Chapter 154

184 19 6
                                    

Kinabukasan nagising si Hanamichi, nakita nya si Kumi na naghahanda na para sa pagpasok nito "Good morning Boss." bati nito sa asawa

Ngumiti si Kumi at humalik kay Hanamichi "Good morning. Maaga akong papasok, I need to clean something sa hospital ko, ayoko kasi ng may nagkakalat ng dumi sa mga bagay na pag aari ko." sabi nito

"Boss galit ka pa ba? Sorry, pero sinisigurado ko sayo na walang nangyari sa amin ni Liza, ni halik o ni hawak hindi ko ginawa sa kanya." Paliwanag ni Hanamichi sa asawa

"Don't worry Love hindi ako galit sayo or kay Liza. But I need how to protect what I have bago pa ito masira. You know me Hanamichi Sakuragi." Sabi ni Kumi

"Pero Boss ayoko ng makikipag away ka, lalo na pagdahil sa akin at lalo na nasa trabaho ka." sabi ni Hanamichi at yumakap mula sa likuran ni Kumi

"Don't worry Love, I can handle this. Tapos ka na sa part na sinabi mo ang nangyari, ayoko na din malaman ang lahat ng detalye. Breakfast na tayo, tyak naghihintay na ang mga bata." Pag aaya ni Kumi, nakangiting tumango naman si Hanamichi at sumama dito

Sa pagbaba ng mag asawa nasa dining table na sina Yuri, Bryn at Nami. "Wow Tita Kumi, you look different po. Lalo po kayong bumata at gumanda." Nakangiting bati ni Yuri

"Good morning, thank you Yuri for that. Ang sweet sweet mo talaga." Sabi ni Kumi at saka naupo para kumain

"Princess anong oras umuwi ang sangganong gubat? Baka kung ano anong ginagawa nyo nung pumasok kami sa kwarto." Tanong ni Hanamichi sa anak at saka humigop ng kape

Dahil sa tanong ng ama biglang namula ang mukha ni Nami, naalala nya ang paghalik nya kay Ryco "Papa hindi ba kayo ni Mama ang may ginawa kagabi?" tanong ni Nami

"Oi Princess mag asawa kami ng mama mo kaya kahit anong gawen namen ayos lang. pero kayo ng sangganong gubat wala pa kayong pwedeng gawen at wag kang papayag na may gawen sya sayo." Sermon ni Hanamichi

"Okay po Papa, I understand." Sabi ni Nami

"How about you Bryn? Anong oras ka nan aka uwi, madalas ka yatang ginagabi." Tanong ni Hanamichi kay Bryn

"Papa I thinks it's around 11:00 pm po, hinintay ko pa po kasi si Tito Kenji na maka uwi. Wala po kasing kasama si Empress sa bahay nila." Sagot nito

"Ganon ba? Ibig sabihin kayo lang dalawa ang nasa bahay nila kagabi?" usisa ni Hanamichi

"Hindi naman po, may mga maids naman po sila. Pero nasa kanikanila na pong kwarto dahil gabi na." sagot ni Bryn

"Hmmmmm kayo nasa kwarto din ba kayo? naka-score ka naman ba? Magkaka apo na ba ako?" tanong ni Hanamichi

"Papa hindi pa po mag asawa sina Kuya Bryn at Ate Empress diba? So meaning wala pa silang pwedeng gawen like us ni Ryco? Tama po ba Papa?" nakangising tanong ni Nami

Dahil sa tanong ni Nami natahimik si Hanamichi "Love tama si Nami, masyado pang bata sina Bryn para sag anon and if I'm not mistaken babalik pa si Bryn sa UK para tapusin ang mga trabaho nya dun." Sabi ni Kumi

"Yeah Tita Kumi tama po kayo. In fact, nandito po sa Japan si Sab, sya po ang isa sa pinakamagaling na female model sa modeling industry. Lagi ko po syang kapartner sa trabaho." kwento ni Bryn

"Hoy Bryn oo gwapo ka, pero may girlfriend ka na at anak pa ni Mr. Substitute, mag ingat ingat ka, kung maaari ay umiwas ka na sa ibang babae." Payo ni Hanamichi

"No Papa, Sab is a friend. Matagal ko na po syang kaibigan at katrabaho, nakilala na din po sya ni Empress and everything is fine naman po and Papa I want you to meet Sab po.." Sabi ni Bryn

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon