Chapter 53

338 24 11
                                    

"OMG she's pretty, ang ganda ng mga mata nya. And look what she's wearing, designers dress at shoes. Saan sya nakuha ng loko lokong si Yuan?" tanong ni Kezzia habang nakatingin sa dalawa

Natawa naman si Toby "Kaya naman pala nakakotse ang kumag, may chikababe na kasama. Aba first time to sa history, baka naman binayaran nya lang yan para sumama sa kanya. Iba din kasi ang galawan nyang si Yuan." Sabi ni Toby

"Malamang binayaran nya lang yang magandang babaeng yan, I can't imagine na may papatol sa luko lokong yan at ganyan ka ganda at eligante. Magkano kaya ang ibinayad ni Yuan, kuripot pa naman yan. Pero ang sweet nila, parang kapanipaniwala ng konte. HEHEHE" Sabi ni Dion

"Syempre na out of place sya sa tuwing kasama naten ang mga mahal naten kaya siguro naghanap na din sya ng magiging jowa nya. Pero parang 2 hours lang tayo naghiwa hiwalay, ang bilis nya namang nakahanap at ang lupet ha. Magkano nga kaya ang ibinayad nya sa magandang yan." Sabi ni Ryco

"Bakit kayo ganyan? Ang sama nyo kay Bebe, gwapo naman si Bebe at sweet kaya hindi impossible na may magkagusto sa kanya." Pagtatanggol ni Nami

Lumapit sa kanila sina Yuan at Bell "Bakit parang nakakita kayo ng multo? At anong pinagbubulungan nyo?" nakangising tanong ni Yuan na nakahawak pa rin sa kamay ni Bell

"Yuan Mito, who is she?" nakataas ang kilay na tanong ni Kezzia

"Manager Kezzia isa ka talagang tsismosa, hindi ka na nakahintay na ipakilala ko sya." Nakangiting sabi ni Yuan

"Utang na loob Toby, ilayo mo saken yang loko lokong Yuan Mito na yan, baka mamaya iburol nyo na yan. Mapapatay ko yan." Inis na sabi ni Kezzia

"Yuan bakit ka naman ganyan ka kay Kezzia, she just asks the question na gusto naming lahat itanong sayo. Oo nga sino tong magandang to?" tanong ni Toby

Ngumiti si Yuan at inakbayan si Bell "She's Bell, Bell Jin."pagpapakilala ni Yuan

Nagulat si Nami "Bell Jin? Sister ka ni Kuya Bryn?" tanong nito

"Hi to all of you, I'm Bell Jin. Yah brother ko si Bryn Jin na brother mo din. Pleasure to meet you Nami, right?" bati ni Bell kay Nami

"Hello sayo Bell, nice to know na my girl na nabola ang kumag si Yuan Mito. Alam mo ba kung gaano ka loko loko yan, sa team namen sya ang pinaka madaming alam na kalokohan." Sabi ni Ryco

Ngumiti si Bell "Looks like totoo ang sinasabi mo Yuan ha, na wala kang babae. It's okay na crazy sya, kasi I'm also crazy inlove with him and I think his inlove with me too." Sagot ni Bell

"Inlove kayo sa isat isa? Parang pagtutulog at maliligo lang kame naghihiwalay nyang si Yuan pero never nyang nai-kwento na may girlfriend sya." Gulat na sabi ni Toby

"We just meet a while ago sa mall, kaya hindi ko sya nai-ikwento sa inyo. And now we are officially dating." Sabi ni Yuan

"Congratulations Bebe, ang ganda ni Bell. Bagay na bagay kayo and masaya ako dahil you meet someone like her." Sabi ni Nami

"Thank you Bebe, pero kahit magka girlfriend ako ikaw pa rin ang nag iisang Bebe ng buhay ko." Sabi ni Yuan

"Mukhang hindi nya binayaran si Bell para maging jowa jowaan nya, mukhang mali tayong lahat sa iniisip naten. HEHEHE " Sabi ni Dion

"Excuse me, with my appearance mukha ba akong cheap something like that. I really like this boy, kahit kanina lang kame nagkakilala." Sabi ni Bell sabay pisil sa cheek ni Yuan

"And I like you too." Nakangising sabi ni Yuan

"Team assemble" biglang sigaw ni Miyagi

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon