Chapter 100

370 20 31
                                    

"Nangyare? Bakit ang bitter ni Empress, mukha tuloy nabadtrip si Pretty boy?" sabi ni KC

"Pero napansin nyo mas hot si pretty boy when his mad." Sabi naman ni Rona

Napatingin naman si Jocel kay Empress "Oi Empress anong pinaggagagawa mo? Nasa katinuan ka pa ba? Halatang bitter ka." sabi nito

"Hindi ganon yun Jocel, iba lang talaga kayong mag isip sa akin. Una iniisip nyo na gusto ko si Bryn, eh babaero yun kaya hindi ko sya magugustuhan. At ngayon iniisip nyong bitter ako sa kanila nung kasama nya, ginagawa ko lang ang duty ko as team captain." Sabi ni Empress

"okay, sabi mo eh." Sabay sabay na sabi nina KC, Jed at Rona

"Naniniwala naman kami sa mga sinasabi mo Empress, pero minsan iba ang ikinikilos naten sa sinasabi naten. Good luck sa inyo ni Ryan." Sabi ni Jocel sabat tapik sa balikat nito

Maya maya pa ay nakabalik na si Bryn. "Ayan kumpleto na tayo. Ipamimigay ko na ang mga uniform na gagamitin naten para sa district tournament bukas." Anunsyo ni Ryan

"As I call your name sasabihin ko na din ang position nyo at number ng uniform nyo." Sigaw ni Empress

"Each one of you will have a set of uniform, varsity jacket at sports bag na may logo ng school at district naten. Tandaan nyo na sa tuwing suot nyo ang mga ito dapat kayong maging model player at wag makikipagbasag ulo." Sabi ni Ryan

"Game! Game! Number 1, the captain tekong ng first regu Ryan." Sabi ni Empress at namumulang iniabot ang set of uniform kay Ryan

"Thank you Empress, lahat ng laro ko ay para sayo." Sabi ni Ryan at tinanggap ang set of uniform

"Wow love is in the air. Sana all." Sabi ni KC

Sunod na tinawag ni Empress ang ibang team members para ibigay ang mga uniform ng mga ito. Sina Ian, Mark, Jerome, Linus, Jerome, Gerald, Carlo, Kim, Noel, Willam at ang huli si Bryn "Number 12, tekong spiker ng 3rd regu Bryan Sakuragi" sabi ni Empress at nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso ng makitang papalapit sa kanya ni Bryn

Sa paglapit ni Bryn kuniha ni Ryan ang uniform mula kay Empress at sya na ang nag abot dito."Bryn ito ang uniform mo, muli welcome sa team at nagpapasalamat kaming lahat dahil tinanggap mong maglaro para sa district." Nakangiting sabi ni Ryan

"Ang pormal mo naman Captain, and about that napag usapan na naten ang tungkol dyan. Isang karangalan sa akin ang maglaro para sa Kanagawa district. And one more thing, congrats sa inyo ni Empress, balita ko sinagot ka na nya." Nakangiting sabi ni Bryn at kinamayan si Bryn

Kinamayan ni Ryan si Bryn "Salamat Tol, wag kang mag alala hindi man ikaw ang sinagot ni Empress makakasiguro ka namang aalagaan ko sya at di sasaktan." Sabi ni Ryan

Muling ngumiti si Bryn at tumango "Pano ba yan Empress, stay strong sa inyo. Masaya ako para sa inyo ng boyfriend mo." Sabi ni Bryn at saka naglakad papunta sa bench

Natahimik si Empress dahil sa sinabi ni Bryn "Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang nagi-guilty ako sa hindi ko malamang dahilan? Dahil ba binasted ko si Bryn, pero mukha namang hindi sya affected at may hinaharot na agad syang iba. Dapat masaya akong boyfriend ko na si Ryan, the guy I like." Sabi ni Empress sa isip nya

Dahil tapos na ang pamimigay ng uniform muling nagsalita si Ryan "Lahat tayo ay maagang uuwi para sa game bukas. Have an early rest at sigurado akong this year tayo ang magcha-champion. Sige uwian na." sigaw ni Ryan



Isa isa ng nag si uwian ang mga members ng sepak boys at sepak girls. Lumabas mula sa comfort room si Empress at natanaw nya si Bryn na nasa sepak court pa din at nagpapatuloy sa pagpapractice nito. Nilapitan nya ito "Bryn bakit hindi ka pa umuuwi. Diba utos ni Captain maaga tayong umuwi. Hinihintay mo ba si Yuri?" Tanong ni Empress

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon