Chapter 60

300 19 2
                                    

Masayang masaya si Hanamichi dahil sa wakas narealized na ng Kumi na mas mahalaga ang time sa pamilya kaysa carrer at sa kikitaing pera. Habang nagluluto si Kumi ay masaya silang nagkukwentuhan ni Hanamichi. Maya maya pa ay lumabas na si Bryn na nakapaligo na at suot ang damit galing sa guest room, lumapit si Bryn kina Kumi at Hanamichi.

"Good morning po Papa and Tita Kumi." Bati ni Bryn na nakakaramdam pa rin ng ilang kay Kumi

"Good morning Bryn, salamat sa paghatid mo sa amin ni Princess. Naikwento na saken ni Boss na ikaw ang naghatid sa amin ni Princess pauwi, hindi ko kasi maalala kung paano kami naka uwi. Kung hindi mo kami ipinag-drive malamang hindi kami naka uwi ng safe." Nakangiting sabi ni Hanamichi

"Kumusta ang tulog mo Bryn? Nakatulog ka bang mabuti? Do you want coffee?" tanong ni Kumi kay Bryn

"Okay lang po yun Papa, nakarami ka po ng nainom at hindi mon a kayang mag-drive. Kaya po sabi ni Mommy ihatid ko na kayo. And thank you po Tita Kumi for letting me sleep sa bahay nyo. Nakatulog po ako ng maayos at kumuha na din po ako ng damit sa closet. Thank you po." Sabi ni Bryn

"You're always welcome Bryn and soon dito ka na titira diba? Pag okay na ang mga papers mo at pagbumalik na si Bianca sa UK. Napag usapan na din namen ni Love na ayusin na yung isang guest room para yun ang maging room mo. Para ready na sa paglipat mo." Masayang sabi ni Kumi

"Tingnan mo kung alin sa dalawang guest room ang gusto mo anak. Mamaya mamimili tayo ng mga gamit para mailagay na at maiayos na ang kwarto mo." Sabi ni Hanamichi

"Thank you po Tita Kumi at Papa. Dun na lang po ako sa room na tinulugan ko kagabi at hindi naman po ako maselan sa gamit. Kung anong meron po sa kwartong yun okay na po saken." Nakangiting sabi ni Bryn

"Bakit naman Bryn? Paano ang mga gamit mo? Diba model ka? saan mo ilalagay ang mga stuffs mo?" tanong ni Hanamichi

"Papa nung umalis po ako ng UK para hanapin kayo iniwan ko nap o ang pagmomodel dun. Sabi ko po non sa sarili ko kung makikita ko ang biological father ko mamumuhay na ko ng simple kasama sya. Ipagpapatuloy kop o ang pagmomodel dito sa Japan kasama ka at pagbabasketball na rin sa Kainan habang nag aaral po ako." sagot ni Bryn

"Wow Bryn the way you talk para kang adult ha? And talagang naka-fix ang mga plano mo sa buhay mo sa bat among edad." Humahangang sabi ni Kumi

"Kasi po Tita nung 10 years old po ako nagstart na kong magwork as model. Lagi pong matatanda ang kausap ko at nakakahalubilo ko. And sabi po ni Mommy sa showbiz po laging may mga taong gustong mang lamang kaya dapat pong marunong akong kumilatis ng tao." Nakangiting sabi ni Bryn

"Nakuh Boss humahanga ka sa kayabangan nyan, lalo na siguro kung nakita mo yan nung meeting namen para sa endorsement ng jersey. Akala mo kung sinong napakataas na tao. Saksakan ng yabang ang hinayupak na yan." Kwento ni Hanamichi

Napatawa naman si Kumi "Mukhang well trained ka na sa mga ganong bagay. Mukhang ang Papa mo dapat ang turuan mo. Masyado kasi yang mabait at hindi marunong magreklamo." Sabi ni Kumi

"Boss sadyang ganon, kung anong offer tinatanggap ko. Malaki man o maliit ang talent fee, dahil nung kabataan ko nabuhay akong walang pera. Kaya bawat yen na kikitain ko mahalaga at ipinagpapasalamat ko." Sabi ni Hanamichi

Maya maya pa ay lumabas na si Nami ng kwarto nya "Good morning people, good morning Papa, Good morning Kuya Bryn. Aba Mama nandito ka? may sakit ka po ba?" sabi ni Nami

Natawa naman si Hanamichi sa reaction ng anak."Good morning Princess. Yan din ang reaction ko nung nakita ko si Mama mong nandito pa sa bahay at nagluluto. Balak ko na nga syang isugod sa ER kanina." Natatawang sabi ni Hanamichi

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon