Chapter 16

303 14 4
                                    

Kinabukasan sa Shohoku High School

Magkakasamang naglalakad sina Toby, Yuan at Nami sa building ng mga first year. Napansin nilang nagbubulungan ang mga female students na nadadaanan nila.

"SYA YUNG TRANSFEREE FROM CANADA DIBA?"

"OO SYA YUN, ANG TANGKAD AT ANG GWAPO."

"VARSITY DIN DAW YAN NG BASKETBALL"

"BAKIT SYA NANDITO DIBA SOPHOMORE SYA"

"BAKA NAMAN MAY GIRLFRIEND SYA DITO."

"MAY GIRLFRIEND NA SYA?"

"SAYANG NAMAN ANG PAPABOL PA NAMAN NYA" bulungan ng mga female students sa corridor. Nilingon ng tatlo kung saan nakatingin ang mga babaeng ito at nakita nila si Dion na papalapit sa kanila.

"Good morning Nami" nakangiting bati nito

"Good morning Dion, by the way thank you sa dinner last night. Di na ako nakapagthank you si Papa kasi."nakangiting sabi ni Nami

Napahawak sa baba nya si Yuan "Anong dinner yun? Bakit hindi ako invited?" tanong nito

"Nami bukod ba sa hindi ka na namen babantayan may dapat pa kaming malaman?" tanong ni Toby

"Bebe and Toby, nanliligaw na saken si Dion." Sagot ni Nami

"Bebe alam ba yan ni Ninong? Dion handa ka na ba sa kamatayan?" gulat na tanong ni Yuan

Ngumiti si Dion "Mga Bro alam ng Papa ni Nami ang tungkol sa panliligaw ko, kahapon nagpaalam ako sa kanya para ligawan si Nami." Sagot nito

Pinisil pisil ni Yuan ang katawan ni Dion "Wala bang nabali sa mga buto mo? Wala kang pasa o bugbog?" tanong nito

"Buti buhay ka pa ngayon?" sabi ni Toby

"Pumayag si Ninong na manligaw ka kay Bebe? Wala ba syang sapi kagabi?" gulat na tanong ni Yuan

"Luckily oo pumayag sya, at pati si Nami pumayag na." namumulang sabi ni Dion

Nagcross arm si Nami "Hoy mga lalaking tsimoso, pumunta na nga kayo sa mga classrooms nyo. Baka malate pa kayo." Sermon ni Nami

"Toby, Yuan alam kong lagi nyong kasabay si Nami na maglunch, pwede bang saken muna sya sumabay mamaya?" tanong ni Dion

"Edi sya ang tanungin mo." Sabi ni Toby at naglakad na papunta sa classroom nya

"Oo nga, bakit samen ka nagpapa alam." Dagdag ni Yuan at sumunod kay Toby

"Nami, pwede bang sabay tayong maglunch?" nakangiting tanong ni Dion

"Sige Dion. Sabay tayong maglalunch mamaya." Sagot ni Nami at pumasok na sa classroom nya

"Sa canteen mamaya" habol ni Dion

"Okey sa canteen mamaya" sagot ni Nami



Pumasok ang apat sa kanikanilang classroom para umatend ng mga klase nila. Lumipas ang ilang oras at sumapit na ang oras ng lunch break.

"Toby maglunch ka ba? Gusto mo sa gym na lang tayo?" tanong ni Yuan

"Naisip ko din nga na sa gym na magpalipas ng tanghaian, may kasabay naman si Nami na kumain." Sagot ni Toby

"Ano tara na sa gym?" pag aaya ni Yuan, tumango naman si Toby at nagtungo na sila sa gym.

"Hey Toby, Bebe tara na sa canteen." Pag aaya ni Nami

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon