Nag usap sina Maki at Kiyota kung pareho ang naiisip nila. Nag iisip na din sila ng paraan kung paano nila pagbibigyan ang gusto ni Bryn na makilala si Hanamichi.
"Pree chismis ba ang naiisip ko? O pareho lang tayo ng naiisip?" tanong ni Kiyota kay Maki
Napahinga ng malalim si Maki "Sa palagay ko pareho tayo ng naiisip ngayon. gusto kong makausap si Jin, pero busy daw sya. Nag email lang sya saken na ako na daw ang bahala kay Bryn pagdating nito dito sa Japan. Hindi kasi nagrereply si Bryn sa kanya. Mukhang may hindi pagkaka unawaan ang dalawa." Sabi ni Kiyota
"Pero wala syang nabanggit tungkol sa alam mo na? tungkol kay Bryn. Tungkol kay unggoy. Kung anong koneksyon ng dalawa." Tanong ni Kiyota
"Meron, sabi ni Jin bata pa lang si Bryn tinuruan nya na itong magbasketball, tulad nya gusto ni Jin na maging mahusay na shooting guard si Bryn. Pero kahit anong gaweng practice o training ni Jin dito lagi ang pagiging mahusay na power forward ang lumalabas na talent ni Bryn. Sa tingin ko yun ang dahilan ni Jin kaya hindi sya nanonood sa mga laro ni Bryn." Sabi ni Maki
"Hindi nanonood si Jin sa mga laro ni Bryn dahil nakikita nya si unggoy kay Bryn? Tama ba ako Pree?" tanong ni Kiyota
"Maaring ganon. Kahit mabait ang isang tao at tanggap nya ang mga nangyayari sa paligid nya minsan may mga bagay na masakit pa ring tanggapin." Sabi ni Maki
"Sa tingin mo may problema sina Jin at Bryn? Bakit hinayaan nina Bianca at Jin na magtravel mag isa yan?" tanong ni Kiyota kay Maki
"Mukhang matalinong bata si Bryn, maaga nyang narealize na may mali sa pagkatao nya. Kahit ang matagal ng sekreto nina Jin at Bianca nahalata nya. Sanay syang magtravel mag isa dahil sa pagmomodel nya. Anong gagawen naten Kiyota? Gusto ko syang pagbigyan na makilala si Hanamichi para masagot na ang mga tanong nya. Pero tyak na maapektohan ang pamilya ni Hanamichi, hindi naten alam ang pwedeng maging reaction ni Kumi kung tama ang iniisip naten." Sabi ni Maki
"Oo nga Pree pamilyado na si Unggoy. Anong gagawen naten. Pero kawawa naman si Bryn kung mauuwi lang saw ala ang pagpunta nya dito. " Tanong ni Kiyota
"Kung may problema sina Jin at Bryn dapat magka ayos muna sila. Bago naten sya pagbigyang makilala si Hanamichi." Sabi ni Maki
"Kung tama ang iniisip ko na anak ni Unggoy si Bryn, ang swerte ni unggoy. Ang bata pa ng anak nya pero ang yaman na." sabi ni Kiyota
"Gung gong, sa pagkakakilala ko kay Hanamichi kalian man hindi naging mahalaga sa kanya ang pera. Kaibigan, pamilya at basketball ang mahalaga sa kanya." Sabi ni Maki
"Bryn halika dito." Tawag ni Kiyota
Lumapit si Bryn kina Maki at Kiyota "Yes? Kailan nyo po ako sasamahan para makilala ko si Hanamichi Sakuragi?" tanong nito
"Pagbibigyan ka namen sa gusto mo pero replayan mo muna ang Daddy mo. May mga email daw sya sayo na hindi mo sinasagot. Pag nagkaayos kayo ni Jin, ipapakilala ka namen kay Hanamichi." Sabi ni Maki
"Okay naman po kame ni Dad, wala na po kameng dapat pag usapan." Sabi ni Bryn
"Hanggat hindi mo sinasagot ang mga email ni Jin wala kang maaasahan sa amin." Sabi ni Kiyota
"Damn! Sige I will read his email pero siguraduhin nyong dalawa na sasamahan nyo ako bukas." Masama ang tingin na banta ni Bryn at pumasok na sa kwarto nya
"Pree walang duda, lumaki sya kasama si Jin pero nangingibabaw pagiging balasubas nya. Pagbantaan ba naman tayo. At yung mga mata nya kay unggoy talaga." Sabi ni Kiyota
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...