Chapter 58

288 19 3
                                    

Nagpatuloy ang kasiyahan ng magkaka ibigan at ng mga anak nila. Sa table nina Hanamichi at nag iinuman sila kasama ang mga asawa ng ilan sa kanila at sa table naman nina Ryco ay pinayagang uminom ng tig iisang beer ang mga lalaki.

"Hanamichi hindi pa rin nagbabago si Kumi, lagi pa rin nyang inuuna ang career nya. Nakakalabas pa ba kayo?" tanong ni Maki

Napahinga ng malalim si Hanamichi "Lolo ayoko sanang pag usapan ang tungkol dyan." Sagot ni Hanamichi

"Ayaw mong pag usapan kasi walang oras sa inyo asawa mo. Ikaw na nga ang tumatayong ina at ama ni Nami, kahit nung nasa Osaka pa tayo." Sabi ni Rukawa

"Pree totoo ba yun? Sa laki mong yan under de saya ka?" tanong ni Kiyota

"Manahimik ka matsing at ikaw din Rukawa. Ginagawa ko lang ang part ko bilang asawa ni Boss at ama kay Kumi. Isipin nyo mang under de saya ako wala akong pake alam, isipin nyo ang gusto nyong isipin." Sabi ni Hanamichi

"Tama ka naman Tol, pero hindi din tama na laging career ang inuuna. Kahit mag asawa na kayo mahalaga ang may oras kayo sa isat isa, nagde-date pa rin dapat kayo at nag eenjoy sa company ng isat isa. Sa paraang yun mapapatibay nyo pa lalo at mapapayabong ang pagmamahalan nyo." Paliwanag ni Izza

"May point si Izza, kausapin mo kaya sya Hanamichi? Mayaman na naman kayo kung tutuusin hindi nya na kailangang magtrabaho." Sabi ni Maki

"Ayan kay Maki na mismo nanggaling. Dapat may time sa pamilya at hindi puro trabaho." Sabi ni Mito

"Gusto kong kausapin si Boss, pero ayokong ma-offend sya. Yun ang iniisip ko. Baka lalo kaming magkaproblema." Sabi ni Hanamichi

"Hanamichi kung mahal ka talaga ni Kumi lahat ng sasabihin mo ay bibigyan nya ng konsiderasyon at hindi nya ite-take negatively. Sa relationship give and take yan." Sabi ni Bianca

"Bakit kasi pinakawalan mo pa si Bianca, nakapa unggoy mo kasi. Edi sana happy happy ka ngayon." sabi ni Kiyota

"Matsing ka, manahimik ka na lang. masaya naman ako pero syempre pag mga ganito gusto ko kasama namen sya ni Nami." Sabi ni Hanamichi

"Okay! Okay! Tama na nga yang usapang yan. Nandito tayo para magsaya. Tama na yang usapang malungkot at wag pag usapan ang wala dito." Sabi ni Sendoh

"Cheers! Para sa matibay na pagkakaibigan!" sabi ni Miyagi sabay taas ng kanyang bote

"Cheers!" sabi ng Lahat

"Medyo nakakahiya na, tama ang mga kaibgan ko. Lagi na lang ganito si Boss, ako na lang lagi ang kailangang umunawa sa kanya. Lagi syang busy at work ang inuuna. Ah bahala nga sya. Iinom na lang ako." sabi ni Hanamichi sa sarili


Habang lumalalim ang gabi ay naatuloy sa pag inom ang magkakaibigan at tuloy din ang kwentuhan ng mga anak nila sa kabilang table.

"Hanamichi it's getting late na, hindi ba kayo hahanapin ni Kumi?" tanong ni Bianca

"Alam ni Boss na lalabas kami ni Princess and I told her na sumunod sya if she wants. Pero nakikita mob a sya dito?" tanong ni Hanamichi na medyo lasing na

"Nakakarami ka na ng nainom, makakapagdrive ka pa ba? Kasama mo si Nami don't forget." Paalala ni Bianca

"Buti ka pa concerna samen ni Princess, samantalang si Boss ni isang text, chat o call wala. Mukhang tama yata si matsing, bakit pa kita pinakawalan." Sabi ni Hanamichi at bumagsak sa balikat ni Bianca

"Hanamichi ayos ka lang?" tanong ni Bianca at iniangat ang mukha ni Hanamichi

"Bianca you still smells the same, walang ipinagbago, ang bango bango mo at ang ganda ganda mo.."sabi ng lasing na si Hanamichi habang nakatingin kay Bianca

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon