Chapter 10

371 20 12
                                        

Ipinosod ni Nami ang kanyang  long red hair, dahilan para lalong makita ang maliit at maganda nyang mukha. Taglay nya ang angas at porma ni Kumi sa paglalaro ng basketball. Lalo namang nabighani sa gabya nya sina Ryco at Dion.

"Hala ka, nagpusod na, maglalaro na talaga sya." Sabi ni Toby

"Gusto ko din syang makitang nakikipaglaro sa iba. Hindi naman pwedeng laging tayo lang ang kalaro nya. Tingnan naten kung makakaramdam sya ng kaba." Nakangiting sabi ni Yuan

Nag-thumbs up si Ryco kay Nami, tumango naman si Nami sign na ready na at magsisimula na sila. Nagsilapitan naman ang mga members ng basketball team para panoorin sila.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang basketbolista. Oo maangas ang porma nya, pero ang ganda pa rin nya. Excited na akong makalaro sya." Sabi ni Ryco sa isip nya

Naglalakad na nagdi-dribble si Nami "Bakit kinakabahan ako? ngayon lang ako makikipaglaro sa ibang tao. Sanay akong sina Papa, Mama, Tito Kaede, Toby at Bebe ang nakakaloro. Nape-pressure ba ako? Pero gusto kong makita kung makaka isa ako dito sa mayabang na to." tanong ni Nami sa isip nya

Biglang naagaw ni Ryco ang bola at nagdribble palayo sa kanya, ngumiti muna ito kay Nami bago itinira ang bola. PASOK!  "2-0 na. " pagyayabang ni Ryco

"Sige magyabang ka lang. Ganito pala ang feeling pagwalang warm up. Kaya pala laging nagagalit si Papa pag hindi ako nag stretching bago maglaro." Sabi ni Nami sa isip nya

Nagdribble ulit si Nami, this time mas binilisan nya, dumepensa si Ryco at pilit na inagaw ang bola. "Ang tangkad nya, pero mas matangkad pa rin si Papa kaya malulusutan kita." Sabi ni Nami sa isip nya at inikutan si Ryco, nakalusot sya, tumira sya ng lay up pero napalpal sya ni Ryco sa likoran nya

"Well?" nakangiting sabi ni Ryco

"Ang galing ni Nami, nalusutan nya si Captain. Partida hindi sya nagwarm up." Paghanga ni Dion

"Anong magaling dyan? Hindi nga sya maka isa. Tyak naiinis na yan." Sabi ni Toby

"Chill Toby, masyado kang mainit dyan. Pinagpapawisan na sya oh, mamaya magwawala na yan. At yun ang inaabangan ko, tingnan naten kung makaporma yang si Ryco. Sigurado akong matutulala nyan." Nakangiting sabi ni Yuan

"Iba talaga pag matangkad, lakas makablock. Nami relax, 2 points pa lang ang meron sya. Inhale exhale, inhale exhale." Sabi nito sa isip nya

This time nakangiting nagdribble si Ryco, dumepensa si Nami habang nakatingin sa mga mata nito. "Ang seryoso nya, pero ang ganda talaga nya. Ang lapit namen sa isat isa. " sabi ni Ryco sa isip nya, hindi nya namamalayang wala na ang bolang idini-dribble na at nakay Nami na

"Well?" nakangiting sabi ni Nami habang nagdidribble

"Naagawan nya si Captain, ang galing. Nakaka inlove sya." Kinikilig na sabi ni Dion

"Oi Dion, bawal yan. Dalawa na kami ni Toby na nagmamahal sa kanya." Sabi ni Yuan

"Nai-inlove ako sa kanya. Wala akong pakealam sa inyo ni Toby. Magsama kayong dalawa." Sabi ni Dion

"Nice, bukod sa maganda ka mabilis ka din pala. Lalo mo akong pinapahanga." Sabi ni Ryco at nagsimula na ulit dumepensa

"Ang tangkad nya tae, nahihirapan ako. para syang si Papa. Ang hirap lusutan." Sabi ni Nami sa isip nya

Natapik ni Ryco ang bola at naagaw ito kay Nami."Well? Nasa akin na ulit" pagyayabang nito

"Edi itira mo, nasayo pala eh." Nakangising sabi ni Nami

"Okey sabi mo eh. Sabi ko naman sayo lahat ng sabihin mo gagawen ko." Sagot ni Ryco at mabilis na tumakbo sa 3 point line at itinira ito PASOK!

"Pano bayan 5 – 0" nakangiting pagyayabang ni Ryco

Ngumiti si Nami "5 more points, good luck sayo. This time seryoso na ako. Humanda ka." sabi ni Nami

Dumating si Ryota, nagulat sya dahil walang nagaganap na practice. Nakaipon ang lahat ng players ng Shohoku basketball team sa isang bahagi ng court at may pinapanood.

"Ano nanamang kalokohan ito? Tyak si Ryco nanaman ang may pakana nito!" tanong ni Ryota

"Coach wag kang maingay, may pinanonood kami." Bulong ni Kezzia at itinuro sina Ryco at Nami

"Sinasabi ko na, basta wala ako puro kalokohan itong si Ryco. At bakit kalaban nya ang anak ni Hanamichi." Inis na sabi ni Ryota at nanood na din sa dalawa

"5 points, hindi na dapat sya makapuntos. Kailangan ng daanin sa galing, diskarte at sa charm." Nakangiting sabi ni Nami

Tumatakbong nagdi-dribble si Nami, nang makita nyang papalapit si Ryco bigla syang huminto. Hinarapan nya si Ryco "Hello Ryco" sabi nito at inilapit ang mukha nya dito hanggang naglapat ang mga ilong nila,"Pikit ka hahalikan kita." Sabi ni Nami dahilan para natulala at nawala si Ryco sa concentration, mabilis na nagdribble si Nami, inikutan nya si Ryco then tumakbong nagdi-dribble at tumira ng jump shot. PASOK!

"Yan ang hinihintay ko. Ang gamitin nya ang charm nya, turo yan ni Ninang Kumi." Sigaw ni Yuan

"Captain kurap!" sigaw ni Dion

Lumapit si Nami kay Ryco "Well?" pagyayabang nito

"Ang daya mo." Sabi ni Ryco

Ngumiti si Nami "Anong madaya dun, yun yung diskarte at charm na tinatawag, turo ni Mama. May isa pa nga yung killer eye, turo naman yun ni Papa." Sabi nito

Natawa naman si Ryota sa nakita nya "Alam nyo bang nakita ko na yung eksenang yun. Ganon ang ginawa ni Kumi kay Hanamichi nung mga high school pa lang kami. Naituro ng maayos ni Kumi sayo yun Nami. Wala talagang lusot ang lalaki pag mahal nya ang umatake. " Sabi ni Ryota

"Dad kasi ano eh, yung kahinaan ko ang inatake nya. Nawala tuloy ako sa concentration." Nahihiyang sagot ni Ryco

"Wag ka ng magpaliwanag, talo ka. Nakarinig ka lang ng halik natulala ka na. Kayonng lahat balik na sa practice. Tama na itong kalokohang ito." sigaw ni Ryota

"Bebe ang husay mo talaga." Sabi ni Yuan at inabutan ng towel si Nami

"Magaling sya Bebe, nahirapan ako. hindi kasi ako sanay makipag laro sa ibang tao. Pero masaya pala." Nakangiting sabi ni Nami

Lumapit si Ryco kay Nami "Nice game Nami. Next time hindi mo na ako madadaan sa charm mo." Sabi nito

"Thank you Kuya Ryco, ang husay mo." nakangiting sabi ni Nami at nakipagkamay kay Ryco

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon