Nagpatuloy sa pagda-drive si Bryn habang itinuturo ni Empress ang way papunta sa Shoyo high. Makalipas ang ilang minuto natanaw na nila ang gate ng school na pinapasukan ni Empress. Nagpark si Bryn sa harap ng gate. Dahil Sabado at walang pasok mga student athlete lamang ang nasa school noon, nagsimulang nilang pagtinginan ang magarang kotse ni Bryn. Maging ang mga sepak boys ay napalingon kung sino ang sakay ng kotseng iyon.
Sa loob ng kotse humarap si Empress at ngumiti kay Bryn "Thank you sa paghatid mo sa akin kahit malayo ang school na pinapasukan ko. At sorry sa pagiging abala ko sa buhay mo." sabi ng dalaga
"Yah tama ka ang layo ng school mo from your house, paano ko pumapasok at umuuwi? Always kang hatid ni Tito Kenji?" tanong ni Bryn
"Ang totoo walang time si Papa para gawen yun, nakikisabay lang ako sa kanya then he will drop me then maglalakad na ako. Sa pag uwi naman naglalakad lang ako or nakikisabay sa mga teammates ko. " Kwento ni Empress
Tumango si Bryn at seryosong humarap sa dalaga "Kailan ulit kita pwedeng makita?" sabi nito
Nakaramdam ng gulat na may halong kilig si Empress dahil sa pagtitig sa kanya ng binata "I don't know. HEHE" ang tanging naisagot nito
Napabuntong hininga si Bryn at bumaba ng kotse nya, sa pagbaba nya nakita nya ang ilan sa mga mag aaral na nakatingin sa kanya. Kasama na dito ang team ng sepak boys. "Ang sepak team, sino kaya sa kanila si Ryan?" tanong ni Bryn sa isip nya
Nagtungo si Bryn kay Empress at pinagbuksan ito ng pinto, bumaba ang dalaga at kasama ni Bryn na nagtungo sa compartment para kunin ang mga gamit nito. Sa pagbaba nila nagsimulang magbulungan ang mga student athlete na nakatingin sa kanila, una dahil sa bagong ayos ni Empress at pangalawa bakit sila magkasama. Iniabot ni Bryn ang mga gamit ng dalaga at nagpaalam na. "Mauuna na ako, mag iingat ka at umuwi ka ng maaga dahil naglalakad ka lang pala." Sabi ni Bryn
"Thank you. Mag iingat ka din sa pagda-drive mo. Salamat ulit." Sabi ni Empress, tumango naman ang binata at sumakay na sa kotse nya saka umalis
Sa pag alis ni Bryn, lumapit kay Empress ang team ng sepak boy kasama na dito si Ryan "Hi Empress you look different today. Sino yung naghatid sayo ang angas ha. " Bati ni Ryan at inakbayan si Empress
"Hey Ryan, what do you think you're doing?" tanong ni Empress at inalis ang pagkaka akbay ni Ryan sa kanya
"Ang arte mo naman Empress, diba matagal mo na akong crush? Bakit ayaw mong magpa akbay sa akin? Ano yan nagpapakipot ka, dahil may new look ka?" nakakalokong sabi ni Ryan
"Oo matagal na kitang crush, but it doesn't mean na pwede mo na kong akbay akbayan paggusto mo." Sagot ni Empress
Natawa si Ryan "Bakit dahil ba dun sa maangas na kasama mo kanina? Boyfriend mo ba yun? Oo matangkad sya pero tyak wala yung kwenta." Mayabang na sabi ni Ryan
"Ang mean mo naman, you don't know him. And wala naman syang ginagawa sayo." Mataray na sabi ni Empress at pumasok na sa loob ng school
Nagtawanan ang buong team dahil sa nangyari "Wala ka pala captain. Hindi ka na nya gusto." Sabi ni Mark isa sa sepak play
"Oo nga Cap, nagpakipot ka pa kasi. Ang tagal nyang humahabol sayo. Ano ka ngayon." sabi ni Gerald isa pang member ng team
"AAHAHHAHA ang ganda ni Empress pero sinayang mo lang,WAHAHHAH" sabi naman ni Jerome
"Ang masakit gusto mo sya pero nagpahabol ka pa, ayan may syota na sya at ang gwapo, mukhang mayaman pa.WAHAHAHHA" sabi ni Warren
"Empress Maica Fujima, ang ganda ganda ang sweet at ang bait. Walang karate arte sa katawan, mayaman at sika tang pamilya. Pero sinayang mo Captain WAHAHAHH" sabi naman ni Tyroon

BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...