Chapter 85

336 21 5
                                    

Agad na tumakbo si Bryn sa labas ng front seat at pinagbuksan si Empress ng pinto ng sasakyan. Sumakay naman si Empress at isinara ni Bryn ang pinto at saka nagtungo sa driver's seat at naupo dito. Humarap sya kay Empress at akmang lalapit ng ngumiti ang dalaga sa kanya "Your looking for the seat belt ba? Ito oh." Sabi ni Empress at iniabot kay Bryn

Bigla namang nakaramdam ng hiya si Bryn ng maalala ang nangyari sa kanila nung nakaraang araw, dahilan para mamula ang mukha nito. Kinuha nya ang seat belt mula sa dalaga at gamit ang finger print nya ay binuksan nya ito, inilagay nya ito kay Empress at naupo ng maayos sa driver seat "okay let's go, where do you want to go?" tanong ni Bryn

"Ano wala kang plan kung saan mo ko ide-date? Dapat nga may ibibigay kang flowers saken dahil first date naten and nanliligaw ka saken. Tapos wala din." Nakangusong tanong ni Empress

Napakamot sa ulo nya si Bryn "HEHE ganon ba yun Empress, sorry wala akong alam sa panliligaw at sa pakikipag-date. Nung nasa UK kasi ako pag nakikipag-date ako kung saan lang gusto ng ka-date ko dun kami pumupunta. And hindi ko alam ang bulaklak na gusto mo kaya hindi kita mabigyan ng bulaklak." Paliwanag ni Bryn

Natahimik si Empress sa kina uupuan nya "Ito ang first date ko pero bakit ganito, kahit konteng kilig wala. Ang gwapo nga nya pero hindi pala sya romantic tulad ng inisip ko kanina. Si Ryan na lang sana ang nag aya sakeng mag-date. Siguro sobrang kilig ang mapi-feel ko." Sabi ni Empress sa isip nya

Hinawakan ni Bryn ang baba ni Empress "Cheer up Empress, na-dis appoint ka ba sa akin? Sorry na, now alam ko na kung saan kita ide-date." Nakangiting sabi ni Bryn

"Okay.." maiksing sagot ni Empress

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Bryn, pangiti ngiti syang sumusulyap kay Empress, dahilan para mainis si Empress "Hoy ikaw anong ini-ngingiti ngiti mo dyan?" inis na tanong ng dalaga

"Wala, baket bawal bang ngumiti? Nagagandahanlang ako sayo. And happy ako dahil kasama kita." Natatawang sagot ni Bryn

"Nakaka inis yang pangiti ngiti mong yan. Alam mo ba yun? Oh baka naman may binabalak kang masama saken kaya ka ngiti ng ngiti dyan?" inis na tanong ni Empress

"Ano ba? Diba sabi ko nagagandahan lang ako sayo at masaya ako dahil kasama kita.. Wala akong binabalak na masama sayo." Natatawang sagot ni Bryn

"Siguraduhin mo lang, baka kung saan mo ko dadalhin. Makakatikim ka saken ng rolling spike makikita mo." Banta ng dalaga

"Empress naman, ganon ka ba magpakita ng pagmamahal? Masakit yung rolling spike. Pero don't worry wala akong gagaweng masama sayo and hindi kita dadalhin kung saan. Basta wag mo kong sigawan. HEHEEH ganda ganda mo ang ingay ingay mo." Sabi ni Bryn, maya maya pa ay tumigil na si Bryn sa pagda-drive at nag-park sa isang fine-dining na restaurant, bumaba si Byn at pinagbuksan ng pinto si Empress

"Dito kayo kakain?" tanong ng dalaga

"Yeah, baka kasi sabihin mo hindi ko pinaghandaan ang date naten. Ayoko namang ma-turn off ka nanaman saken. Baka maubos na ang pogi points ko nyan." nakangiting sabi ni Bryn at hinawakan si Empress sa kamay nito, ngumiti si Empress at naglakad kasama ni Bryn

Papasok na sila sa resto ng harangin sila ng receptionist "Excuse me Mam and Sir, but we are not accepting walk in guest for this night." sabi nito at tiningnan ang dalawa mula ulo hanggang paa

"Bryn mukhang hindi tayo pwede dito, wag na lang tayo dito." Sabi ni Empress at hinihila na si Bryn papalabas ng resto

"Good evening Sir may I ask why? Dahil po bas a suot namen?" tanong ni Bryn sa receptionist

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon