Chapter 119

278 19 13
                                    

Naiinis na naupo sa may cashier ang owner ng flower shop "Ang gwapo nga, sobrang suplado naman." Sabi nito dahilan para mapatawa ang kahera ng flower shop

"Hoy anong nakakatawa?" masungit na tanong nito sa kahera

"Wala po mam, pero ngayon ko lang po kasi kayo nakitang nag assist ng customer pero sinupladuhan lang po kayo. Sayang naman po ang ganda at kaseksihan nyo." Sabi ng Kahera

Tiningnan ng masama ng shop owner si Ryco habang ina – assist ito ng isa sa mga tauhan nya "Sir para po kanino ang flowers na bibilhin nyo?" tanong ng babaeng kausap ni Ryco

"Para sa nililigawan ko, ano ba dapat ang ibigay ko sa kanya? Gusto ko yung magugustuhan nya at matutuwa sya. Maganda ang nililigawan ko kaya dapat maganda din ang ibibigay ko sa kanya." Sagot ni Ryco

Tinulungang mamili si Ryco ng bulaklak para kay Nami. Matapos makapili ay agad na binayaran ito ni Ryco at saka lumabas ng flower shop para balikan si Nami. Sa paglabas ni Ryco nilapitan ng owner ng flower shop ang babaeng nag assist kay Ryco "Bakit parang kilala mo ang supladong yun?" tanong ng ownerng shop

"Mam varsity po sya ng basketball sa school nila at sya po ang pinakamagaling na point guard dito sa Kanagawa. gwapo din po sya kaya popular po sya sa mga babae." Sagot nito

"Ganon ba, oo tama ka. gwapo nga sya at malakas ang dating. Pero napaka suplado nya." Sabi ni may ari ng shop

"Mam sa pagkaka alam ko po babaero po yan, nagtataka din po ako kung bakit kayo sinupladuhan. Maganda naman po kayo at sexy. Siguro po nagbago na sya dahil sa nililigawan nya. Ang effort po nung mga bulaklak na binili nya. Mukhang gustong gusto nya ang nililigawan nya." Sagot ng assistant

Ngumiti ang may ari ng shop "well I think I like him, pwede naman naten syang ibalik sa pagiging babaero." Nakangiting sabi nito

"Mam, ano pong pinaplano nyo?" tanong ng assistant pero ngumiti lang ang owner ng flower shop, pero ngumiti lang ito



Matapos bumili ng bulaklak agad na bumalik si Ryco sa sasakyan."Kinakabahan ako, ngayon ko lang gagawen ito. Sana magustuhan ni Nami. Sana talaga." Sabi ni Ryco sa isip nya

Kinatok nya ang bintana ng front seat para iabot kay Nami ang mga bulaklak na binili nya. Sa pagbukas ni Nami ng pinto nagulat sya sa hawak hawak ni Ryco "OMG Ryco." Sabi ni Nami

"Nami 100 red roses para sayo." Nakangiting sabi ni Ryco at iniabot ang mga bulaklak sa dalaga

Dahil sa kilig na naramdaman agad bumaba si Nami ng kotse at yumakap sa binata "Ryco thank you. Hindi mo alam kung gaano ako kinikilig ngayon." sabi nito habang nakayakap sa binata

"Nami thank you for appreciating everything about me. Thank you din kasi hindi mo ko hinusgahan sa kabila ng mga naririnig mo tungkol sa akin. Na babaero ako, kahit ako hindi ko alam kung anong magic ang ginawa mo sa akin, kung bakit ako patay na patay sayo." Sabi ni Ryco at yumakap din kay Nami

Namumula ang mukha ni Nami na tinanggap ang mga bulaklak mula kay Ryco at nakangiting inamoy ito "Ang babango nila, thank you Ryco. I really like them." Masayang sabi ng dalaga

Binuksan ni Ryco ang pinta ng kotse at pinasakay na si Nami "Natutuwa ako dahil nagustuhan mo, ito ang unang pagkakataong nagbigay ako ng bulaklak sa isang babae. Halika na, ihahatid na kita." Pag aaya ng binata

Masayang sumakay si Nami habang hawak hawak ang bouquet of red roses mula kay Ryco. Habang nagda-drive kitang kita ni Ryco ang kasiyahan sa mukha ng dalaga "Ang simple talaga nya, ang yaman yaman nila pero sa simpleng bulaklak nag uumapaw ang kanyang saya. Kitang kita ko kung paano nya ako na-appreciate. At dahil dun lalo kitang minahal Nami Sakuragi. Mahirap man, matagal man handa akong maghintay sa tamang panahon para sa atin." Nakangiting sabi ni Ryco sa isip nya

"Hindi ko expected na sweet pala si Ryco, akala ko mabait lang sya at maalaga dahil gusto nya ako. pero ngayon with his efforts nakikita kong gusto nya talaga ako. yung tapang nya sa pagharap kina Papa at Mama, paghahatid sundo nya sa akin araw araw. At respetong ibinibigay nya sa akin lalo ko syang nagugustuhan at minamahal." Nakangiting sabi ni Nami sa isip nya habang nakatingin sa isang daang pulang rosas na bigay ng binata



Samantalang sa sasakyan ni Bryn kasama nya si Empress. Habang daan ay nababalot sila ng katahimikan. Wala sa kanila ang nagsasalita. Si Bryn ay nakatingin lang sa daan habang nagda-drive at si Empress naman ay tahimik nan aka upo sa tabi nito. Nang biglang may tumawid na aso at biglang napa=preno si Bryn. Dahil sa nangyari nagulat si Empress at napayakap sa binata "Empress okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Bryn

"Sira ulo ka, tinatakot mo nanaman ako. ikaw mag iingat ka lagi sa pagda-drive mo. Alam mo bang kanina takot na takot ako nung akala ko ikaw yung naaksidente. Tapos best actor pa yung manliligaw ng kapatid mo, akala ko ikaw yung nakahiga na patay. Kaya kung tinatanong mo kung okay lang ako, hindi ako okay dahil hanggang ngayon nararamdaman ko pa yung takot nay un. Dahil ayokong mawala ka." umiiyak na sabi ni Empress

Itinabi ni Bryn ang sasakyan at ngumiti sa dalaga, niyakap nya ito "Empress you don't have to worry about me. Look at me I'm alive and strong. At kaya lang ako napabigla ng preno ay dahil may tumawid na aso. Wala kang dapat ikatakot o ipag alala dahil mula ngayon lagi na akong mag iingat, dahil alam kong nag aalala ka. Para sayo mag iingat ako dahil mahal kita." Sabi ni Bryn habang yakap ang dalaga

"Promise? Hindi ka mamamatay? Hindi mo ko iiwan." Tanong ni Empress habang umiiyak na yumakap kay Bryn

"Yeah promise yun. Liligawan pa kita at magiging girlfriend. Pupunta pa tayo sa UK tulad ng gusto ni Bell at Mommy, ipapakilala pa kita skay Dad at sa mga tropa ko dun. Lahat yan nakaplano na kaya sana ako na ang mahalin mo." Sabi ni Bryn

"Talaga isasama mo ako sa UK at ipapakilala sa lahat. Gagawen mo yun?" tanong ni Empress

"Oo kasi I'm proud to have you." Sagot ni Bryn

"Mahal kita Bryn Jin o Bryn Sakuragi ka man." Sabi ni Empress at hinigpitan ang yakap sa binata

"Mahal din kita Empress. Mahal na mahal." Sabi ni Bryn, bumitaw sya sa pagkakayakap kay Empress at tiningnan ang magandang mukha nito. Ngumiti si Empress dito at ganon din si Bryn, hinawi ni Bryn ang mga buhok ni Empress. Niyakap nya si Empress sa baywang at unti unting inilapit ang mukha sa dalaga, para halikan ito. Pumikit si Empress sa paglapit ng mukha ni Bryn biglang may kumatok sa bintana ng kotse ng binata. Nagulat sila at biglang napabitaw sa isat isa.

Napabuntong hininga si Bryn at tumingin sa bintana, nakita nya na isang traffic aid ang kumakatok. Ibinaba ni Bryn ang bintana ng kotse "Mam at Sir, bawal po yang ginagawa nyo. Patingin po ng lisensya nya Sir." Sabi nito

Dahil sa matinding hiya nagtakip ng mukha si Empress "OMG! Nakakahiya, anon a lang ang sasabihin ni Papa. Ano bang meron ngayong araw na to. Bakit ganito? Hindi ko alam kung matutuwa ako or what. Grabe na talaga." Sabi nito sa isip nya

Kahit nahihiya walang nagawa si Bryn kundi ang bumaba at iniabot ang lisensya nya sa traffic aid."Pasensya na po Sir." Sabi nito

Tiningnan ito ng traffic aid "Bryn Jin, ikaw nanaman Sir." Sabi nito

"What do you mean?" tanong ni Bryn na hindi makatingin sa traffic aid

"Iba talaga pag sikat. Nahuli na kita dati, dahil sa over speeding. Nakalusot ka lang dahil tinulungan kayo ng idol kong si Hanamichi Sakuragi." Kwento ng traffic aid

"Yeah Sir, I remember already. So pwede bang makalusot ulit kame ngayon. wala naman talaga kaming balak gawen." Sabi ni Bryn

"Sir, ang yaman yaman mo hindi mo pa sya nadala sa isang hotel. Pero sa kaso nyo ngayon hindi ko na kayo pwedeng palusutin. Lalot minor ka pa. hindi tama ang ginagawa nyo at kailangang maka-usap namen ang mga magulang nyo." Sabi ni traffic aid

"Sir pag usapan na lang naten. Baka mapatay ako ni Papa." Paki usap ni Bryn

"pangalawa mo na ito Sir kaya hindi na pwede. Miss patingin ng ID mo." Sabi nito

Nahihiyang iniabot ni Empress ang ID nya sa traffic aid, agad nitong tiningnan ang ID "oh nakita mo na, minor din yang kasama mo at kung ano ano ang ginagawa nyo sa loob ng kotse mo. Kailangan nyong sumama sa akin at kailangan dun kayo sunduin ng mga parents nyo." Sabi ni Traffic aid

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon