Chapter 54

314 20 4
                                    

Inihagis ng referee ang bola, umabot ang bola sa pinakamataas na posisyon nito ay sabay tumalon sina Jun at Ken. Unang natapik ni Jun ang bola, nasalo ito ni Bryn at akmang magdi-drible pero biglang lumitaw si Yuan at tinatik ang bola pataas. "Sorry Kuya Bryn pero hindi pwede yan." nakangiting sabi ni Yuan

Nakaabang naman si Toby at sinalo ang bola sabay pasa sa nakaabang na si Ryco "Captain" sigaw ni Toby nasalo ni Ryco at agad na nagdribble papunta sa court nila, nakaabang sa ilalim si Dion. Ipinasa ni Ryco ang bola kay Dion, nasalo ni Dio at dahil matangkad madali para sa kanyaang idakdak ang bola. Idi-dunk ni Dion ang bola, PASOK! 2 – 0 ang score. Nagsigawan ang mga fans ng Shohoku.



Sa bench ng Kainan "Babe ang galing galing mo, kinikilig ako." sigaw ni Mari matapos i-dunk ni Dion ang bola

Napatingin naman si Maki sa anak "Mari sa pagkaka alam ko nandito ka sa bench ng Kainan, baka nakakalimot ka lang." sabi ni Maki sa anak

"Kinilig lang talaga ako coach, first time ko kasing mapanood si Dion sa official game." Kinikilig na sabi ni Mari



Sa audience "Hindi yun ang mga posisyon nila nila. Pero maganda ang kombinasyong ginawa ng Shohoku." Sabi ni Sendoh

"Ang tangkad ng uhuging anak mo Mitsui para sa isang sophomore, at lakas dumakdak. Walang basta basta makakapagbantay dyan sa lakas at laki." Sabi ni Hanamichi

"Wag na kayong magtaka, pamangkin yan ni Akagi kaya sa laki at lakas nakuha nya kay Akagi. Shooting guard man ang posisyon nya na namana nya sa akin, kaya nya ding maging power forward na namana nya kay Akagi." Sabi ni Mitsui

"Ang mga anak nyo gung gong at unggoy, anong gagawen ng mga yan sa larong ito? Magkakalat lang ba?" tanong ni Rukwa habang nakatingin kina Kiyota at Hanamichi

"Pree nagsisimula pa lang ang laban, maghintay ka at maya maya papakitaan ka na ni super rookie kong anak." Sabi ni Kiyota

"Ang totoo ngayon ko lang mapapanood si Bryn. Hindi ko alam kung saan sya magaling, pero sabi nya sa akin isa din syang power forward tulad ko." Sabi ni Hanamichi

"Ang galing din kasali lahat ang mga anak naten sa mga starting member at nagkaharap harap sa isang laban." Nakangiting sabi ni Mito



Balik sa playing court, nagdi-dribble si Harvey point guard ng Kainan. Binilisan nya ang pagdi-dribble at tumakbo, sinalubong sya ni Ryco at naagaw ni Ryco ang bola. Agad na nag overhead pass si Ryco papunta kay Ken na nakaabang sa ilalim pero biglang tumalon si Bryn at nakuha ang bola. Nag-dribble si Bryn papunta sa side ng Kainan. Ipinasa nya kay Nash ang bola na nasa ilalim pero agad itong binantayan nina Toby at Yuan na agad na nakatakbo papunta sa Kainan side. Ngumiti si Nash at itinaas ang bola sabay hagis ng mataas papunta sa ring "Sorry mga Tol" sabi ni Nash, nasalo ito ny Bryn sabay dunk ng bola. 2 -2 and score

After i-dunk ang bola ay naghigh five sina Nash at Bryn "Nice pass." Sabi ni Bryn

"Ang galing mo Bryn hindi ko alam na masasalo mo pa yun sa taas na iyon." Sabi ni Nash



Sa audience ay naghigh five din sina Hanamichi at Kiyota "Nakita nyo yun? Dalawa ang nagbabantay sa anak ko, yung mga anak nyo Rukawa at Mito pero matagumpay pa din syang nakagawa ng magandang pasa." Pangyayabang ni Kiyota

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon