Habang yakap ni Hanamichi ang anak nyang si Nami napansin nya ang nakatayong si Ryco na nakatingin sa kanila. Bumitaw si Hanamichi sa pagkakayakap sa anak nya. Nilapitan nya si Ryco at tiningnan itong mabuti.
Lalong namutla si Ryco at nagsimula ng pagpawisan ng malamig "Ito pala ang Papa ni Nami. Sya ang Ninong Hanamichi ko. Tama si Dad sa lahat ng sinabi nya, kayang kaya nya akong ibaon sa lupa ng buhay. Nakakatakot sya." Sabi ni Ryco sa isip nya
"Princess bakit kailangan ka pang ihatid ng security guard nyo? Ganon na ba ngayon sa Shohoku?" nagtatakang tanong ni Hanamichi
Napahagikgik ng tawa si Nami "Papa hindi po sya security guard. Student din po sya sa Shohoku tulad ko." tumatawang sabi nito
Nilingon ulit na Hanamichi si Ryco "Kung hindi ka security guard, sino kang sangganong gubat ka at bakit mo kasama ang anak ko?" Tanong ni Hanamichi
Napalunok lang si Ryco at hindi makapagsalita sa takot na nararamdaman nya "Dapat pala hindi ako pumunta mag isa dito. Dapat pala nagpasama ako kay Dad. Dyosko anong sasabihin ko."Tanong ni Ryco sa isip nya
Hinawakan ni Nami si Ryco sa braso dahil napansin nyang namumutla ito "Ryco diba may sasabihin ka kay Papa." Nakangiting sabi ni Nami
Lalong nagdilim ang mukha ni Hanamichi ng makita nya ang paghawak ni Nami sa braso ni Ryco "Princess ka bakit pahawak hawak dyan sa braso nyan, baka mahawa ka ng galis dyan. At ikaw sangganong gubat bakit ka ba nandito sa pamamahay ko." Tanong ni Hanamichi
"Magandang hapon po Ninong, ako po si Ryco Miyagi. Third year po ako sa Shohoku High School at team captain po ng basketball team. Narito po ako dahil gusto ko pong ligawan ang anak nyong si Nami." Deretsong sabi ni Ryco
Nilingon ni Hanamici ang anak nyang si Nami na namumula at halatang kinikilig "Anong manliligaw at bakit Ninong ang tawag mo saken? Bumalik ka sa gubat at maghanap ka ng mga ka uri mo dun." nagagalit na sabi ni Hanamichi
"Anak po ako nina Ryota Miyagi at Ayako Miyagi, inaanak nyo po ako sabi ni Dad. Bata pa lang po nung huli ko kayong nakita, abay rin po ako nung kasal nyo ni Ninang Kumi." Sagot ni Ryco
"Ahhh? Anak ka ng bansot na si Ryota at ng amasonang si Ayako. Kaya pala pamilyar ka, pareho kayo ni Ryotang kulot at nakuha mo naman ang magandang mukha ni Ayako." Sabi ni Hanamichi habang nakatingin kay Ryco
Bahagyang nakahinga ng maluwag si Ryco at lumakas ang loob "Ninong kaya po ako nandito ay para ipaalam sa inyo na gusto ko po sanang manligaw kay Nami. Sana po pumayag kayo." Matapang na sabi ni Ryco
"Kahapon ang uhuging anak ni Mitchi ang nandito para umakyat ng ligaw sa Prinsesa ko. Ngayon naman itong sangganong gubat na anak ni Kulot ang nandito. Princess maghome study ka na lang kaya para hindi ka nakikita ng kung sino sino." Seryosong sabi ni Hanamichi
Ngumiti si Nami sa Papa nya "Papa kung yun po ang gusto nyo okay lang po sa akin." Sagot nito
"Hoy sangganong gubat si Nami ang magde- decide kung papayag syang magpaligaw sayo o hindi. Pero kahit inaanak kita binabalaan kita, mas magaling ako sa bakbakan sa tatay mo. Kaya wag kang magkakamaling lokohin ang anak ko. Kung hindi dalawa kayo ng tatay mong lulumpuhin ko." Sabi ni Hanamichi
"Naintindihan ko po. Wala po kayong dapat ipag alala, hindi ko po lolokohin o sasaktan ang anak nyong si Nami." Matapang na sagot ni Ryco
Tiningnan ng seryoso ni Hanamichi si Nami na halatang kinikilig "Princess mukha namang hindi ko na kailangang itanong kung papayag kang manligaw sayo ang sangganong yan. Halata namang kinikilig ka sa kanya at isinama mo pa sya dito."seryosong sabi ni Hanamichi sa anak
Ngumiti si Nami sa kay Hanamichi at kay Ryco "Papa pumapayag po akong manligaw saken si Ryco. Kilala nyo din naman po ang parents nya kaya alam ko pong mabuting tao si Ryco." Sabi ni Nami
Napabuntong hininga na lang si Hanamichiat ngumiti "Sangganong gubat ayusin mo ang buhay mo ha. Tingin ko sa dating mong yan babaero ka. pero mukha namang may tiwala sayo ang anak ko. Kaya sige payag na din ako." sabi ni Hanamichi
Napangiti si Ryco "Salamat po Ninong, salamat Nami. Babaero man po ako dati, nagbago na po ako mula nung araw na nakita ko si Nami." Sabi ni Ryco
"Lokohin mo lelang mo, Princess pumasok na kayo sa loob. Pakainin mo yang sangganong gubat na yan. Sobra ng namumutla. Baka mahimatay pa yan,baka ilibing ko ng buhay yan." Nakangiting sabi ni Hanamichi
"Sige po Papa. Ryco halika na." nakangiting sabi ni Nami at naglakad papasok sa loob ng bahay
Hindi naman agad sumunod si Ryco at naiwan sa garden kasama ni Hanamichi "Salamat po Ninong. Maari pong may mga marinig kayong hindi maganda tungkol saken pero nangangako po akong di ko sasaktan ang anak nto." Seryosong sabi nito kay Hanamichi
"Anong akala mo saken tsismoso? Pumayag lang ako kasi payag ang anak ko, pero hanggat maari ayokong may lalapit na lalaki sa Prinsesa ko. Lalo na kung katulad mo. Sige pumasok ka na dun, baka masapak pa kita." Sabi ni Hanamichi
"Salamat po" nakayukong sabi ni Ryco at pumasok na sa loob ng tahanan ng mga Sakuragi
Naupo si Hanamichi sa may garden, maya maya pa ay dumating na si Kumi galing sa kanya duty. Bumaba ito ng kotse nya at pinuntahan ang asawa.
"Love" bati ni Kumi kay Hanamichi at hinalikan ang asawa nya
"Boss kumusta araw mo?" bati ni Hanamichi at niyakap ang asawa nya
"Bakit parang seryoso ka? Wala ka bang ipang aalaska saken ngayon? Hindi ba ako mukhang halimaw ngayon o walang tulog na white lady?" nakangiting tanong ni Kumi
"Boss ka edad ka ni Nami nung nagkakilala tayo, tama ba?"tanong ni Hanamichi
Sandaling nag isip si Kumi "Hmmmmmmm, oo Love. first year tayo nung una kitang nakita sa laro nyo laban s Shoyo pero halos mag second year na tayo nung nagkakilala. Why Love?"tanong nito
"Nagdadalaga na ang Prinsesa ko, kagabi anak ni Mitsui ang nandito para manligaw sa kanya. Ngayon naman kasama nya ang anak ni Ryota at Ayako, nagpaalam din na manliligaw sa kanya." Nakangiting sabi ni Hanamichi habang nakatingin kay Kumi
"Anak nina Ryota at Ayako, if I'm not mistaken si Ryco? Diba abay sya nung wedding naten? At inaanak naten sya?" tanong ni KUmi
Niyakap ni Hanamichi si Kumi "Oo yung surprise wedding naten, na pakulo mo. Oo sya yun. At gusto nyang ligawan ang Prinsesa ko. Yun namang anak mo parang ikaw lang, hindi maitago ang kilig na nararamdaman." Sabi ni Hanamichi
Ngumiti si Kumi "Love always kong sinasabi sayo na darating ang time na magdadalaga si Nami, maayos ang pagpapalaki naten sa kanya kaya wala kang dapat ipag alala. Kahit dumami pa ang manliligaw nya ikaw ang nag iisang first Love nya." Paliwanag nito sa asawa nya
"Boss kayo ni Nami ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Isama na ang basketball at ang pagtanggap ng mga magulang mo. Sana din magkababy boy na tayo, gusto ko ng anak na lalaki. Ang magdadala ng apelyidong Sakuragi. Naging malas man ako sa buhay ko nung kabataan ko, nagbago ang lahat nung makilala kita. Mahal na mahal kita Kumi Edogawa Sakuragi." Nakangiting sabi ni Hanamichi sa asawa nya
Hinalikan ni Kumi si Hanamichi "Love hintayin lang naten na mabiyayaan tayo ng baby at sana nga lalaki. Mahal na mahal din kita Hanamichi Sakuragi." Nakangiting sabi nito
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfikceLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...