Mito na kabababa lang sa stage
"Madami ng nagbago, hindi lang halata. Pero ang ganda pa rin ng boses mo. Kilig na kilig ako. Heheheheeh" sabi ni Sendoh sabay yakap kay Mito
"Sina Miyagi at Rukawa parang hindi tumatanda, parang walang pagbabago sa mga itsura nyo. Pareho kayong mukhang high school." Sabi ni Mitsui
"Hindi pa kasi tumatangkad si Ryota kaya mukha pa rin syang high school." Pang aasar ni Hanamichi
"Gung gong ka talaga Hanamichi, pero namiss kita." Ngiting sabi ni Ryota
"Si Rukawa wala naman yang pinagkaka abalahan kundi ang asawa nya, hindi nya kailangang magtrabaho dahil mayaman yan. Kaya wala syang pinoproblema. Kaya looking young talaga sya. " Natatawang sabi ni Mito
"Syempre naman, yun ang pinaka masarap gawin, ang atupagin si Ai." Nakangising sabi ni Rukawa
"At si Miyagi naman puro basketball at mga kabataan ang nakakahalubilo, kaya hindi talaga tatanda yan." Sabi ni Sendoh
"Nakuh kung alam nyo lang ang mga kabataan ngayon, nakaka sakit ng ulo. Ibang iba ang takbo ng utak kumpara saten noon." Kwento ni Miyagi
"Ikaw Mitchi? Kailangan mo na talagang magsalamin? O pampagwapo lang yan?" tanong ni Hanamichi
"Madaming papers ang kailangang basahin kaya medyo lumabo na ang mga mata ko. Pero magaling parin akong shooter, sa kama man o sa court. HAHAHA" Nakangising sabi ni Mitsui
"Yan naman ang miss na miss ko sayo Pare ang kamanyakan mo." Sabi ni Sendoh at nakipag high five kay Mitsui
Matapos magkumustahan ay nagsi upuan sila sa isang table, maya maya pa ay dumating na sina Maki at Kiyota.
"Matsing, hanggang ngayon mukha ka pa ring matsing. WAHAHAHA" Bati ni Hanamichi kay Kiyota
"Ikaw unggoy ka pa rin, pula pa rin buhok mo! Unggoyyyy!" Sigaw ni Kiyota
"Matsing namiss kita, payakap nga. I love you too na." sabi ni Hanamichi na masayang masayang makita si Kiyota
"Unggoy hanggang ngayon may pagnanasa ka pa rin sakin, bitawan mo ako ang baho mo." sigaw ni Kiyota
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...