Chapter 140

253 20 9
                                    

"Sino ba to Boss at kailangan pang sumama ako sa kanya?" tanong ni Hanamichi

Ngumiti si Kumi "Love uulitin ko pa ba? New doctor sya sa hospital at nandito sya dahil inihatid nya ako, may problem ang car ko." Sagot ni Kumi

"Gung gong talaga, di madala sa isang paliwanag." Sabi ni Rukawa

"Boss ipakuha na lang naten sa mikaniko para sayo na ako sasama at hindi sa babaeng yan." Sabi ni Hanamichi habang nakaturo kay Liza

Napahinnga ng malalim si Kumi "Love kaya nga dito kita pinuntahan para ikaw ang kumuha at mag ayos ng kotse ko. Diba nung binili mo yun para sa akin sabi mo parang ako ang kotseng iyon. Ikaw lang ang pwedeng humawak at magmikaniko dito." Nakangiting sabi ni Kumi

"Aba hindi ko inaasahan na ganyan ka-protective si Sakuragi sayo Ms. Aiwa. mukhang romantiko din si Sakuragi, wala sa itsura." Sabi ni Fujima

"AHAHAHAH mukhang ibang pagmimikaniko ang tinutukoy ni Sakuragi pagdating sayo Kumi." Nakangising sabi ni Mitsui

"Hoy Mitchi wag mo akong maigaya gaya sayo na manyakis at oo Mr. Substitute protective ako sa Boss ko at lalo na sa Prinsesa ko." Sabi ni Hanamichi at umakbay kay Kumi

"Lahat ng mga nandito ang ga-gwapo pero yung asawa talaga ni Doc, Kumi ang pinaka malakas ang dating. And the way he calls Doc. Kumi ng Boss ang romantic." Sabi ni Liza sa isip nya

"Mga Pare mukhang hindi ko na matatapos ang laro naten. Izza is calling kailangan ko na syang sunduin. Tyak mayayari ako at hindi ko sya mamimikaniko pag nalate ako." Nakangiting sabi ni Sendoh

"Preee hindi ko akalaing under de saya ka din pala. WAHAHAHAHH' pang aasar ni Kiyota

"Sira ka talaga Kiyota. Kezzia susunduin ko si Mama mo, sasabay ka na ba sa akin o kay Toby?" tanong ni Sendoh sa anak

"Papa I will go with you po, hindi po ako maiihatid ni Toby. Kasama nya po si Tito Kaede." Sagot ni Kezzia

"Halika na, aalis na tayo. Mga Pare sa susunod ulit. Bryn sana matuloy na ang stag party naten.AHAHAHA" sabi ni Sendoh at saka lumabas ng gym

"Babe, I will go with Papa na. I love you, dahan dahan sa pagda-drive at wag na wag mong subukang magmikaniko ng iba." Paalam ni Kezzia kay Toby

"Take care Babe, I love you too. Ikaw lang ang gusto kong imikaniko." Sabi ni Toby at humalik sa noo ni Kezzia at saka inihatid ang girlfriend nya papunta sa parking

"Pano ba yan, umalis na si Sendoh? mukhang pati ako kailangan ng mauna, nagchat si Haruko at may mga documents daw na kailangan kong mapirmahan ngayon. at syempre miss ko na si Haruko, mukhang gusto ko din magmikaniko bago matulog." paalam ni Mitsui

"Sayang naman Mitsui, mukhang hindi na maiituloy ang laro dahil tinatawag na kayo ng mga asawa nyo. Sana sa sunod na join basketball game nyo paanyayahan nyo ulit ako." sabi ni Fujima

"Si Sendoh takot sa asawa nya, pati si Mitchi takot kay Haruko my labs.WAHAHAHAH" pang aasar ni Hanamichi

"Hoy gung gong ilang ulit ko bang sasabihing wag mong tawaging ganyan si Haruro, malalatikim ka talaga sa akin. Hindi ka na nahiya nandito ang asawa mo at may kasama pa sya" sermon ni Mitsui

Ngumiti si Kumi at yumakap sa braso ni Hanamichi "Sanay na ko sa kanya Mitsui, kahit naman ganito si Love alam kong ako lang ang babae sa buhay nya." Sabi ni Kumi

"Mukhang napakaswerte ni Sakuragi sayo Miss Aiwa." nakangiting sabi ni Fujima

"Aba aba aba si Boss ang maswerte sa akin, ako ang gwapong si Hanamichi Sakuragi at isang henyo sa basketball.WAHAHAHAH" sabi ni Hanamichi

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon