Chapter 97

318 23 8
                                    

"Bryn stop playing around with me, especially with my feelings." Sabi ni Empress at humarap sa binata

Napaisip naman si Bryn sa sinabi ni Empress "What do you mean Empress? Hindi kita pinaglalaruan and lalong hindi ko pinaglalaruan ang feelings mo." Paliwanag ni Bryn at hinawakan si Empress sa kalikat nito

"Hindi mo ako pinaglalaruan? Hindi mo pinaglalaruan ang feelings ko? Ano palang ginagawa mo, nagpaalam kang manliligaw ka sa akin pero sa tuwing makikita kita iba ibang babae ang kasama mo." Sabi ni Empress at iniiwas ang tingin kay Bryn

"Empress seryoso ako sa panliligaw ko sayo, at lalong seryoso ako sayo. Yung mga babaeng yun nakipagkwentuhan lang sila sa akin. Kahit nga mga names nila hindi ko alam at wala akong balak alamin dahil hindi naman ako interesado sa kanila. Sayo lang ako interesado, dahil ikaw lang ang gusto ko. Iniwan ko sila dahil nandyan ka na." Sabi ni Bryn

"Ayan ka nanaman sa mga pampakilig na salita mo pero mamaya ibang babae nanaman ang kasama mo. Last night you're with someone in your car, na kayo lang dalawa." Sabi ni Empress

"Si Yuri, kaibigan ko lang sya. Kaya wag kang magselos sa kanya, hindi ko sya gusto at hindi rin nya ako gusto." Paliwanag ni Bryn

Ngumiti si Empress "Bryn sorry, sasagutin ko na si Ryan. Sya naman talaga ang gusto ko matagal na. Para din hindi mon a kailangang iwasan ang mga babaeng lumalapit sayo ng dahil sa akin." Sabi ni Empress

Dahil sa narinig nanlamig ang buong katawan ni Bryn at napabitaw sa pagkakahawak sa balikat ng dalaga at saka ngumiti "Yun ba ang desisyon mo Empress? Yan baa ng magpapsaya sayo?" tanong ni Bryn

"Sorry Bryn, masyadong maraming babae ang nakapalibot sayo at hanggang ngayon hindi ko sure kung seryoso k aba talaga sa akin. I will admit na unti unti na akong nahuhulog sayo kaya habang maaga gagawa na ako ng way para matigil ito. Baka kasi dumating sa point na fall na fall na ako sayo tapos hindi ka naman pala seryoso," sabi ni Empress sa isip nya

"Oo Bryn si Ryan ang magpapasaya sa akin at sya ang matagal ko ng gusto." Sagot ni Empress

"Sige sagutin mo na yung lalaking matagal mo ng gusto, sagutin mo na yung lalaking magpapasaya sayo. Sagutin mo na si Ryan, magiging masaya ako para sayo kahit hindi ako ang pinili mo. Thank you for giving me the chance na ligawan ka." Sabi ni Bryn habang pumapatak ang luha sa mga mata nito at saka lumakad papalayo sa dalaga

Maya maya pa ay nagsidatingin na ang ibang team members. Agad na napansin ng mga girls na matamlay ang dalawa "Hey! Hey! Hey! Anong nangyari mukhang wala kayong emerging dalawa? May ginagawa ba kayo kanina habang hindi pa kami dumarating?" nakakalokong tanong ni Jocel

"Ulala hindi pa kayo pero mukhang may kababalaghang nangyari na." nakangising sabi ni Jed

Naupo naman si Rona sa tabi ni Bryn at kinulit ito "Hi Pretty boy, do you want water, or do you want me mukha ka kasing pagod at walang gana." Sabi nito

Ngumiti si Bryn kay Rona at biglang hinalikan ito sa labi nito. Nanlaki ang mga mata ni Rona at hindi nakagalaw dahil sa gulat. Napatulala at napanganga naman ang ibang nakakita sa ginawa ni Bryn, matapos ang ilang sigundo bumitaw si Bryn at ngumiti kay Rona "Good morning" nakangiting sabi nito at tumayo sabay sigaw ng "Practice na!"

"Ano yun? Bakit ikaw pa, bakit ikaw pa? sana ako na lang." sigaw ni Jocel habang sinasampal si Rona

"OMG! Masarap ba Rona? Masarap ba?"sabi ni KC habang inaalog si Rona

"OMG pwede na akong mamatay" sabi ni Rona na nakatulala pa din habang nakahawak sa lips nya

"Sandali, bakit nya ginawa yun? Sa harap naten at sa harap ni Empress?" tanong ni Jed at tumingin sa kinauupuan ni Empress, sa pagtingin nya tumingin din ang mga kaibigan nya sa dalaga. Nakita nila si Empress na mag isang malungkot nan aka upo.

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon