Chapter 24

304 18 3
                                    

Nagpahanda ng hapunan si Hanamichi para sa pagdating ng kanyang mga kaibigan at mga anak ng mga ito. Masayang masaya sya dahil nagkasasama sama ulit sila.

"Mga Tol handa na ang dinner, tawagin nyo na ang mga bata para sabay sabay na tayong kumain." Pag aaya ni Hanamichi

"Sandali lang Tol bakit hindi ko pa nakikita si Kumi?" tanong ni Miyagi

"Ah si Boss ba? Nandito na sya kanina, nakilala nya na nga si Ryco. Pero may emergency sa ospital kaya kailangan nyang bumalik. Successful surgeon na kasi sya, basta may operasyon sa hospital sya ang gumagawa. Kaya lagi syang pagod at stress." Sagot ni Hanamichi

"Ang galing doctor ang asawa ng gunggong na tulad mo. Sana naman hindi ka na gumagawa ng mga bagay na lalo nyang ikakastree." Sabi ni Sendoh

"Kaya siguro hindi pa ulit kayo nagkaka-baby? Pag daw laging stress at pagod ang babae nakaka apekto yun para mabuntis. Diba matagal mo ng gustong masundan si Nami at magka anak na lalaki?" tanong ni Mitsui

"Ganon ba yun Mitchi? Oo matagal ko ng gustong magkaroon ng anak na lalaki, yung magpapadami sa lahi ko at magtutuloy ng nasimulan ko sa basketball. Pero kung ganon yun eh bakit itong sina Ai at Rukawa hindi pa masundan sundan si Toby, hindi stress at pagod yang dalawang yan." Tanong ni Hanamichi

"Gung gong bakit ako nanaman ang nakita mo? Hindi talaga namen sinusundan si Toby dahil gusto ko ako lang ang aasikasuhin ni Ai. Kung gugustuhin namen ng baby sa bahay si Toby na magbibigay samen non." Sabi ni Rukawa

"Husband ko ayan ka nanaman, ang bata pa ni Toby para sa mga ganyang bagay. Tama na yang usapang yan, ako na ang tatawag sa mga bata para makakain na tayo." Nakangiting sabi ni Ai



Lumabas si Ai ng dining room para hanapin ang mga anak nila. Nakita nya ang mga ito sa garden at nilapitan nya.

"Kids ready na ang dinner, tara pinapatawag na kayo ng mga Daddy nyo." Nakangiting sabi ni Ai

Lumapit naman si Toby sa mommy nya "Mom sya po si Kezzia. Sya po ang nililigawan ko, gusto ko po sya mama." Nakangiting sabi ni Toby

Nakaramdam naman ng kilig at namula ang mukha ni Kezzia na di malaman ang gagawen. "Hi Kezzia ikaw pala ang napupusuan ni Toby, your beautiful at mukha kang matalino." Malambing na sabi ni Ai

"Hi po Tita, thank you po. Your beautiful din po, hindi po halatang may 15 years old na kayong anak. Nice to meet you po." Hiyang hiyang bati ni Kezzia

"Wow bago to ah, yung amasomang team manager namen biglang huminhin. WAHAHAHAHAH! I can't believe this." pang aasar ni Yuan

"Bebe wag ka ngang ganyan kay Ate Kezzia." Sabi ni Nami kay Yuan

"Okay tama na yang pag aasaran nyo, tara na sa dining room. Baka magalit na ang mga dad nyo dahil masyado na tayong nagtatagal." Pag aaya ni Ai



Nagtungo sina Ai, Toby, Yuan, Kezzia, Dion, Ryco at Nami sa dining room kung saan naghihintay sina Hanamichi at ang iba pa. Naupo sila katabi ng mga Dad nila, maya maya pa ay dumating sina Kiyota kasama ang mga anak nya na sina Nash at Stella, pati na din si Maki na kasama si Mari ang nag iisa nyang anak.

"Yun dumating din ang mga Kainan boys. Nandito na sina Maki at Kiyota, kumpleto na tayo." Masayang sabi ni Sendoh

"Matsinggggggggggggg! Basta talaga kainan malakas ang pang amoy mo!" sigaw ni Hanamichi

"Unggoyyyyyyyyyyyyy ka! wag mo kong tawagin ng ganya sa harap ng mga anak ko." Inis na sigaw ni Kiyota

"May unggoy at matsing? Nasa zoo ba tayo?" natatawang sabi ni Yuan

"Yuan manahimik ka dyan, igalang mo sila. Kahit ganyan yang dalawang yan mas nakakatanda pa din sila sayo kaya matutu kang rumespeto." Sermon ni Mito sa anak

"Kayong dalawa Hanamichi at Kiyota, bawas bawasan nyo nga yang pagiging mga balasubas nyo. Nandyan mga anak naten kaya wag kayong umasta ng ganyan." Sermon ni Mitsui

"WOW nagsalita ang manyak" sabay na sabi nina Hanamichi at Kiyota

"Maki, Kiyota maupo na kayo, pati na ang mga anak nyo." Sabi ni Ryota

"Kumusta kayo, this is my only daughter Mari. Third year sya sa Kainan High, honor student yan at team manager din ng Kainan basketball team." Pagpapakilala ni Maki sa anak nya

"Good evening po, I'm Mari the Kanagawa's King daughter. Hi Ryco nice to see you." Pagpapakilala ni Mari sa sarili

"Hi Mari!" bati ni Ryco sabay tingin kay Nami

"Hmmmmmmmm... Anong meron? Bakit si Ryco lang ang may HI?" nang aasar na tanong ni Yuan sabay tingin kay Nami pero ngumiti lang si Nami dito

"Wow Lolo ang ganda ng anak mo, kamukhang kamukha ng asawa mo. Walang nakuha sayo. WAHAHHAHAHA" sabi ni Hanamichi

"Mga Pree Ito naman ang mga anak ko, si Nash first year sya sa Kainan. Katulad ko nung first year ako, sya ang number 1 rookie dito sa Kanagawa. And this si Stella junior high pa sya, model na sya sa batang edad nya.. Ang gwapo at ang ganda nila diba? Syempre ako ang kanilang Papa." Pagpapakilala ni Kiyota sa mga anak nya

Ngumiti si Stella "Good evening po." Sabi nito

"Toby, Yuan mukhang magkakaharap ulit tayo sa darating na elimination." Nakangiting sabi ni Nash

"Oi Kiyota baka nalilimutan mong nandito ang coach ng Shohoku Basketball team, anong number 1 rookie agad yang anak mo? May magagaling din kaming rookie anak nina Rukawa at Mito." Sabi ni Ryota

"Okay Okay kumpleto na tayo. Chibugan na!" Masayang sabi ni Hanamichi

"Tol hindi ba naten hihintayin si Kumi?"tanong ni Sendoh

"Lalamig ang pagkain, maya maya naman nandito na si Boss. Sasabayan ko na lang sya." sagot ni Hanamichi

Nagsimula silang kumain habang masayang nagku-kwentuhan tungkol sa kanikanilang mga anak. Kanya kanyang kwento sa mga achievements at talent ng kanilang mga anak. Syempre walang nagpapatalo. Maya maya pa ay dumating na si Kumi. Nagtataka ito dahil sa ingay na naririnig nya mula sa labas. Pumasok ito ng bahay at nakita nyang naghahapunan sina Hanamichi at ang mga kaibigan nito.

"Boss halika, join us." Paaaya ni Hanamichi at sinalubong ang asawa nya

"Love? Anong meron, natutuwa akong makita kayong lahat." Sabi ni Kumi at humalik sa asawa nya

"Kumusta Kumi, nice to see you." Bati ni Miyagi

"Nasurpresa ka ba Kumi, pati kasi kame nasurpresa sa pagkikitang ito." Sabi ni Kiyota

"Maupo ka na Kumi at kumain kasabay namen." Malambing na sabi ni Ai

"Mga bata this is Kumi Edogawa Sakuragi sya ang pinaka magaling na point guard sa basketball girls dito sa Kanagawa nung kapanahunan naten. At sya ang may bahay ng henyong ito." Pag papakilala ni Hanamichi

"Mama kain na po. Dito po kayo sa tabi namen ni Papa." Pag aaya ni Nami

"Thank you Baby, pero anong meron? Paano kayo nagkasama samang lahat at dito pa sa bahay. Masaya akong makita kayong lahat." Sabi ni Kumi

"Tita good evening po, Ako po si Kezzia. Daddy kop o si Akira Sendoh at susunduin po sana namen sina Nami para sa sleep over sa house namen. " sagot ni Kezzia

"Kezzia pasensya ka na, hindi na matutuloy ang sleep over sa bahay nyo. Dahil dito na kayo magsleep over sa bahay namen." Nakangiting sabi ni Hanamichi

"Oo nga dito na lang kayo magsleep over, madami namang mga bagong damit sa guest room na maari nyong gamitin." Sabi ni Kumi

"Para na din magkabonding kame ng mga daddy nyo. Okey lang bay un Kezzia?" tanong ni Hanamichi

"Yeah, opo naman Tito." Nakasmile na sagot ni Kezzia

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon