Chapter 65

446 20 9
                                    

"Mommy, Papa sa labas na muna po ako. masyado pong maingay dito at ayoko sa mga ingay. Tito Kenji nice to meet you po and thank you sa pag-process ng papers ko." Sabi ni Bryn at lumabas ng bahay

"Hey, bakit ka lalabas? Ayaw mo ba ako kausap?" maktol ni Empress

Lumingon si Bryn sa dalaga "Oo ayokong makipag usap sayo. Napaka ingay mo, nakakabingi ka." sabi nito

Napanguso naman si Empress sa sagot ng binata "Nakaka inis ka naman, akala mo hindi nakakasakit ng feelings yung sinabi mo." Sabi nito

Muling lumingon si Bryn "Bakit naman masasakat ang feelings mo? Nagsasabi lang naman ako ng totoo and hindi naman ako si Ryan na crush mo para masaktan ka. Kaya dyan ka na." sabi ni Bryn at tuluyan ng lumabas

Tumayo si Hanamichi "Mr. Substitute gumagabi na din, magpapaalam na kami. Salamat sa pag-process ng papers ni Bryn. At salamat Empress dahil pinakain mo kami. Pagniligawan ka ni Bryn sasagutin mo ha." Sabi ni Hanamichi at tinapik sa balikat si Empress

"Fujima were going, nice to meet you and your daughte. Empress thank you sa food nabusog ako and take care of my son soon. Chat me pag nanligaw na sayo si Bryn. Babalik na kasi ako sa UK sa makalawa." Nakangiting sabi ni Bianca at niyakap si Empress

Namula naman ang mukha ni Empress "Your welcome po Tita at Tito, but hindi naman po mangyayaring magugustuhan ako ng anak nyo. Mukha nga pong hindi sya komportable at inis na inis sya sa akin. Mag iingat po kayo sa pag uwi." Nakangiting sabi ni Empress

"Sakuragi and Bianca mag iingat kayo. Pasensya na kayo sa kaingayan at kagaslawan ng anak ko. Paki sabi din kay Bryn pasensya na. I will call you as soon na maayos ang mga documents." sabi ni Fujima

Lumabas ng bahay sina Hanamichi at Bianca, nakita nila si Bryn na nakasandal sa kotse nya habang nagse-cellphone. Nang makita sila ni Bryn agad na sumakay ito sa kotse nya. Lumabas din sina Fujima at Empress para ihatid ang mga ito.

"Papa I will come with Mommy po, sa condo nya muna po ako matutulog. Gusto ko po silang makasama ni Bell bago sila bumalik sa UK." Sabi ni Bryn Kay Hanamichi habang nakasilip sa bintana ng sasakyan nya

"Sige Bryn, mag iingat ka sa pagda-drive. Bianca mauna na ako, salamat."paalam ni Hanamichi at sumakay sa sasakyan nya

Nagsimulang mag-drive sina Hanamichi at Bryn, sa pag alis nila nakatanaw naman sa kanila sina Fujima at Empress. "Bye Bye po, ingat po kayo." Paalam ni Empress

"Empress what do you think about Bryn? Mukhang mabuting syang bata at mature pang mag isp. Do you like him?" tanong ni Fujima

"Papa si Ryan po ang crush ko, crush ko na po sya since junior high at hindi po yun magbabago. Hindi ko po gusto di Bryn. I was just amaze na sya yung endorser ng sepak takraw staff, yun lang po yun." Sagot ni Empress at pumasok na ng bahay, ngumiti naman si Fujima at sumunod sa pagpasok ng anak



Sa kotse habang nagda-drive si Bryn nakangiti si Bianca sa tabi nito "Why are you smiling Mom?" tanong ni Bryn sa mommy nya

"Bawal ngumiti?" sagot ni Bianca

Napahinga ng malalim si Bryn "Mommy, I know you. Alam kop ag may kung anong iniisip ka. at sure ako sa mga ngiti mong yan may iniisip kang kaka iba." Sabi nito

"Hmmmmmm, I like Empress, she's very sweet and cute. How about you?" nakangiting sabi ni Bianca

"I don't like her, she's such a spoiled brat and napaka ingay nya. Nakita mo mom kung paano sya kumandong sa akin at hinubaran pa ako. hindi man lang sya nahiyang gawin sa akin yun kababaeng tao." Naiinis na sabi ni Bryn

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon