Chapter 137

301 19 4
                                    

Tumayo si Mito sa kinatatayuan nito at nag tungo sa gitna. Pumito ito hudyat na magpapatuloy na ang laro. Dahil dito tumayo na si Hanamichi kasama sina Ryco, Rukawa, Toby at Dion. Sa kabila naman ay sina Bryn, Yuan, Mitsui, Kiyota at tatayo na sana si Sendoh ng pinigilan sya ni Miyagi "Sendoh ako naman ang maglalaro. Gusto kong masubukan kung gaano na kagaling si Ryco." Sabi ni Miyagi at saka tumayo

"Yung anak mo? Mahusay sya at mabilis, hindi dapat sya maliitin dahil isa lang syang high school. Hmmmm hindi na panghigh school ang paglalaro nya." Sabi ni Sendoh at saka naupo sa bench

Natanaw naman ni Ryco ang pag upo ni Sendoh at pagpasok ng Daddy nya sa loob ng playing court, napangiti ito."Ayos, mukhang maglalaro na si Papa, matagal ko na syang gustong makalaban sa ganitong laro." Sabi ni Ryco sa isip nya na lalong ginanahan

"Magpapatuloy na tayo, simula na ng second half." Sigaw ni Mito habang hawak ang bola,

"Ref magpapalit kami ni Sendoh." sabi ni Miyagi kay Mito, tumango naman si Mito. Sa pagpapatuloy ng laro depensa ang team nina Hanamichi at opensa naman ang team nina Miyagi, iniabot ni Mito ang bola kay Yuan. Sa pag abot ni Yuan ipinasa nya ito kay Miyagi.

"OMG si Coach, ang lakas talaga ng dating nya. Nakaka-inlove talaga sya." Kinikilig na sabi ni Kezzia habang nakatingin kay Miyagi

Nag-dribble ito habang naglalakad at seryosong titingnan si Ryco, "Papa hinahamon mo ba ako? gusto ko yan." Nakangiting sabi ni Ryco sa isip nya at nagsimulang bantayan ang kanyang ama.

"Napakagaspang talagang maglaro ni Ryco, mahigpit syang magbantay at tyak pag pinilit kong makalusot mapa-foul ako. napaka-utak nya sa loob ng court. Pero may mas uutak pa ba sa akin, anak lang kita." Sabi ni Miyagi sa isip nya at binilisan ang pagdi-dribble, pumusisyon sya sa kanan para magpasa ng bola kay Yuan nasinundan agad ni Ryco. Pero agad na bumalik si Miyagi sa kaliwa at saka tumakbo papalapit sa ring, dahil mas maliit sya kay Ryco madali nya itong nalusutan. Sa paglapit ni Miyagi sa ring agad syang binantayan ni Hanamichi at Rukawa.

"Sige itira mo yan bansot na kulot" sigaw ni Hanamichi

"Gung gong galingan mo ang pagbabantay." Sabi ni Rukawa

Pero agad na ipinasa ni Miyagi ang bola sa likoran nya kung saan nakaabang si Yuan. Mula sa kinatatayuan ni Yuan agad itong tumalon at tumira ng jump shot.PASOK! "All right!" sigaw ni Yuan at nakipag high five kay Miyagi

"OMG mahihimatay ako, ang galing maglaro ni coach." Namumulang sabi ni Kezzia sa kinauupuan nya

"Kezzia lakas talaga ng tama mo sa Daddy ni Ryco, si Toby kaya ang panoorin mo. Ang tanda tanda na ni Tito Miyagi." Sabi ni Mari

"Mari, iba si Toby at iba talaga si coach. Pag niligawan ako ni coach iiwan ko talaga si Toby." Sabi ni Kezzia

"OMG Kezzia, ewan ko sayo." Napapa iling na sabi I Mari

"Mahusay ka Yuan, hindi ko akalain maiitira mo agad yun matapos mong saluhin." Pagpuri ni Miyagi

"Syempre naman po Coach, isang henyo at isang super star po ang nagtrain saken sa paglalaro ng basketball. At syempre meron ako gwapong gwapong Papa AHAHAHAHHA" sabi ni Yuan

"Hindi ko talaga alam kung anak ba ni Mito ang isang yan o anak ni Sakuragi. Ang yabang at ang lakas mang Alaska." Natatawang sabi ni Sendoh habang naka upo at nanonood

"Nalusutan ni Miyagi ang anak nya, iba talaga paghindi tumitigil sa paglalaro. Dahil isang coach si Miyagi napanatili nya ang bilis at husay nya sa paglalaro. Di gaya kong mukhang kinalawang na, hindi ko alam kung kaya ko pang makipagsabayan sa mga batang iyan." Sabi ni Fujima

Nagpatuloy ang laro, opensa naman sina Hanamichi at depensa ang kabila. "Daddy ako naman ang bantayan mo." Paghahamon ni Ryco sa ama

"Mayabang kang tukmol ka, nalusutan na kita kanina. Ngayon aagawan naman kita ng bola." Sabi ni Miyagi

"Mayabang ba sya Kulot, syempre anak mo ang sangganong gubat na yan. Edi nagmana lang sayo.WAHAHAHAHH" sabi ni Hanamichi

Nag-dribble si Ryco ng mabilis at pinakitaan ang Papa nya ng mabilis ang napakahusay na ball handling. Lahat ay humanga sa galing ni Ryco sa pagdi-dribble "Hindi ko akalaing ganito na sya kagaling. Palibhasa laging mali nya ang napupuna at nakikita ko. Hindi ko nakikita ang mabubuting nangyayari sa kanya, pati si Sendoh napahanga nya." Sabi ni Miyagi sa isip nya

"Dad ano na, akala ko aagawan mo ako?" nakangiting sabi ni Ryco at biglang pinatalbog ang bola sa pagitan ng mga hita ni Miyagi, sa likod ni Miyagi ay nakaabang si Toby, nasalo ni Toby ang bola pero dahil alam nyang lilitaw si Yuan agad nya itong ipinasa kay Hanamichi na nasa ilalim ng ring. Nasalo ni Hanamichi ang bola na agad namang binantayan ni Bryn. Nagharap sila at nagtinginan mata sa mata.

"Nagkatapat nanaman ang mag ama." Sabi ni Maki

"Magkamukha pala sila lalo sa mga mata. Pati katawan nila pareho ang porma, lumaki si Bryn na kasama si Jin at malayo kay Sakuragi paero hindi maiitanggi sa pisikal nyang anyo na anak sya ni Sakuragi." Sabi ni Fujima

"Tama ka dyan Fujima. Pati sa lakas ng loob at kumpyansa sa sarili nakuha yun ni Bryn kay Sakuragi. Ang swerte naman ng anak mo dahil si Bryn ang boyfriend nya." Sabi ni Sendoh

"Mas maswerte yang pangahas na Bryn nay an dahil gusto sya ng anak ko. Wala akong paki alam kung model at mayaman yang Bryn nay an, lalong wala akong paki alam kung anak sya ni Sakuragi dapat maging mabuti syang lalaki kay Empress." Sabi ni Fujima

Balik sa playing court, tinitigan ni Bryn si Hanamichi sa mata "Gagamitin kaya ulit ni Papa ang killer eye nya. Dapat akong humanda at magfocus dahil baka muli nya itong gamitin. Hindi nya na ako malulusutan sa pagkakataong ito." Sabi ni Bryn sa isip nya habang nakatingin sa mga mata ng ama

"Aba bantay sarado ako, ang laki din pala ni Bryn. Nanghihinayang ako sa mga panahong nalayo sya sa akin at hindi ko sya nasubaybayan. Pero ngayon babawi ako sa kanya at ituturo ko sa kanya ang lahat ng aking nalalaman, lalo pagdating sa basketball." Sabi ni Hanamichi sa isip nya

Habang hawak ni Hanamichi ang bola itinataas nya ito "waah!" sabi nito, agad na sinundan ito ni Bryn ngunit ibinaba ito ni Hanamichi at dinala sag awing kanan "Waah" sabi ni Hanamichi at muling sinundan ni Bryn, at sa pangatlong pagkakataon ay sa gawing kaliwa naman ni Hanamichi dinala ang bola "Bryn ang tawag dyan ay fake.WAHAAHAHAHH" sabi ni Hanamichi

"Fake?" sabi ni Bryn at nakangiting tumango si Hanamichi

Habang hawak ni Hanamichi ang bola sinundot ito ni Yuan mula sa likod dahilan para tumalsik ito na agad namang nasalo ni Kiyota. "Nice pass Pree" sigaw ni Kiyota at nag-dribble pabalik sa court nila

"Waaaaaaaaaaaaaaaaa ikaw na Yuan ka, ako ang nagturo sayong magbasketball, bakit kinakalaban mo na ako ngayon." sigaw ni Hanamichi at nagsimulang tumakbo

"Gung gong talagang magkalaban kayo ngayon. puro ka kasi kalokohan." Sabi ni Rukawa

"Sakuragi hindi ka ba nahihiya sa anak mo? Puro ka kalokohan." Sabi ni Mitsui habang tumatakbo

"Fake pala yung ginagawa ni Papa kanina, akala ko naman kung anong basketball skill nanaman. Kahanga hanga talaga si Papa." Sabi ni Bryn sa isip nya

Nagdribble si Kiyota at ipinasa kay Miyagi na nasa point guard line. Agad na pumusisyon sina Hanamichi, Rukawa, Dion sa ilalim ng ring, bahagyang lumapit si Miyagi pero ng nasa ilalim na ng ring ang lahat agad nyang ipinasa kay Mitsui ang bola na nasa three point line. Nasalo ni Mitsui ang bola at agad na itinira, PASOK! Agad na naghigh five sina Miyagi at Mitsui

"Nagsama sina kulot at bungal. Iba talaga ang team work ng dalawang yan." Sabi ni Hanamichi

"Wala pa ring kupas ang MVP super star na si Mitsui. Kahanga hanga sya," sabi ni Fujima

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon