Pumasok sina Hanamichi, Mitsui at Dion sa bahay. Pinuntahan ni Hanamichi si Nami na noon ay kasalukuyang nasa kwarto nya.
"Princess lumabas ka muna dyan, may ihuging gusto daw bumisita at manliligaw sayo.." Inis na sabi ni Hanamichi sa anak
"Papa? Tama ba ang narinig ko? May gustong bumisita at manligaw saken?"nakangiting tanong ni Nami
"Oo Princess at bakit mukhang tuwang tuwa at kinikilig ka?" tanong ni Hanamichi
Ngumiti si Nami "No Papa, hindi po ganon. Kahapon po kasi pumayag na kayo na wag na ko bantayan nina Toby at Bebe, tapos ngayon payag ka na may bumisita at manligaw saken?" tanong nito
Napabuntong hininga si Hanamichi "Syempre Princess ayoko. Ayokong kung sino sinong lalaki ang lalapit sayo. Pero hindi ko naman mapipigil ang mga bagay na natural na mangyayari sa edad mo. Bakit kasi ang bilis mong lumaki, nagdadalaga ka na, may mga gusto ng manligaw sayo at agawin ka sa Papa mo." Pagdadrama nito
Niyakap ni Nami si Hanamichi "Papa walang aagaw saken. Ikaw ang first love ko at pag ayaw mo sa guy ayaw ko na din. Sa lahat po ng decisions ko kailangan po ang pagsang ayon mo." Nakangiting sabi nito
"Mahal na mahal kita anak, kaya pumapayag ako. Gusto kong maranasan mo ang mga bagay na normal lang sa edad mo. Pero pag may nagtangkang saktan o paiyakin ka mananagot talaga sila.Titirisin ko silang isa isa." Seryosong sabi ni Hanamichi
"Papa strong girl to, mana ako sayo at kay mama. I will never allow anyone to hurt me." Nakangiting sabi ni Nami
Ngumiti si Hanamichi "Sige na puntahan mo na yung uhuging manliligaw mo, baka sapakin ko pa yun." Utos ni Hanamichi
"Sino po ba yun Papa?" tanong ni Nami
Nakaakbay si Hanamichi kay Nami ng lumabas ang dalawa sa kwarto ng dalaga. "Ayan sya anak, kilala mo ba ang uhuging yan?" tanong ni Hanamichi sa anak
"Opo Papa, I know him po." Sagot ni Nami
"Mitchi ito ang nag iisang Prinsesa ng mga Sakuragi. Anong masasabi mo?" tanong ni Hanamichi
"Pare di maiikailang anak mo sya, sa kulay palang ng buhok at tangkad nya. Pero ang ganda nya ay namana nya sa kanyang ina na si Kumi. Napakaganda nya Pare, kaya naman pala gustong gusto sya ni Dion." Sabi ni Mitsui
"Hindi lang maganda ang anak ko, matalino, mabait at magaling din yang maglaro ng basketball. Kaya ikaw uhugin ka wag kang magkakamali dahil titirisin talaga kita." Sabi ni Hanamichi
"Opo Sir. Makakaasa po kayo. Good afternoon Nami, flowers for you." Bati ni Dion sabay abot ng bulaklak kay Nami
Namumulang tinanggap ni Nami ang bulaklak "Thank you Dion. Have a sit." sabi nito
Naupo ang dalawa, pero naupo din si Hanamichi sa gitna nila at nagcross arm. Dahil dito nakaramdam ng matinding kaba si Dion at hindi na makapagsalita.
"Papa..." sabi ni Nami
Ngumiti si Hanamichi kay Nami "Sinong gusto mong katabi ako o yang uhuging yan?" tanong nito
"Syempre ikaw Papa." sagot ni Nami
"Okey sige mag usap na kayo. Ikaw lalaki manligaw ka na, tingnan naten ang galing mo." Sabi ni Hanamichi habang naka upo pa rin sa pagitan ng nina Dion at Nami. Kahit nandun din ang Daddy nyang si Mitsui ay pinagpapawisan na si Dion dahil sa kaba at takot kay Hanamichi.
Natawa si Mitsui "Paano naman kaya makakapag usap yang dalawa at paano makakadiskarte si Dion na nandyan ka? Gung gong ka talaga." Sabi nito
"Aba Mitchi sa ganda ng anak kong to di ko sya pwedeng iwan sa tabi ng manyakis mong anak." Sagot ni Hanamichi
"Oi Pare uulitin ko, hindi manyakis ang anak ko. Halika na nga, hayaan mo silang dalawa dyan. Napaka kill joy mo naman." Sabi ni Mitsui
"Mitchi napakakunsintidor mo talaga sa anak mo. Pag yan may ginawa kay Nami ibabaon ko talaga sa lupa ng buhay yan." Banta ni Hanamichi
"Wag ka ngang OA pare. Halika na, walang gagawin si Dion sa kanya lalot nasa pamamahay mo sya." Nakangiting sabi ni Mitsui
Napabuntong hininga si Hanamichi at tumayo "Oi uhugin umayos ka ha." Sabi nito at sumamang lumabas kay Mitsui
"Makakaasa po kayo Sir." Namumutlang sabi ni Dion, lumabas si Hanamichi kasama ni Mitsui,kaya nakahinga naman ng maluwag si Dion
Ngumiti si Nami kay Dion "Dion why are you here nga pala?" tanong nito
"Nami bago ko sagutin yang tanong mo I need to breath. Grabe ang Papa mo, nakakatakot sya. Parang malayo sya sa nakukwento ni Papa." Sabi ni Dion
Natawa si Nami "Si Papa nakakatakot? Hindi ah. Napakabait ni Papa at mapagmahal.." Sabi nito
"Siguro nga I need to know him better at dapat din nya akong makilala para makuha ko ang tiwala nya. Para ipagkatiwala ka din nya saken." sabi ni Dion
Napangiti si Nami "Dion ano ba?" kinikilig na sabi nito
Ngumiti si Dion "Nami kaya kami nandito ni Dad ay dahil gusto kong magtapat sayo. I like you Nami. Alam kong iilang araw pa lang tayong makakilala at hindi pa kita ganon kakilala pero I like you. Sana pumayag kang manligaw ako sayo." Sabi nito
"Hmmmmm ano bang sabi ni Papa? Did you tell him ba?" tanong ni Nami
Tumingin si Dion sa mga mata ni Nami "Oo Nami, nagpaalam ako sa kanya na manliligaw ako sayo. Sabi nya ikaw daw ang magdi-decide kung papayag ka o hindi. Nami hindi naman ako nagmamadali, basta bigyan mo lang ako ng chance at papatunayan ko ang sarili ko sayo." Sabi nito
"Ano bang gusto mong isagot ko?" tanong ni Nami habang nakatingin sa mga mata ni Dion
Napangiti si Dion "Gusto kong pumayag kang manligaw ako sayo." Nakangiting sabi nito
"Sige Dion,m, I will give you a chane. Pumapayag akong manligaw ka saken." Nakangiting sabi ni Nami
Nakangiting napakagat si Dion sa lips nya "Thank you Nami, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya. Gusto kitang yakapin pero baka sapakin ako ng Papa mo. Gagawin ko na lang yun pag may karapatan na ko. Nami I will give you all the respect and love you deserve. I love you Nami." Sabi nito
BINABASA MO ANG
Ball of Love
Hayran KurguLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...