After kumain ay ngumiti si Bryn kay Nami "Baby sister shall we? Ready ka na mag-shopping?" tanong nito
"The question is ready na ba yang wallet mo? Dahil kuya kita hindi ako mahihiya at ipabibili ko sayo lahat ng gusto ko." Sabi ni Nami
"Nami nahihinaan ka ba sa isang Bryn Jin, ay Bryn Sakuragi pala. Tara na kahit bilhin mo ang buong mall kaya ko." Mayabang na sabi ni Bryn
Kinatusan naman ito ni Hanamichi "Ubod ka ng yabang, kanino ka ba nag mana?" inis na sabi nito
"Papa bakit po kay Nami your so sweet, sa akin napaka brutal mo? Hindi ka ba natutuwa na may anak kang tulad ko? Akala ko proud ka to have me." Nakakalokong tanong ni Bryn
"Gung gong, wag kang magdrama. Di bagay sayo." Nakangising sabi ni Hanamichi
"Papa you look totally the same, yun nga lang hindi kuripot si Kuya. So don't ask kung kanino sya nagmana dahil it's obvious na sayo." Mataray na sabi ni Nami
Nagtungo ang tatlo sa mga boutique na gusto ni Nami at namili ng mga damit at items na gusto nya. Lahat ng gusto nya ay binili ni Bryn pero dahil parehong lalaki ang kasama walang makatulong kay Nami sa pagpili ng bagay sa kanya at magandang style ng damit para sa dalaga. Kahit model si Bryn ang tanging alam nya ay sa panglalaki.
"Kuya which one will I pick? Alin ba dito ang maganda?" tanong ni Nami habang hawak ang dalawang dress na pinagpipilian nya
Napakamot ng ulo s Bryn "I really don't know Nami, kunin mo na lang pareho if you want. I will pay na lang." sagot ni Bryn
"Isa lang ang gusto ko, Papa ikaw alin po ang mas maganda at mas bagay sa akin?" tanong ni Nami kay Hanamichi
Namula naman ang mukha ni Hanamichi "Princess diba sabi mo kanina wag akong makiki alam sa pagsya-shopping mo. Edi bahala ka dyang mamili." Sagot nito
Napahinga naman ng malalim si Nami "Dapat talaga kasama si Mama pag mga ganito. Nakaka inis kayong dalawa." Sigaw ni Nami at napatawa naman ang mga sales lady na nag assist dito
Pumasok si Nami sa fitting room at nagsukat ng dress na hawak nya. Paglabas nya may hawak na jeans at t-shirt si Hanamichi "Princess ito alam kong bagay ito sayo. Sige isukat mo." Sabi ni Hanamichi
"Really Papa? Pero parang magmumukhang lalaki ako dito, pero sige po kung sa tingin nyo na bagay ito sa akin." Masayang sabi ni Nami at isinukat ang dala dala ni Hanamiching mga damit
Lumabas si Nami ng fitting room na suot ang jeans at tshirt na ipinasukat ni Hanamichi. May dala naman si Bryn na varsity jacket ng isang sikat ng NBA team "Ito Nami bagay na bagay ito sa suot mo." Sabi ni Bryn at iniabot kay Nami ang jacket
Napatingin naman si Nami sa varsity jacket at isinuot ito "Bagay ba? Bakit ganito? Para akong suman dito balot na balot? Para akong lalaki? Yung ibang girls na nakikita ko ang se-sexy, kita yung tyan at legs. Then ako ganito." Nakangusong sabi ni Nami
Napakamot naman sa ulo sina Bryn at Hanamichi. Nang biglang may nagsalita "Ano ba yan, this girl is so pretty then pagsusuotin nyo ng ganito?" sabi nito habang nakahawak sa balikat ni Nami
Napalingon si Nami sa nagsalita "Mama?" tanong ni Nami pero hindi ito si Kumi
"Mommy"gulat sabi ni Bryn
"Bianca" sabi ni Hanamichi
"Hi boys, bakit parang nakakita kayo ng multo? Napakagandang multo ko naman." Sabi ni Bianca
Yumakap si Bryn kay Bianca "Mommy what a surprise? Bakit po di mo sinabing pupunta ka dito sa Japan. Sana po nasundo kita." Sabi nito
"Ahhh your so sweet talaga anak. Hindi ko talaga sinabi, gusto kitang masurpresa. At ikaw Mr. Sakuragi it's been a while. Still looking good. Look at this guy, he is our son." Nakangiting sabi ni Bianca
"Bianca hindi ko inaasahan ang muli nateng pagkikita. Ang ganda mo pa rin, walang pagbabago sayo. May mga bagay tayong pag usapan. Tungkol kay Bryn at sa ginawa mong pagtatago sa kanya." Sabi ni Hanamichi
"Chill, masyado ka nanamang mainit, palibhasa nakita mo nanaman ang ganda at kasexy-han ko. By the way is she your daughter? Ang pretty nya, pasadong model to kung papayagan mo." Sabi ni Bianca kay Hanamichi
"Ah, oo maganda talaga yan, anak ko yan eh. Pero hindi ko papayagang magmodel yan. Bianca meet my Princess, Nami Sakuragi. Anak namen ni Boss."pagpapakilala ni Hanamichi kay Nami
"Nami meet my wonderful Mommy Bianca Smith Jin." Pagpapakilala naman ni Bryn kay Bianca
"Bryn sure ka ba? Sya ang mommy mo, bakit mukhang ka age lang naten sya." Tanong ni Nami
"Wow ang sweet mo naman Nami, talaga? Ganon ba ako ka ganda sa paningin mo? Yah ako ang mommy ni Bryn and once upon a time minahal ko ng sobra yang Papa mo," sabi ni Bianca
"Bianca" namumulang sabi ni Hanamichi
"Hi po Tita Bianca, ang ganda nyo naman po." Sabi ni Nami
"Thank you Nami, you're so sweet. Hubarin mo nga yang mga pinasuot sayo ng mga jologs na yan. Ako ang bahala sayo, ako ang pipili ng mga damit na bagay sa beauty mo." Sabi ni Bianca at sinamahan si Nami na mamili ng mga damit
"Really po Tita? Tutulungan mo akong mamili ng mga bagay saken, I want to be like you maganda ang sexy po. Kasi po gusto kong maging laging maganda sa paningin ni Ryco, nung manliligaw ko." Sabi ni Nami
"You're really sweet Nami, pero your beautiful na at sure akong lagi kang maganda sa paningin ng lucky guy na yun.. Try mo yung mga damit na gusto din ni Bell, lets go." Pag aaya ni Bianca at masaya namang sumama si Nami dito
"Papa ganda ni Mommy, diba diba, then ang sexy pa.?" pang aasar ni Bryn kay Hanamichi
Kinatusan ni Hanamichi si Bryn "Tumigil ka dyan, oo maganda sya pero may asawa na ako at may asawa na din sya kaya wag kang malandi dyan." Sermon ni Hanamichi
"Papa nakaka ilang batok ka na saken ha, sabi ko lang maganda at sexy. Anong malandi dun."nataatwang sabi ni Bryn
Nakatanaw naman si Hanamichi kina Nami at Bianca na masayang namimili at nagsusukat ng mga damit "Si Boss sana ang gumagawa nyan sayo Princess. Pero lagi syang busy, sana naman magka oras sya kay Nami kahit hindi na sa akin." Sabi ni Hanamichi sa sarili
Biglang hinila ni Bryn si Hanamichi at Bianca papalapit sa kanya "Can I have a photo na kasama ko po kayong dalawa? Mommy and Papa? Dapat pagbigyan nyo ako dahil this will be my first family picture." nakangiting tanong ni Bryn
Ngumiti naman si Bianca at tumango si Hanamichi "Nami if you don't mind can you take a photo of us?" tanong ni Bryn
"Sure kuya" sabi ni Nami, kinuha nya ang phone ni Bryn at kinunan ng picture ang tatlo sina Hanamichi, Bianca at Bryn, nasa gitna si Bryn at umakbay sa Mommy at Papa nya, "One more" sabi ni Nami, hinila naman ni Bryn si Bianca sa gitna at yumakap dito
"Nami isa pa, come join us." Sabi ni Bryn at nagtake ng picture with Nami, Hanamichi at Bianca
"Thank you Nami." Masayang sabi ni Bryn, agad nya itong ini-upload sa social media account nya.Una nyang ini-upload ang picture with Hanamichi, Nami at Bianca with a caption "THEY COMPLETE ME" at sunod ang photo nila ng Mommy at Papa nya with a caption "FINALLY! WITH THE BEST MODELS OF MY LIFE"
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanficLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...