Napangiti si Empress sa tanong ni Bryn pero bigla ring napasimangot "Hon you know I like you, in fact mahal kita and you know that. " sabi ni Empress
"Is that a yes?" nakangiting tanong ng binata
"But do you think okay lang na sagutin kita kahit kaka-break lang namen ni Ryan last night? Ayoko lang na may masabi ang mga tao sa magiging relasyon naten lalo na sayo." Sabi ni Empress
"Hon ang dame dame mong sinasabi. Wala akong paki alam sa sasabihin ng iba, ang mahalaga sa akin ay ang sagot mo. Mahal mo ba ako? gusto mo ba akong maging boyfriend kasi I really like you." Nakangiting sabi ni Bryn
Ngumiti si Empress "Oo Hon, mahal kita at like you I want to be your girlfriend." Kinikilig na sabi ni Empress
Hinawakan ni Bryn ang nanlalamig na mga kamay ni Empress "Is that a yes?" tanong ni Bryn
"Oo nga diba? Diba ang English sa oo ay yes. Diba galing ka sa UK, sa pagkakaalam ko magagaling mag English ang mga taong laking UK bakit ikaw hindi?" sunod sunod na sabi ni Empress natigil lang ito sa pagsasalita ng bigla syang halikan ni Bryn. Sa una namilog ang mga mata ni Empress pero unti unti syang napapikit as Bryn kiss her. She kiss Bryn back so bad na parang matagal silang di nagkita.
"He likes me, he loves me and he wants to be with me. Like what he want yun din ang gusto ko. I really like this boy not because sya si Bryn Sakuragi pero dahil sya si Bryn na mahal ako." sabi ni Empress as she kiss Bryn
Niyakap ni Bryn si Empress sa baywang nito and kiss her harder "This is the first time I feel this way to a girl. Na gustong gusto ko sya kahit alam kong iba ang gusto nya, na handa akong magparaya para lang maging masaya sya. And now na akin na sya, hinding hindi ako gagawa ng bagay para mawala pa sya." Sabi ni Bryn sa isip nya
They broke the kiss at ngumiti si Bryn kay Empress, si Empress naman ay nakaramdam ng matinding hiya at nagtakip ng mukha nya. Napatawa si Bryn sa reaction nito "Whats wrong Hon?" natatawang tanong nito
"Hon nakakahiya, alam mo yun ikaw pa lang ang guy na nakakiss sa akin. Grabe pinagpapawisan ako." sabi ni Empress at hindi pa rin tinatanggal ang mga kamay sa mukha nya
Kinuha ni Bryn ang mga kamay nito "Hon officially in a relationship na tayo. Kaya normal lang na gawen naten yun kaya masanay ka na." nakangiting sabi ni Bryn
Natahimik si Empress "Officially in a relationship na kami? Meaning boyfriend ko na sya, pwede ko ng palayasin ang mga babaeng lumalapit sa kanya. And dapat masasanay ako sa ganon, meaning lagi nya akong hahalikan ng ganon. Meaning gusto nya akong halikan, si Bryn na ang bangu bango at sobrang gwapo." Sabi ni Empress sa isip nya at muling nagtakip ng mukha nya dahil sa kilig na nararamdaman
"Hon, okay ka lang?" nakangiting tanong ni Bryn na titig na titig kay Empress
"Oo Hon, masaya lang ako at kinikilig dahil boyfriend na kita. Wala ng pwedeng basta basta lalapit sayo at lalandiin ka at ikaw wag ka ding makikipaglandian kung kanikanino. Tandaan mo may girlfriend ka na at masama ang lalaking malandi tandaan mo yan." Derederetsong sabi ni Empress
"I really like her. Ang cute cute nya, pag nagsimula na syang magsalita wala na itong tigil." Sabi ni Bryn sa isip nya habang nakatitig sa dalaga
"Hoy natulala ka na dyan? Nagagandahan ka ba sa akin? Oo maganda ako, sabi nga nila ako ang babaeng version ng Papa ko. At si Papa ang isa sa tinitilian ng mga babae nung kabataan nya." Sabi ni Empress
"Hon speaking of your Papa, free kaya sya mamaya? May laro kasi kami nina Papa, kasali din ang ibang mga Kanagawa players na kasabayan ni Papa mo noon. Sabi ni Papa baka daw gustong sumali ni Papa mo. Para masabi ko na din sa kanya na sinagot mo na ako." Sabi ni Bryn
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...