Unang nakapuntos ang Shohoku sa 3 points ni Dion, depensa naman sila at opensa ang Shoyo. Nagdi-dribble si Number 5 ng Shoyo "Umpisa pa lang maganda na ang team work nila. Masyado kaming naging kampante dahil mga bago sila." Sabi ni sa isip nya at ipinasa ang bola kay Number 7 na nasa may 3 point line, agad itong binantayan ni Dion sap ag aakalang magtetres din ito. Nagdribble si Number 7 at ipinasa kay Troy ang bola.
Binantayan ito ni Bryn "Ako naman." Nakangiting sabi Troy at tumira ng fade away shot, PASOK!
Nakangiting tumingin kay Bryn si Troy "Sabi ko sayo ako naman." Sabi nito sabay tingin sa dereksyon kung saan naka upo sina Empress
"Fade away shot pala." Nakangiting sabi ni Bryn
Sa audience seat napansin ni Mari na nakatingin si Troy sa gawi kung saan sila naka upo. "Hey Empress look at those guy, mukhang nagpapaligsahan sila para sayo." Sabi nito
"Hindi naman siguro, alam ni Troy na si Bryn ang gusto ko. at sabi ko kay Bryn magfocus sya sa laro since ito ang first official game nya dito sa Japan. Sana naman magkasundo na sila." Sabi ni Empress
"Hmmmmm Ate Empress mamaya may party kami para kay Ryco dahil aalis na sya bukas. Gusto mong magjoin? Sure akong pupunta din si Kuya." Pag aaya ni Nami
"Sure Nami. Alam mo Nami hanga ako sayo, mukhang hindi ka nahirapang tanggapin ang pag alis ni Ryco. Unlike me, sa tuwing naalala kong aalis si Bryn naiiyak na ako." sabi ni Empress
"Ate nagkakamali ka, simula nung nalaman ko na aalis si Ryco lagi kong pinipigil ang maiyak. Ayokong makita nyang malungkot ako, ayokong mapektuhan sya. Bilang girlfriend nya all I can do is to support and believe him at ganon din naman sya sa akin. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak hanggang sa araw ng pag alis nya." Paliwanag ni Nami
"That's why I admire you. Iba talaga ang personality ng mga Sakuragi." Nakangiting sabi ni Empress
"Kayong dalawa kung ano anong pinag uusapan nyo. Manood kayo, laman na ang Shoyo." Sabi ni Yuri
"Nag paulan ng sunod sunod na fade away shot si Troy. Hindi pa man sya gaanong nakakporma itinitira nya na ang bola at lahat ng yun ay pasok." Sabi ni Mari
"OMG" sabi ni Empress at saka muling tumingin sa playing court
"5 – 15 ang bilis naman." Bulong ni Nami
Sa playing court naglalakad si Troy at dumaan sa likod ni Bryn "Akala ko magaling, yabang lang pala. Sa una lang pala." Bulong nito
Napahinga ng malalim si Bryn at naalala nya ang sinabi ng coach nilang si Miyagi "Nakakapanibago, ang tagal mag init ng katawan ko. ayokong mapahiya kay coach," sabi ni Bryn sa isip nya
Muling nagdribble si number 7 ng Shoyo, ipinasa nya kay Troy na binabantayan ni Bryn. Sa pagsalo ni Troy ng bola ngumiti ito kay Bryn at agad na nagdribble. Inikutan nya si Bryn at saka muling tumira ng fade away shot.PASOK puntos muli para sa Shoyo "Tol GF mo nanonood." Sabi ni Troy at saka tumakbo papalayo
"Ang presko talaga ng isang yun." Sabi ni Bryn sa isip nya
Nagdidribble si Ryco papunta sa court nila, tiningnan nya ang mga kasama nya kung kanino nya maaring ipasa ang bola. Nakita nyang mahigpit ang depensang ginagawa ni Troy kay Bryn pero sumesenyas si Bryn na ipasa sa kanya ang bola, kaya hindi na nagdalawang isip si Ryco at agad na ipinasa dito. Nasalo ni Bryn ang bola, ngumiti ito kay Troy at mabilis na nagdribble, inikutan nya si Troy at mabilis na tumira ng fade away shot sa harap ni Troy. "Bro thank you for reminding me na nakatingin ang GF ko." sabi ni Bryn at saka tumakbo

BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...