Chapter 59

319 22 2
                                    

Iniakyat ni Bryn si Hanamichi sa kwarto nila ni Kumi at ihiniga ito. Agad namang kumuha si Kumi ng towel at tubig para mapunasan ang lasing na lasing nyang asawa.

Nakakaramdam pa rin ng ilang si Bryn pero nilakasan nya ang loob nyang magtanong "Tita Kumi okay na po ba na iwan ko kayo o may maiitulong pa po ako sa inyo?" tanong ng binata

Tumingin si Kumi ng seryoso kay Bryn "Okay na ang lahat ako na ang bahala sa asawa ko. Pumunta ka na sa guest room at sarili mo ang asikasuhin mo." Mataray na sabi ni KUmi

Napayuko nanaman si Bryn "Sige po Tita Kumi. Good night po ang thank you for allowing me to stay here for this night." Sabi ni Bryn at lumabas na ng kwarto

"Kayo ni Bianca hindi ko alam kung anong pakay nyo sa pamilya ko. Kinukuha nyo ang loob ni Love at pati ni Nami. Akala nyo hinndi ko nano-noticed yun." Sabi ni Kumi sa sarili, naalala bigla ni Kumi ang lasing na lasing na si Hanamichi. Agad nyang sinimulang alisin ang suot na damit nito at pinunasan mula sa mukha nito.

"Love anong problema mo? Okay lang namang uminom ka, pero bakit kailangan mong magpakalasing ng ganyan. Kung may problem aka pwede mo namang sabihin sa akin yun. Asawa mo ako at nandito ako para unawain ka." sabi ni Kumi

"Boss, sorry lasing nanaman ang henyong ito. Alam mo kanina sa bar pinagkakaisahan nanaman ako ng mga ungas na yun. Sabi ni Rukawa ako na daw ang ama at ina ni Nami, tapos sabi ni matsing sa laki ko daw na ito under de saya daw pala ako. alam mo yun Boss nakakahiya na ganon ang tingin nila sa isang henyong katulad ko. Kaya sorry dahil sa inis na naramdaman ko nagpakalasing na lang ako." sabi ni Hanamichi

"Love I'm sorry kung nagkukulang ako ng time sayo at kay Nami, kailangan ko kasing gawen ang duty ko sa hospital." Sabi ni Kumi habang pinupunasan ang asawa nya

Ngumiti si Hanamichi "Pano naman ang duty mo sa amin ng Nami? Sabi pa nila sa buhay mag asawa kailangan ng time sa isat isa, kahit kasal na kailangan pa din daw mag-date at quality time sa isat isa. Hindi puro work. At tama din si Lolo sa sinabi nya, na nakapag ipon na naman tayo ng sapat para mabuhay, hindi mo na kailangang magtrabaho." Sabi ni Hanamichi

"Ano ba naman yang pinagsasasabi sayo ng mga barkada mo? Bakit sila ganon, ginagawa ko naman ang duty ko as wife sayo at as mother to Nami pag wala akong pasok. I hope you understand Love." paliwanag ni Kumi

"Oo naman Boss, lagi naman kitang inuunawa. Kaya nga kanina hindi na kita kinulit na sumunod sa amin. Dahil alam kong pagod na pagod ka na sa work mo. Buti na lang nandun si Bianca, kahit lasing na lasing ako hindi nya ko iniwan, nasikaso nya ako. hindi pa rin nagbabago si Bianca, mabait, maganda at ang bango bango pa rin nya." Sabi ni Hanamichi at nakatulog na sa sobrang kalasingan

Nakaramdam naman ng matinding inis si Kumi "Anong pinagsasasabi mong ang bango bang ni Bianca, hoy!! Hanamichi Sakuragi!! Gumising ka dyan at sagutin mo ang tanong ko! Nag amuyan kayo dun habang wala ako! Gumising ka! Ano pang ginawa nyo bukod sa pag aamuyan nyo!" galit na sigaw ni Kumi habang sinasampal si Hanamichi pero tulog na tulog na ito

Dahil narinig ni Nami ang sigaw ng mama nya, agad itong nagtungo sa kwarto ng mga ito "Mama bakit ka po sumisigaw? Nag aaway po ba kayo ni Papa?" tanong ni Nami

Agad na lumapit ang galit na si Kumi sa anak "Baby tell me, anong nangyari sa bar? May time ba na naiwan sina Papa mo at Tita Bianca mo na sila lang dalawa?" galit na tanong ni Kumi

"Mama galit ka po ba? Bakit ka po ganyan? Kanina po sa bar nasa table po sila nina Tito Mito at ng iba pa, nandun din po sina Tita Amai kasi sumunod po sila. Then kami po nasa kabilang table lang, wala naman pong kakaibang nangyari Mama, nag inuman lang po sila at nag aasaran. Opo Mama may moment pong naiwan sina Papa at Tita Bianca na sila lang dalawa nung nag uwian na po. hindi po kasi maiwan ni Tita Bianca si Papa dahil bumagsak poi to dahil sa kalasingan." Kwento ni Nami

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon