Chapter 25

279 14 3
                                    

Matapos ang masayang hapunan ng mgakakaibigan at ng kanilang mga anak ay nagdesisyon silang sa bahay na ng mga Sakuragi magpalipas ng gabi, nagkayayaan silang mag inuman.

"Mga bata pwedeng magstay kayo sa kwarto ni Nami habang di pa kayo matutulog. Pero walang gagawa ng kabalbalan, lalo na kayong mga lalaki. Pag matutulog na kayo pwede kayo sa guest room. Nagkaka intindihan ba tayo?" tanong ni Hanamichi

Napangiti naman ng di inaasahan si Ryco "Wow a night with Nami, hindi ko to inaasahan." Sabi nito sa sarili

Napansin naman ni Hanamichi ang pagngiti ni Ryco "Hoy sangganong gubat! Anong nginingiti ngiti mo dyan? Baka may binabalak ka kay Princess ha, wag kang magkakamali." Sabi ni Hanamichi

"Wala po Ninong, pero aaminin ko po sa inyo na masaya ako dahil makakasama ko si Nami ngayong gabi. Pero I know how to respect girls Ninong, lalot pinayagan nyo po akong manligaw sa kanya." Sabi ni Ryco

Tinapik ni Ryota ang balikat ni Hanamichi "Yan ang anak ko, marespeto at di abusado. Anong masasabi mo sa inaanak mo Hanamichi?" Sabi nito

"Mayabang yang anak mo." Sabi ni Hanamichi kay Ryota

"Okay, okay let's have some fun na. tara na sa garden inuman na. Kezzia behave ka lang ha." Sabi ni Sendoh

"Oo nga, hayaan na naten ang mga bata. Kaya na nila ang mga sarili nila. At ikaw unggoy wag kang over protective dyan, hayaan mo ang anak mong mag enjoy." Nakangiting sabi ni Kiyota

"Oo na matsing. Tara na mga Tol hayaan na naten ang mga bata.Toby, Yuan kayo na bahala kay Nami. " Sabi ni Hanamichi at lumabas kasama ng mga kaibigan nya

Lumabas sina Hanamichi at ang mga kaibigan nito. Naiwan sa loob ng bahay sina Toby, Yuan, Dion, Ryco, Kezzia, Nami, Mari, Nash at Stella. Nagkatinginan ang mga boys, sabay sigaw ng "All right!"

"So napalitan ang place ng sleep over pero mas dumami tayo and may mga bago tayong friends.. Mukhang magiging masaya to." Nakangiting sabi ni Kezzia

Ngumiti si Toby "Ako laging masaya basta nakikita kita at lalo na ngayong makakasama kita." Sabi nito

"Let's go na sa room ko. Malaki naman yun kaya kasya tayong lahat dun. Nash, Stella and Ate Mari feel at home lang kayo." Sabi ni Nami at nagtungo sila sa kwarto nito

"So Kezzia ikaw ang may idea ng sleep over na to, anong gagawen naten ngayon?" tanong ni Dion

Naupo sa sahig si Ryco at hinila nito si Nami "Tabi tayo." Bulong nito kay Nami, namula naman ang mukha ni Nami at naupo sa tabi ni Ryco.

Naupo naman si Dion sa tabi ni Nami "Nami okay lang bang maupo ako sa tabi mo?" tanong nito

"Sure, pwede kang maupo sa tabi ko." Sagot ni Nami at naupo naman si Dion sa tabi nito

"Woot woot woot ang ganda naman ng Bebe ko, tyak pag nakita kayo ni Ninong Hanamichi lagot kayo." Nakakalokong sabi ni Yuan

Naupo ang lahat sa sahig na tulad nina Nami, Dion at Ryco. "nanliligaw ka sa kanya Ryco?" mataray na tanong ni Mari kay Ryco

Ngumiti si Ryco bago sumagot "Yes Mari, nililigawan ko si Nami. Gusto ko sya at mahal ko sya." Deretsong sagot ni Ryco

"Whatever Ryco" mataray na sagot ni Mari

"Hey nandito tayo para mag enjoy and to know more about each other. Walang maiinis, chill lang tayo lahat." Sabi ni Kezzia

"I know Ate Kezzia, let's have a game. Spin the bottle tayo then truth or dare. With that mas makikilala naten ang isat isa. Bawal ang kill joy at di sasali." Nakangiting sabi ni Stella

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon