Mitsui's Residence
Tahimik na gumagawa si Dion ng homework sa room nya ng pumasok sina Haruko at Mitsui.
"Pa, Ma? Good evening po." Bati ni Dion sa parents nya
"Anak kumusta ka sa new school mo? Naka-adjust ka na ba?" tanong ni Haruko
Tumigil si Dion sa pagsusulat "Yes Ma, mababait naman po ang mga classmate ko, then nakasali na din po ako sa basketball team ng Shohoku. Sana po mapabilang ako sa starting player pag nagstart ang elimination, ayoko po kasing mabangko." Sagot ni Dion
"Aba anak wala sa lahi ng Mitsui at kahit sa lahi ng Akagi ang nababangko ha. Ako ang dating MVP at ang Tito Takinori mo ang pinaka magaling na sentro dito sa Kanagawa." Sabi ni Mitsui
Ngumiti si Dion "Thank you po Papa, pero may magagaling din po kasing members ang Shohoku at may dalawa pang 1st year na magaling. Yung Rukawa at Mito twin ace ng Kanagawa at yung anak ni coach mahusay din." Kwento ni Dion
"Anak wag kang mag alala, isa ka sa pinakamagaling sa school mo sa Canada nung 1st year ka pa, kaya sure akong malaki ang gagampanan mo sa basketball team ng Shohoku."Nakangiting sabi ni Haruko
"Thank you Mama at Papa." Sabi ni Dion
"Yung Rukawa teammate ko dati ang tatay non, magaling talaga yung kapreng yun. Pero yung Mito, yung tatay nya ang bumugbog saken dati, akalain mo naging basketball player ang anak nya."sabi ni Mitsui
"Pa pwedeng magpaturo?" namumulang tanong ni Dion
"Ng ano? Lahat ng alam ko sa basketball naituro ko na sayo." Sagot ni Mitsui
"Nahihiya po kasi ako eh, magpapaturo po sana akong manligaw." Nakayukong sabi ni Dion
"Manliligaw? At bakit ka nakayuko? Dapat taas nuo ka sa mga ganyang bagay. Ikaw ang nag iisang heir ng Mitsui at walang babae ang makakatanggi sayo anak. Manang mana ka saken eh gwapo, magaling magbasketball at gentle man. Ahahahahaha" sabi ni Mitsui
"Dion anak manliligaw ka na agad? Diba kaka-transfer mo pa lang? Sino ang maswerteng girl na iyan?" tanong ni Haruko
"Nami Sakuragi po Ma" namumulang sagot ni Dion
"Ha? Ano? Sakuragi?" gulat na tanong ni Mitsui, tumango naman si Dion at natawa naman si Haruko
"Dito sa mundong ito iisa ang kilala kong Sakuragi. Kilala mo ba ang parents nya?" tanong ni Mitsui
"Kung hindi po ako nagkakamali Hanamichi at Kumi Sakuragi po sabi ni coach." Sagot ni Dion
"HUH! Ex manliligaw yun ni Mama mo, yung gung gong na Hanamichi na yun." Inis na sabi ni Mitsui
Ngumiti naman si Hatuko "At Ex crush mo naman si Kumi" sabi nito
"Ay may ganon, ang cute nyo naman Mama at Papa." Natatawang sabi ni Dion
"Hoy Dion yung liligawan mo, barumbado ang tatay non. I'm warning you nag iisang anak non si Nami kaya sigurado akong hindi ka madaling makakapanligaw dun." Sabi ni Mitsui
"Hindi naman Honey, mabait naman si Sakuragi." Sabi ni Haruko
Nainis si Mitsui "Aba't ipinagtatanggol mo pa sya Honey, sige ikaw ang magturong manligaw dyan sa anak mo." Sabi nito
"Papa bakit si Mama? Akala ko expert ka sa lahat ng bagay idol na idol pa naman kita." Sabi ni Dion
"Ganon ba anak, sige kelan ka ba magsisimulang manligaw? Turuan kita ng mga moves. Tyak hindi ka mababasted." Sabi ni Mitsui
BINABASA MO ANG
Ball of Love
Fiksi PenggemarLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...