Chapter 90

310 19 11
                                    

Nakatanaw si Empress sa papalayo nyang mga kaibigan "So it's between you and me na lang Empress." Nakangiting sabi ni Bryn at iniabot ang snack kay Empress

"Hmmmm, Thank you Bryn. Na-appreciate ko ang thoughtfulness mo, hindi lang kasi para sa akin ang inihanda mo. Pati mga friends ko isinali mo. I like you in that part." Sabi ni Empress kay Bryn

"Wow is that a pogi points for me? Syempre naman, I know sa practice lahat nagugutom at napapagod. So kanina after ko ihatid ang baby sister ko napadaan ako sa isang bake shop. I decided to buy snack para sa lahat." Nakangiting sabi ni Bryn

"Ganyan ka ba talaga ka generous? I know mayaman ka but hindi lahat ng mayayaman katulad mo. Na willing to give or nagpapakitang gilas ka lang sa akin. For me to like you?" tanong ni Empress

"Grabe ang prangka mo naman. I love giving, I love sharing masaya ako pagginagawa ko yun. Kaya kung iniisip mo na ginagawa ko to para magustuhan mo ko siguro konte ganon na nga. HEHEHEH" sagot ni Bryn

"Hmmmmm thank you ulit for doing all of this." Sabi ni Empress at nag simula ng kumain

"By the way Empress pwede later this lunch sabayan mo akong kumain. Bago lang kasi ako dito and wala pa akong masyadong kakilala. If okay lang." tanong ni Bryn

"Yah sure. Sabay na tayong maglunch, para naman makabawi ako dito sa snack na dala mo." Sagot ni Empress

"Yes! Sabay kaming magla-lunch. Tama talaga ang decision ko to accept the offer, mapapalapit ako kay Empress." Sabi ni Bryn sa isip nya

Sa di kalayuan ay nakatanaw sa dalawa si Ryan "Captain mukhang naunahan ka ni Bryn kay Empress. At tingnan mo sila ang sweet nila." Nakakalokong sabi ni Ian

"Baket ganon, ngayon ko lang napansin na ang cute pala talaga ni Empress." Sabi ni Gerald

"Hay naku ganyan talaga mapapansin mo lang ang isang tao pag nawala na. Pag may gusto na syang iba." sabi pa ni Mark

"Mga gung gong, anong nawala na. sa status namen ni Bryn mas angat ako kasi ako ang gusto ni Empress. At mamayang lunch kame namana ang sabay ni Empress." Naiinis na sabi ni Ryan

"Captain that's the spirit, sana nga ikaw pa din ang gusto ni Empress. Look at them ang sweet sweet nila," pang aasar ni Richard

"Ang isang Bryan Sakuragi hindi basta bastang nilalang yan. Model at napakayaman, sinong babae ang makakatanggi sa kanya." Sabi ni Ian

"Nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko." Sabay sabay na kanta ng mga teammates ni Ryan

"Manahimik nga kayo mga gung gong." Inis na saway ni Ryan habang nakatanaw sa dalawa

"Mukhang hindi magandang idea na isali sa Bryn sa team. Pero kung hindi yun gagawen hindi kaming lahat makakalaro at masasayang lahat ng pinaghirapan ng team. Hindi ako pwedeng maging makasarili sa panahong ito." Sabi ni Ryan sa isip nya

Natapos ang snack break at bumalik na sa practice ang lahat. Mabilis lupipas ang oras at sumapit ang lunch break. Agad na naghubad si Bryn para magpalit ng damit. "Ulala ang ganda talaga ng katawan ni Bryn. Pag ito talaga niligawan ako papakasalan ko na agad to." Sabi ni Jed

Natawa naman si KC "In your dreams Jed kasi hindi ikaw ang type nya. Si Empress ang type nya." Pang aasar ni KC

"Oy Empress Maica dapat siguro mabagok na ang ulo mo para makita mong Bryn is much better than Ryan." Sabi ni Rona

Ngumuso si Empress "Rona ang harsh mo naman kay Ryan, alam nyo namang matagal ko ng crush si Ryan. Since junior high pa." sabi nito

"Hmmmmmm if that so baket hindi mo pa sya sagutin? Kung talagang sya ang gusto mo anong pumipigil sayo? I think hindi mo na sya ganon kagusto, you're just living and believing na crush mo sya. Pero wala na yung feelings." Sabi ni Jocel

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon