Chapter 163

184 19 13
                                    

KINABUKASAN

Maagang bumaba si Nami para mag agahan, sasama sya sa airport para ihatid si Ryco. Sa dining table nakita nya ang mama nyang nag iisang naghihintay sa kanya "Mama where is Papa and Kuya?" tanong nito

"Nami, tell me the truth anong nangyari last night. gusto ka namen tanungin ni Papa mo but nakatulog ka na agad pag uwi mo." Seryosong sabi ni Kumi

"Mama what are you talking about po? We just have fun po, opo uminom po kame pero ladies drink lang po ang ininom ko. sorry about that mama." Sabi ni Nami

"Not about that anak, anong nangyari sa Kuya Bryn mo?" tanong ni Kumi

"Si Kuya po? After the game po umalis po sya at nagpunta sa meeting nila. Sabi po nya kay Ate Empress mauna na ito at hahabol na lang sya. Pero hindi na po dumating si Kuya. Why mama may nangyari po ba sa kanya?" tanong ni Nami

"Si Bryn umuwi sya kagabi na galit na galit, kahit si Love hindi sya mapakalma. Sabi ni Love nakikita nya ang sarili nya kay Bryn nung mga oras na yun. Pero hindi nya sabihin kung ano ang ikinagagalit nya. " kwento ni Nami

"OMG how is Kuya? Asan po sya, I want to comfort him mama." Sabi ni Nami

"Kagabi matapos syang mapakalma ng Papa mo, nahimasmasan sya at hiniling kay Love na ihatid sya sa airport.Walang nagawa si Love kundi pagbigyan ang kahilingan ni Bryn. Pabalik na sa UK si Bryn sa mga oras na ito Nami." Sabi ni Kumi

"Po Mama umalis na po si Kuya? Hindi man lang po sya nagpaalam sa akin. Nakapagpaalam po ba sya kay Ate Empress." Sabi ni Nami

"Walang sinabing kahit ano si Bryn, at ayaw nya rin magkwento kaya inirespeto na lang ito ng Papa mo. Kaya I ask you kung anong nangyari kagabi pero mukhang pati kayo ng mga kasama mo walang alam tungkol dito." Sabi ni Kumi

Maya maya pa ay bumaba na si Hanamichi "Princess narinig ko usapan nyo ng mama mo.Medyo masakit pa ang ulo ko, wala pa akong tulog dahil inihatid ko si Bryn sa airport. Hanggang ngayon hindi ko alam kung anong nangyari kay Bryn, naawa ako sa anak ko dahil alam kong may pinagdadaanan sya. Mamaya pupunta ako kina Mr. Substitute." Sabi ni Hanamichi

"Tatanungin nyo po ba si Ate Empress?" tanong ni Nami

"Oo Princess, wala akong makuhang sagot kay Bryn. Ang tigas ni Bryn manang mana sya sa akin. Kaya magbabakasakali ako sa babaeng madaldal na yun." Sabi ni Hanamichi



Sa airport magkakasama ang lahat para ihatid si Ryco. Hindi napigilan ni Nami na i-kwento ang pag alis ni Bryn "You know last night something happened sa bahay. Umuwi si Kuya na galit na galit, mama and papa ask him kung anong nangyare but wala syang isinagot. And now his on his way going back to UK." Kwento nito

"What? Umalis na si Bryn?" gulat na tanong ni Kezzia

"Aalis naman talaga sya pero after 5 days pa, anong nangyari?" tanong ni Mari

"Hmmmmm walang nakaka alam, kahit si Papa walang nakuhang sagot kay Kuya and his mad." Sabi ni Nami

"Nami don't worry much about Bryn, dumadaloy sa kanya ang dugo ni Ninong kaya sure ako he will be fine. Oras na para pumasok ako sa boarding area. Nami I will do this for us, para sa future naten kaya wag kang iiyak habang malayo ako, lagi kitang mamimiss at mahal na mahal kita." Sabi ni Ryco habang yakap yakap ang dalaga

"Wag kang mambababae dun ha, tingnan mo ang mukhang to. Wala ka ng makikitang mas maganda dito. Mahal na mahal din kita Ryco." Sabi ni Nami at hinawakan sa pisngi ang binata at saka hinalikan sa lips nito

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon