Chapter 35

331 19 18
                                    

Pumasok si Bryn at nagulat ito ng bumungad sa kanya si Hanamichi na kausap ni Maki. Tinanggal nya ang suot nyang shades. Naramdaman nanaman nya ang mabilis na pagdaloy ng dugo sa kanyang katawan at mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"Ayan na sya Sakuragi, Bryn halika dito." Sabi ni Maki

Lumapit si Bryn kina Hanamichi at Maki, nagtama ang mga mata nila ni Hanamichi at pareho silang may naramdamang kakaiba "What is this feeling? Hindi naman ganito ang nararamdaman ko pagtumitingin ako kay Dad." Sabi ni Bryn sa isip nya

"Ano tong nararamdaman ko? Ganito ang naramdaman ko nong una kong nahawakan si Nami, nung ipinanganak sya ni Boss. Ito ba ang tinatawag na lukso ng dugo? Anak ko ba talaga ang batang ito?" tanong ni Hanamichi sa isip nya

"ano na? magtititigan na lang kayong dalawa? Diba may mga tanong kayo sa isat isa. Magkaharap na kayo, pwede ng masagot ang lahat ng yun. Bryn maupo ka dito." Sabi ni Maki

Napahinga ng malalim si Hanamichi at ngumiti kay Bryn "Kumusta ka Bryn, ako nga pala si Hanamichi Sakuragi. Totoo ba na ako ang dahilan ng pagpunta mo dito sa Japan. Pasensya ka na, isa akong walang kwentang tao at puro ka gung gongan ang nasa utak ko. Kaya wala kang mapapala saken." Sabi ni Hanamichi sabay offer ng kamay nya for handshake

Nakatitig si Bryn at tinanggap ang kamay ni Hanamichi "Ako po si Bryn Jin. May mga gusto po sana akong itanong sayo, if you don't mind Mr. Hanamichi Sakuragi. I don't care if gung gong ka or what, I just want to know you more." Sabi ni Bryn habang naka-kamay kay Hanamichi

"Ganon ba ka importante ang mga tanong mo para lumipad ka pa dito sa Japan mula sa UK? Hindi ba masagot ng mga magulang mo ang mga tanong mo at kailangan mo pang sadyain ang henyong ito?"tanong ni Hanamichi

"This is very important to me; I'm looking for my biological father. Kayang sagutin nina Mommy at Daddy pero di nila ginawa. Hinintay pa nila na pumunta ako dito sa Japan para magsalita sila sa matagal ko ng itinatanong." Sabi ni Bryn

"You're looking for your biological father? Bakit ako ang hinanap mo? Sa tingin mo ba ako ang totoo mong ama?" mahinahong tanong ni Hanamichi

"No and Yes. No, hindi tagala ikaw ang hinahanap ko. I just ask some questions from Tito Maki and the answers are pointing to you. From those information na galing kay Tito Maki, Yes umaasa ako and I'm praying na ikaw ang biological fayher ko." Sagot ni Bryn

"The answers are pointing to me. Ano ano yung mga yun?" tanong ni Hanamichi

"I'm looking for the guy with red hair na kapartner ni Mom sa magazine cover na nakita ko way back 3 years ago. And Tito Maki told me na ikaw po yun. You're with my Mom 15 years ago." Sabi ni Bryn

"Tama ka, ako ang partner ni Bianca sa magazine cover way back 15 years ago. Magkasama kami sa isang room that time dahil nagbreak kami ng asawa ko non. But that doesn't mean na ako na ang ama mo, dahil magkasama sila ni Jin sa pagbalik ni Bianca sa UK and Bianca told me na marami syang nakaka-eksenang ibang models, malay mo isa sa kanila ang biological father mo." Nakangiting sabi ni Hanamichi

Nanlaki ang mga mata ni Bryn sa sagot ni Hanamichi, Hindi nya inaasahan na ganito ang isasagot nito "Inamin na saken ni Dad na hindi sya ang biological Dad ko. At hindi malandi ang mommy ko para isipin mo yang ganyan. Bago ako umalis ng UK mom told me na dalawa lang ang lalaking minahal nya, ang biological father ko na hindi nya sinabi kung sino at si Daddy. Sinasayang mo ang oras ko. Wala ka palang kwentang kausap, nagkamali ako for expecting something from you. Gung gong" Nagagalit na sabi ni Bryn

"Bryn huminahon at ikaw naman Sakuragi ayusin mo ang mga sinasabi mo. Bata yang kausap mo, wag mong pairalin ang pagiging balasubas mo. Nalabas pareho ang pagiging balasubas nyo, mag ama nga siguro kayo?" Sabi ni Maki

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon