Chapter 69

276 21 5
                                    

Dahil sa nangyari naupo si Ryco sa isang sulok at hindi nakisali sa ginagawa ng iba. Nagdidilim ang mukha nya sa tuwing nakikita nya si Dion. "Wala nga dito ang alaskador na si Yuan, bwesit naman tong Dion na to. Lakas din ng pang asar. Kakabadtrip, sasagutin na ako ni Nami, GF ko na sana sya ngayon, may karapatan na sana ako sa kanya ngayon kung hindi lang sumingit ang Dion na to." Inis na sabi ni Ryco sa sarili

"Oy Dion, anong nangyari kay Ryco? Bakit sya nagmumuk mok dun sa sulok?" nagtatakang tanong ni Nash

Ng lingunin ni Dion si Ryco nakita nyang masama ang tingin nito sa kanya "Si Captain inis na inis sya sa akin, sasagutin na daw sya ni Nami kung hindi ako sumingit sa usapan nila. AHAHAH! Hayaan nyo na sya mukhang nabubuang na sya." Natatawang sabi ni Dion

"Nabubuang na nga si Captain kung naiisip nya na mapapasagot nya agad si Nami. Pero baka nape-pressure na din sya dahil sa ating mga boys sya na lang ang walang jowa." Sabi Toby

"Hmmmmm maybe tama ka Babe, si Ryco kasi ang tipo ng lalaki na din nawawalan ng babaeng nilalandi. Sa two years kong pagiging manager nila dun ako nahihirapan sa kanya, sa pagiging babaero nya. Kaya I was amaze ngayong nagbabago sya for Nami. Maybe gusto nya talaga si Nami." Sabi ni Kezzia

Nakisali naman si Mari sa usapan "You know what I know Ryco for a long time. Yah babaero sya but still he knows how to respect girls. Kaya nga ang tagal ko syang naging crush but hindi nya ako gusto. He is the guy na willing mag effort for a girl na gusto nya talaga. I can say na maswerte din si Nami." Sabi ni Mari

"Oyy Mari, nagseselos na ko ha. Bakit ang gaganda ng sinasabi mo dyan sa EX crush mo. Sige sa kanya ka na." pagtatampo si Dion

"OMG Dion, don't tell me na nagseselos ka? halika nga dito, tapusin na naten tong mga decorations for Bell. Then mamaya ikaw naman ang ide-decor ko. " Sabi ni Mari

Yumakap si Dion kay Mari "Paanong décor bay an, mukhang nakaka excite. Gusto ko yan." Nakangising sabi nito sa dalaga

"Hey Ate Nami is it true? Sasagutin mo na dapat si Kuya Ryco kung hindi lang sumingot si Kuya Dion sa usapan nyo? Nakakakilig naman yun?" tanong ni Stela

Ngumiti si Nami kay Stela "Oo Stela, sasagutin ko na sana sya, pero nung sumingit si Dion sa usapan namen I realized na hindi ito ang tamang oras at tamang lugar for that. Kasi nandito tayo para kina Bebe at kay Bell at hindi para sa amin ni Ryco." Sagot nito

"Poor Kuya Ryco, look at him Ate Nami ang sad nya. Kung sinagot mo sya, first BF mo sya?" sabi ni Stela kay Nami

Namula ang mukha ni Nami "Oo Stela, sya ang magiging first boyfriend, and I want him to be my first and last. Ganon ko sya ka gusto, hindi man ako ang naging first GF nya gusto ako yung maging last." Nakangiting sagot nito

"Ang sweet mo naman talaga Ate Nami and nakakakilig kayo ni Kuya Ryco." Sabi ni Stela

"Sandali lang Stela, I will go to him muna. I will cheer him up para naman hindi na sya nagkakaganyan. Dapat lahat tayo masaya." Sabi ni Nami

Nilapitan ni Nami si Ryco at na upo sa tabi nito "Kanina nung sinundo mo ako sa bahay excited ka para sa surprise naten kay Bell. Bakit ngayon your acting like that, bakit ka nagmumuk mok dyan?" tanong nito

Napabuntong hininga si Ryco at humarap kay Nami "Sasagutin mo na sana ako, tayo na sana ngayon at may karapatan na sana ako sayo ngayon. kung hindi lang sumingit sa usapan ang hinayupak na Dion na yan."inis na sabi ni Ryco

"Ryco siguro kaya nangyari yun hindi pa oras para sagutin kita. Everything happens for a reason at sure ako may magandang reason kaya hindi yun natuloy. But I can assure you na ikaw, ikaw Ryco Miyagi ang nag iisang lalaking gusto ko." Nakangiting sabi ni Nami

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon