"Anot marunong kang mag-wallop?" inis na sabi ni Ryan
Napatingin naman si Aya sa ginawang yun ni Bryn at lumapit sa court "As a sports journalist ngayon lang ako nakakita ng actual na pagtira ng wallop. Sa aking pagkaka alam ang wallop ay isang uri ng services sa sepak takraw na nanganga ilangan ng pagiging flexible ng katawan, balance at matinding lakas. Sa tangkad nyang yan matinding training ang pinagdaanan nya bago nya matututunan ang pagtira ng ganon ka." Sabi nito
Nag-high five sina Nash, Bryn at Empress "Tol lupit mo, marunong kang mag-wallop. Halimaw ka na sa basketball, halimaw ka din sa takraw." Natutuwang sabi ni Nash
"Ginulat mo ako dun, hindi ko inaasahang marunong ka ng mga skills ng sepak. The sport that I love." nakangiting sabi ni Empress
Pero ngumiti lang si Bryn at bumalik sa kanyang pwesto "Laro na." sigaw nito, bumalik din sa pwesto sina Nash at Empress
"Hmmmmmmm, nakita ko na talaga sya. Pati yung wallop na ginawa nya, parang nakita ko na." sabi ni Mark habang nakahawak sa baba nya
"Change service, 1 - 2, play" sigaw ni Rona
Matapos ang tatlong service mula sa team nina Empress ay lilipat na ang service sa team nina Ryan. Tumayo si Ryan sa service circle at itinaas ang kamay nya na kasing taas ng ulo nya, senyales na hanggang dun dapat ihagis ni Ian ang bola. "Ang tass, anong iniisip nya? Magwa-wallop din sya, hindi nya naman ginagawa yun." Tanong ni Ian sa isip nya
Inihagis ni Ian ang bola sa gustong taas ni Ryan, sa paghagis ni Ian nasipa ito ni Ryan papunta sa kabilang side ng court ngunit na out of balance sya at natumba. Sa kabilang side naman ay natira ni Nash ang bola at nai-set ito para kay Empress, bumaliktad si Empress sa ere at sinipa ang bola. Hindi pa man nakakatayo si Ryan ay matagumpay na naibalik ni Empres ang bola sa kabilang side ng court. Hindi ito nasagot ng kahit sino sa kabila team at bumagsak ang bola.
"Badtrip, hindi na ito nakakatuwa."inis na sabi ni Ryan sa sarili
"Ayos lang ba si Ryan?" bakit sya nag-wallop hindi sya sanay na gawin yun?" tanong ni Richard
"Malamang ayaw nyang magpadaig sa gwapings na si Bryn." Sabi ni Gerald
"Fault" sigaw ni Rona at itinuro ang side nina Ryan, muling nag-high five sina Nash, Bryn at Empress dahil muli silang nakapuntos
"Ang galing nila. May magaling mag-serve, may setter at may spiker." Sabi ni Warren
Namangha naman si Aya sa ginawang pag-spike ni Empress "Ang galing nya, babae sya pero nakikipagsabayan sya sa mga lalaki. Ganito pala kagaling ang team captain ng sepak girls." Humahangang sabi nito
"Hindi pa kayo nananalo, sabi nga ni Bryn nagsisimula pa lang ang laban. Kaya wag kayong magsaya dyan," sabi ni Ryan
"Chill ka lang Bro, masaya lang kami dahil sa play na nagagawa namen. Hindi kami nagdidiwang dahil nanalo na kame. HEHEHE" nakangiting sabi ni Bryn
"1 – 3 play" sigaw ni Rona, muling itinaas ni Ryan ang kamay nya sa taas na gusto nya at inihagis naman ni Ian ang bola. Sa pagkakataong ito hindi na natumba si Ryan at matagumpay nyang natira ng wallop ang bola, mabilis itong tumalsik sa kabilang side ng court. Inabangan naman ito ni Bryn at sinipa pabalik sa kabilang side. Nasalo ito ni Jerome sa pamamagitan ng tuhod, sinipa nya ito pataas at nagsimulang magset para kay Ryan. Naiset ito ni Jerome at pinalo ni Ryan papunta sa kabilang side, patusok itong bumagsak sa court at hindi na nagawang ibalik.
"Fault" sigaw ni Rona sabay turo sa side nina Bryn
"OMG anong mangyayari pag natalo sina Empress? Magiging jowa ba sya ni Ryan? Pano na si Pretty boy? Saken na lang sya." tanong ni Jocel
BINABASA MO ANG
Ball of Love
Fiksi PenggemarLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...