Nagsi-uwian na sina Kezzia, Toby, Yuan, Dion pati na rin ang member's ng team ng Shohoku.
Mito's Residence
Nadatnan ni Yuan ang mga magulang nya sina Yohei at Amai na nasa kitchen at nagluluto. Lumapit ito at yumakap sa mama nya "Mama na miss po kita." Sabi nito
"Yuan kumusta ang araw mo?" tanong ni Yohei
Ngumiti si Yuan sa Papa nya "Mabuti naman po Papa. May sleep over nga po pala kame mamaya sa house nung team manager namen." Sabi nito
"Sleep over sa house ng team manager nyo? Ano yan group study?" tanong ni Amai kay Yuan
Ngumiti si Yuan sa mama nya "No Ma, just a sleep over. Bonding po, parang ganon. Saturday naman po bukas." Sabi nito
"Iba na talaga ang panahon ngayon, may pasleep over sleep over pang nalalaman ang mga kabataan. Palibhasa puro kalokohan ang alam. Nung high school kame sa Shohoku ko lang na-experience ang sleep over. Nung ginawa ni Hanamichi ang 20 000 jump shot nya. "nakangiting kwento ni ni Yohei
"Yuan yun bang team manager nyo ay lalaki o babae? Bakit may pa-sleep over syang nalalaman? Kung babae baka may gusto sayo yun ha o kung lalaki baka bakla yun at may pagnanasa sayo. Bata ka pa ha, pag naging batang ama ka wala kang ipapakain sa magiging pamilya mo." Derederetsong sermon ni Amai
"Ma chill, binata na po ako. Kung makabuntis man po ako sa edad kong to alam ko naman pong hindi nyo ako papabayaan ni Papa. And wag nyo na po akong masyadong baby-hin, siguro mas okay po na gumawa na lang kayo ng baby sister o brother ko." Nakangiting sabi ni Yuan sa mama nya
"Oy Yohei, pagsabihan mo yang anak mo ha. Kuhang kuha ang pagiging balasubas ni Hanamichi. Tingnan mo kung paano makipag usap sa atin." Naiinis na sabi ni Amai at nagpatuloy sa pagluluto
Ngumiti si Yohei "Okay Sweet, ako na ang bahala dito sa anak naten." Nakangiting sabi nito sa asawa
"Pa, nadamay nanaman si Ninong Hanamichi." Nakabungisngis na sabi ni Yuan
"Anak tama ka naman, binata ka na at hindi ka na dapat baby-hin. Nagpapa alala lang si Mama mo dahil ayaw nyang maagang maputol ang pagiging binata mo. Kasi pag nangyari yun di mo na mae-enjoy ang mga bagay bagay. Lalo na at malaki ang chance mong sumikat dahil sa basketball." Paliwanag ni Yohei sa anak
"I know that naman Papa, wala kayong dapat ipag alala girlfriend nga po wala ako, pano ako magiging batang ama. Praning talaga kayo ni Mama." Nakangisngis na sabi ni Yuan
"Tama talaga si Mama mo, kuhang kuha mo ang pagiging balasubas ng Ninong mo. Pero matanong ko lang sino ba yung team manager nyo? At saan ang bahay nila ihahatid kita para alam ko kung sang lupalop dito sa Japan ka nandun." Tanong ni Yohei
Napakamot si Yuan sa ulo nya "Pa naman? Para naman akong kinder nyan, kailangan pang ihatid. Team manager po namen is Kezzia Sendoh yung pinopormahan ni Toby. At hindi nyo na po ako kailangang ihatid dahil susunduin nya kame sa bahay nina Nami." Paliwanag ni Yuan
"Sa bahay nina Nami? Kezzia Sendoh? Anak bay an ni Akira Sendoh? yung may crush sa coach nyo?" tanong ni Yohei
Napangisngis nanaman si Yuan "Papa ang laki ng respeto ko sayo at idol na idol po kita pero ngayon ko lang po nalaman na may pagka-tsismoso po kayo." Sabi nito
"Yuan Mito manahimik ka dyan ha, napakabalasubas nyang bibig mo. Sige ayusin mo na gamit mo para sa sleep over mo at mamaya ihahatid kita kina Nami." Nakatawang sabi ni Yohei
RUKAWA'S RESIDENCE
Pumasok si Toby sa bahay nila at nadatnan nya sina Kaede at Ai na nasa sala, may hawak na bouquet of flowers si Ai na mukhang galing kay Kaede.

BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...