Chapter 78

261 18 2
                                    

Matapos i-discuss nina Stela at Bryn ang magaganap na game. "Hmmmmmm May bola sa iipit sa tyan namen?" sabi ni Toby na nakahawak sa baba nya

"Hmmmmmmmmm chocolate bar lang ang nasa pagitan ng lips namen ni Nami. Ang sweet ng chocolate, pero mukhang mas sweet ang lips ni Nami." Namumulang sabi ni Ryco sa isip nya habang nakatitig kay Nami

"Pag may nahulog tatakbo ng walang saplot ang lalaki sa team? Pano kung maihulog naming lahat ang maalin sa chocolate o bola?" tanong ni Nash

"Big brother pag nangyari yun all of you will run outside the bar ng walang suot. Kaya wag nyo hahayaang mahulog ang alin man sa dalawa." Nakatawang sabi ni Stela

"Hubad, all the way, walang suot kahit brief?" tanong ni Dion

"Oo naman Bro, alam ko namang may mga pandisal din kayo dyan kaya i-expose naten ng konte sa labas." Natatawang sabi ni Bryn

"Lakas makagawa ng punishment, palibhasa di sya kasali." Sabi ni Ryco

"May sinasabi ka ba dyan Bro?" nakangising tanong ni Bryn kay Ryco

"HEHEHE wala po Kuya." Sagot ni Ryco

"Ano ba naman kayo, wag nga kayong mga KJ dyan. Ang ganda ganda ng game nila. Game na game ako dyan." Sabi ni Yuan at nagtanggal pa ng pang itaas nya, dahil dito nakita ang maganda nya katawan at mga abs

Ngumiti si Bell dito "Ayaw mo ba talaga akong paalisin?" tanong nito

"Tinatanong pa ba yan Bell, kung pwede lang na iuwi na kita. Iuuwi na kita, magalit na sina Mama at Papa." Sagot ni Yuan

"Okay, okay let's start na, please line up here with your partner. This is your chocolate bar and bola. Then iposisyon nyo sila sa mga place kung saan sila dapat, pagready na ang lahat I will clap and magstart na kayong umikot sa poll. " Sabi ni Stela at isa isang inabutan ng chocolate bars at bola ang magkakapareha.

"At para naman ganahan kayo ang pair na mananalo will have a shopping date galing sa akin. You can buy whatever you want." Sabi ni Bryn

"Wow, excited na ko. Shopping date na libre." Sabi ni Mari

"Kaya naman din kitang ipag-shopping Baby." Sabi ni Dion

"Yeah Baby pero nahihiya ako sayo pag mga ganong bagay. Kaya gawin naten ang best naten para manalo." Sabi ni Mari

"Nami bola muna ang iposisyon naten, bago itong chocolate." Sabi ni Ryco at inilagay ang bola sa pagitan ng tyan nila ni Nami

"Ryco muklang mahuhulog sya anytime na gumalaw tayo. Kailangang ipitin ang bola para di mahulog." Sabi ni Nami

Tiningnan ni Ryco ang bola at tama si Nami once na lumakad sila papunta sa poll ay mahuhulog ito. Ngumiti si Ryco at kinuha ang mga kamay ni Nami at iniyakap sa kanya "Ayan hindi na sya mahuhulog kahit naglakad pa tayo. Higpitan moa ng yakag mo saken para secure ang bola naten." Nakangiting sabi nito

"Okay Ryco hihigpitan ko ang yakap sayo para di mahulog ang bola." Namumulang sabi ni Nami

"Hay nakuh Ryco, para paraan ka nanaman. Akala ko nagbago ka na." natatawang sabi ni Kezzia

"Wag ka ngang makialam kahit kalian napaka epal mong babae ka." sigaw ni Ryco

"Baby hayaan mo na sila, mag isip din tayo ng paraan para di ako tumakbong walang suot mamaya. Kahit naman hot ako nahihiya din ako kahit papano." Sabi ni Toby

"Oh sige Baby, pano nga ba ang gagawen naten? Alam ko na, itong chocolate ipitin naten mula sa ilong hanggang sa lips naten para sure na di mahuhulog." Sabi ni Kezzia at itinapat ang chocolate sa ilong at lips nya, matapos non lumapit si Toby at ihinawakan si Kezzia sa mga cheeks nito para maipit ang chocolate nila

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon