Dahil sa sinabi nina KC at Jocel nakaramdam ng matinding hiya si Empress dahilan para mamula ang mukha nito at napahawak sa magkabilang pisngi nya "Nakatitig ba talaga ako kay Bryn? Bakit hindi ko namalayan o binibiro nanaman ako ng mga ito." Sabi ni Empress sa isip nya
Ngumiti naman si Bryn sa dalaga "Okay ka lang ba Empress? Pulang pula ang mukha mo, dala ba yan ng init ng araw? Heto uminom ka ng tubig baka kung anong mangyari sayo." Sabi ni Bryn
"OMG, sanay sa init ng araw si Empress at I think kaya namumula ang mukha nya ay dahil humahanga sya sayo Bryn." Sabi ni KC
"Ikaw na ang magkaroon ng model at hot na coach kahit naman siguro sino hahanga. I think kaya hindi rin maka-concentrate ang kalaban naten ay dahil sa kakatingin nila kay pretty boy." Natatawang sabi ni Jocel
"Players in" sigaw ng umpire senyales na tapos na ang time out, nagsibalikan ang mga players sa loob ng court para ipagpatuloy ang laro
Bago makabalik si Empress sa loob ng playing court ay inakbayan ito ni Bryn "I think ilalabas nila yung number three dahil marami na itong sablay. Pero ganon pa din ang gawen mo, dun mo papuntahin ang bola sa bagong ipapasok nila, tyak kabado pa yun at hindi makakafocus ng maayos." Instruction ni Bryn sa dalaga
Pero hindi naman naunawaan ni Empress ang sinabi ni Bryn dahil natulala nanaman sya sa binata "Ngayon na lang ulit kame nagkalapit ng ganito, grabe ang gwapo nya pala talaga at kahit kanina pa kame sa init ng araw ang bango bango nya." Sabi ni Empress sa isip nya
Napansin naman ni Bryn na natulala sa kanya ang dalaga kaya nginitiin nya ito para makabalik ito sa focus. "Empress ako lang to, si Bryn Sakuragi na binasted mo. Sige na balik ka na sa court at ipagpatuloy mo ang magandang game para manalo na kayo." Sabi ni Bryn at tinapik sa balikat ang dalaga
Ngumiti din si Empress at tumango "Opo Coach." Sabi nito at muling nagtungo sa loob ng court
"Empress bakit ikaw pa ang nagustuhan ko. Oo hindi ka kasing ganda at kasing sexy ng mga babaeng nakilala ko. Magaslaw ka din at parang lalaki, hindi ka mahinhin at napaka ingay mo. Pero sayo tumibok ang puso ko, sa dami ng babaeng sikat at mayayamang may gusto sa akin pero never nilang nakuha ng ganito ang atensyon ko. Napaka unfair ng buhay dahil lahat naman nakukuha ko pero bakit pagdating sayo bigo ako." sabi ni Bryn sa sarili habang nakatitig sa babaeng gustong gusto nya
Biglang may tumapik sa balikat ng binata, nilingon ito ni Bryn at nakita nya si Ryan "Bryn tapos na ang laro namen, panalo kame sa dalawang set. Naglalaro na ngayon ang second regu, pwede ka ng bumalik dun sa boys court. Ako na ang bahala dito." Utos ni Ryan
"Congrats Captain. Pwede naman sigurong dito muna din ako Captain? Hindi pa naman magsisimula ang third regu, pupunta na lang ako dun kung makakapaglaro ang third regu." Tanong ni Bryn
"Ako ang totoong coach nila at nandito na ako. hindi ka na kailangan dito. Pinaki usapan ka lang naman ni Coach Regie dahil naglalaro ako kanina." Sagot ni Ryan
Ngumiti si Bryn "Okay sige Captain. Mauna na ako." sabi nito at naglakad papalayo sa court
"Shoyo saan pupunta ang coach nyo?" tanong ng umpire ng matanaw ang papaalis na si Bryn
Lumapit si Bryn sa umpire at kinausap ito "Umpire nandito nap o ang coach nila kaya po magpapalit na kame." Sabi ni Bryn
"Hindi maaaring magpalit ng coach sa kalagitnaan ng game. Kaya kung ayaw nyo maDQ ikaw ang dapat tumayong coach hanggang matapos ang laro." Sabi ng umpire
Napa iling at walang nagawa si Ryan kundi hayaan si Bryn na manatili "Captain sorry pero hindi daw maaring magpalit tayo. Pero you can stay here with me, hindi kita paalisin." Mahinahong sabi ni Bryn
BINABASA MO ANG
Ball of Love
Fiksi PenggemarLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...