Umakyat sa kwarto nya ang maingay na anak ni Fujima. Namumula namang humarap si Fujima sa mga bisita nya. "HEHEHE Pasensya na kayo, napaka ingay at napakagaslaw nya." Nahihiyang sabi nito
"It's okay Mr. Fujima, is she you daughter na kinukwento mo kanina?" natatawang tanong ni Bianca
"Sa kwento mo kanina inakala kong lalaki ang anak mo, mukhang mas tigasin pa at mas lalaki pa sayo ang anak mo Mr. Substitute, WAHAHAHAHA" tumatawang sabi ni Hanamichi
"Sinabi mo pa Sakuragi, hindi ko nga alam kung bakit ganyan si Empress. Nung nasa grade school sya kilos lalaki na talaga sya, kaya kung ano anong work shop ang pinapasukan namen ng asawa ko sa kanya. Nag ballet lesson sya, piano lesson at kung ano ano pa, pero ganyan pa rin sya. At sa lahat ng sports sepak takraw ang nagustuhan nya, isang larong lalaki ang commonly na may gusto." Kwento ni Fujima
EMPRESS MAICA FUJIMA the only child of Kenji and Eunice Fujima. A 16 years old girl, second year sa Shoyo High School. She is very pretty dahil maganda at gwapo ang parents nya, kulay blue ang mga mata nya at may mahabang brown hair. Sa bata nyang edad at form na ang magandang hubog ng kanyang katawan, dahil na rin sa training ng sport na kanyang kinahuhumalingan, ang sepak takraw. Since junior high school naglalaro na sya ng sepak takraw, isa syang spiker at kaya din nyang maglaro as tekong ng team. Sa school nila maraming kalalakihan ang nagkakagusto sa kanya at maging sa ibang school, lalo na pag nakikita nila itong maglaro. Pero masyadong syang isip bata at pinagtatawanan lang ang mga ito sa tuwing may magtatapat sa kanya. Pero kahit ganon sya may isang lalaking nagpapatibok ng puso nya, ang captain ng sepak takraw boys na si Ryan, pero hindi nito pinapansin ang dalaga.
"She's pretty Fujima gusto mo i-push ko sya as model para lumabas pagka babae nya? Sa nakikita ko sa kanya ang laki ng potential nya." tanong ni Bianca
Napahinga ng malalim si Fujima "Thank you sa offer Bianca pero nai-try na ng wife kong gawen yun. Isang fashion model din ang asawa ko, nung junior high pa si Empress isinasali na sya sa modeling, babaeng babae pagrumarampa. Pero pagkatapos ng show balik na ulit sa dati. Gusto ko na ngang magka-boyfriend yan baka magiging mahinhin at mabawasan ang pagiging isip bata." Sabi nito
"Nakuh Mr. Substitute paano may manliligaw dyan kita mo naman ang kilos nya. Tapos ang bilis nya pang magsalita. Kahit ako hindi maglalakas ng loob ligawan yan." Natatawang sabi ni Hanamichi
"Siguro kaya sya ganyan dahil hindi sya pinapansin nung crush nya, kaya sya sumali sa sepak ay dahil crush nya yung isa sa player's ng sepak ng Shoyo. Since junior high crush nya nay un pero never syang pinansin." Sabi ni Fujima
"Ah she admires the guy, Bryn what do you think? Anong tingin mo kay Empress? Wala ka namang GF diba, ligawan mo kaya?"nakatingin tanong ni Bianca
Bigla namang nagulat si Bryn na tahimik na naglalaro sa phone nya "Ano po yun Mama? Wala pa po sa isip ko ang mga ganyan. Kakalipat ko lang po dito sa Japan at nag a-adjust pa lang po ako sa culture dito kaya pass muna po ako sa panliligaw." Sagot ni Bryn
"Bryn anak pag yan naging GF mo at nakatulyan mo magandang lahi ang maiiambag nyo sa mundo. Pero ihanda mo na lang tainga mo sa bilis ng bibig at sa daldal nya. HEHEHE" sabi ni Hanamichi
"Gusto kong ma-offend sa mga sinasabi nyo about Empress pero totoo naman. Magaslaw sya, maingay lalo nap ag tumawa nya at sobrang isip bata. Minsan makikita ko na lang dito sa bahay walang suot na bra. Dyosko bakit kaya ganyan ang anak ko." Napapa iling na sabi ni Fujima
"She's young pa naman Fujima, hintayin mo lang syang magdalaga at tyak lalabas pagiging babae nya. Pero ang sweet nya sayo." Sabi ni Bianca
"Oo napaka-sweet nya kahit kanino, isip bata kasi sya. Hindi sya nahihiya sa mga sinasabi at ikinikilos nya. Maiba ako ayos na ba yung mga forms na pinapasagutan ko sa inyo?" tanong ni Fujima
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...