Chapter 155

170 16 5
                                    

EDOGAWA'S MEDICAL CENTER

Matapos ihatid sina Yuri at Nami ang sunod na inihatid ni Hanamichi ay ang asawa nyang si Kumis a trabaho nito. "Love wag mon a akong ihatid sa loob. Bababa na ako dito," sabi ni Kumi

"Bakit naman Boss? wala naman akong gagawin sa loob, ang gusto ko lang ay ang ihatid ka." sabi ni Hanamichi

"Love baka makita ka pa ni Liza, same shift kame. And sure ako nasa loob na sya at naka abang sa pagdating naten, kaya hayaan mo syang madismaya dahil hindi ka nya nakita." Nakangiting sabi ni Kumi

"Boss iba talaga ang mga tirade mo. Ang smooth." Nakangising sabi ni Hanamchi

"Syempre asawa mo ata to. Pasok na ko Love, see you later. I love you, be a good boy." Sabi ni Kumi at humalik sa asawa bago bumaba ng kotse

"Ingat ka Boss, sunduin na lang kita mamaya. I love you too." Sabi ni Hanamichi

Pumasok si Kumis a loob ng hospital at tulad ng kanyang inaasahan naka abang si Liza sa hall way ng hospital. "Good morning Doc Liza. Anong ginagawa mo dito sa hall way?" bati at tanong ni Kumi

Kita sa mukha ni Liza ang pagkadismaya pero pinilit nyang ngumiti "Good morning Doc Kumi, wala naman po galing po kasi ako sa canteen and pabalik na po ako sa station." Sagot ni Liza

"Hmmmmm looks like maaga kang pumasok. By the way kung wala ka pang gagawen can you come with me sa office ko. I need to discuss something." Sabi ni Kumi

Ngumiti naman at tumango si Liza "Sure Doc. wala pa naman po akong patient." Sabi ni Liza at naglakad kasabay ni Kumi patungo sa office

Sa loob ng office "Have a sit Doc. Liza." Sabi ni Kumi

"Thank you po Doc, by the way Doc hindi po kayo inihatid ni Sir ngayon?" usisa ni Liza na nakatingin sa wedding picture nina Kumi at Hanamichi na nasa table

"Hmmmm inihatid nya ako pero sa may entrance lang. I told hm na wag na syang pumasok dito sa hospital kasi ayokong nakikita sya ng kung sino sino, baka kasi pag interesan pa sya." Nakangiting sabi ni Kumi

"Ganon po ba Doc? hindi naman po maiiwasang makita sya ng kung sino sino dahil model at basketball player po ang asawa nyo. At hindi po maiiwasang may mga babaeng magka interest sa kanya, gwapo po at matipuno ang asawa nyo." Sabi ni Liza

"Doc Liza mukhang marami kang alam tungkol sa asawa ko? isa ka ba sa mga babaeng nag interest sa asawa ko?" deretsong tanong ni Kumi

"Po Doc? kung yun po ang tingin nyo nagkakamali po kayo hindi po ako interesado sa asawa nyo. Bakit nyo po naitanong yan, wag nyo po akong pagselosan. Kung may pagtingin man po si Sir sa akin wala po akong ginagawang masama." Sabi ni Liza

Napataas ang kilay ni Kumi "At saang planeta mo nakuha na may pagtingin sayo ang asawa ko?" tanong ni Kumi

"The way you act Doc? Pinapunta mo pa ako dito sa office mo para pag usapan naten ito dahil nagseselos ka sa kung anong meron kame ni Sir. " sagot ni Liza

"Doc Liza as the owner of this hospital and a respected surgeon dito sa Japan hindi ko gagawen ang mga bagay na sinasabi mo. I ask you to came here dahil dito sa mga information's na nakuha namen from your past work." Sabi ni Kumi habang hawak ang isang folder

"Pina imbistigahan nyo po ako Doc?" tanong ni Liza

"Liza in this hospital lahat ng employee ay dumadaan sa background check. Oo pinaiimbistigahan namen lahat ng employee ng hospital. Sa totoo lang I wonder bakit naka tatlong hospital ka na. matalino ka naman, magaling at dedicated ka sa work mo. And after this background check lumabas na nagka issue ka sa mga hospital na yun dahil nagiging karelasyon ka ng asawa ng workmate mo or boyfriend ng workmate mo. Is it true Doc Liza?" tanong ni Kumi

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon